Teaser – Chapter 1 to Chapter 5

Chapter 1

“And who told you na magpapakasal ako sa iyo? Excuse me noh.. Kahit plinano na yan nina Mommy, I won’t allow it…”

“Wala ka nang magagawa. That’s how it goes. Dapat nga, magpasalamat ka at napakagwapo ng mapapangasawa mo. And ikaw na din yung nagsabi diba? ikaw lan naman ang mapapangasawa ko.”

“Duh? Okay, gwapo ka nga, pero hello?! Kulang ka naman sa right manners. I’d rather choose a man to marry na kahit di kaguwapuhan, knows how I feel naman.” 

“Ahh… but I thought you’re an alien? Walang nararamdaman.”he just simply reacted.

“Eh, si Kokey nga, may naramdaman naman ah..”

“That was Kokey. And Kokey is a fictional character. Are you that stupid?”

“I know. I was just comparing myself to Kokey.”

“And excuse me, ang layo na ni Kokey sa pinag-uusapan natin. Mahirap talaga makipag-usap sa walis tingting.”

“Ano?! Tingting?!”

“Yeah, judge yourself.” He said simply at umalis.

So, okay. Payat ako and maputi na parang walang dugo. Some call me lampayatot, but does he has to point it out to me? Why do I waste my breath ba sa lalaking yun? Since kinder ganun na ugali yun, so why do I have to keep up with him. He’s just another jerk.

“Well, my answer is that Jose Rizal was born on morning.”

“What made you say that Ms. Tan?”

“Well, dahil nabasa ko.”

“Other answers?”

“Sir, Jose Rizal was born on a cold, crisp night.” he said while tingling his head on the window. Ni hindi lang man humarap sa teacher now tumayo.

“What made you answer that Mr. Lizares?”

“Well, at the third paragraph, if you’ve noticed, the sentence was ‘it was a cold, crisp night when his mother cried out for pain.”

“Very good answer.”

Ngumiti si Gio ng nakakaloko na parang nanlalait. I know what he thinks. Na tanga ako. Well nope.

“Well, sir, it wasn’t identified at the story that his mother cried out for pain because she was going to give birth to her son.” I said smiling confidently.

“Ms. Tan, it doesn’t mean na pag hindi mo nabasa ang gustong ipahiwatig ng isang storya, hanggang dun nalang yun.” sabi sakin ng teacher at humarap siya sa lahat. “The other authors left it like that because they want the readers to think. Work their brains in what happens next.”  And then humarap ulit sakin yung teacher. “Do you get it now Ms. Tan?”

“Yes sir.” I said bowing down my head in shame.

Okay, 1-0. He scored.

“That wasn’t a great answer.” He said as he passed by.

“Yours too.”

“Hmrp, yeah right.”

“Bakit di kanalang kaya lumayo sakin?”

“Bakit di kanalang kaya lumayo sakin?” he said imitating my actions and the way i said it. Nga lang, exaggerated yung sa kanya.

“Ugh, ang hirap mong kausapin.”

“Hindi kappa ba nasanay? Since kinder ganito na ako. Dapat nasanay ka na.”

“Well, I’m sorry. Ayokong isayang ang laway ko sa mga walang silbing kausap.”

“Well, kaw din. Papanis yan.” At tumawa siya.

Papanis din yan? Duh…

“Bakit ba sa kadami-daming babae dito ako pa ang gusto mong asarin?”

I like your response e.”


 

Chapter 2

“I like your response?” Duh. What if kaya kung di na ko pumatol?

“Yeah.” He smiled. “Notice other girls, nagpapacute tuwing inaasar ko. And I know what they want.” He smiled again and went away.

I looked at him. He’s really a jerk. I mean, dapat masanay na siya dun noh. Napakagwapo niya and for other girls, it’s a privelege na makaasaran siya. Pero iba ako. I don’t like him. Ever since. And to think of na arranged marriage kami, duh! Nasusuka ako.

Anyways, I’m Nathalie Tan. 16 years old. Senior sa Phoenix University. That guy is Gio Lizares. We’ve been classmates since kinder. Matalik na magkakaibigan ang family namin. Kaya naman, napag-isipan nilang ipakasal kami baling araw. Walang kwenta. Ni hindi man lang nila naisip kung anong mararamdaman namin. What’s the point?

He’s a teaser simula ng kinder. Hindi ko alam pero favorite niya talaga ako sa lahat ng mga babaeng asarin. And I really hate it kapag sinisingit niya na yung “kasalan” na bagay. And also, yung pagiging payat ko. Ayaw niya nun? Kung pakakasalan niya nga ako, pang model ang beauty ng asawa niya? O diba?

Stupid talaga. Oh well, that’s how things work in our world.

“Nathie!”

Lumingon ako. Duh, siguro naman pag may tumatawag sa iyo, no question, lilingon ka talaga diba?

“Hmm?”

“Sabay tayo umuwi, susunduin kaba?”

“Hindi, sige, sabay tayo.”

“Hay naku, ang dami kong kwento sa iyo.”

“Talaga lang ha? eh, kakakwento mo lang sakin ng mga bagay bagay kanina, tapos ngayon, magkwekwento ka na naman? Tsk, tsk. Iba ka sister.”

“Alam mo ba? Ang galing pala mag gitara ni Cedric.”

“Ows?”

“Yeah. Gosh, mas maiinlab ka sis.”

Okay, this is my bestfriend Cindy. She’s so daldalera. She thinks Gio and his kabarkada are the coolest among the guys in our school. Exaj.

And then there’s Cedric. Kabarkada ni Gio. Okay, I mean it. He’s really cute. Pero kung icocompare siya sa kay Gio physically, hmm, for me, mas cute si Gio. Nga lang, mas may galang naman itong si Cedric compare kay Gio.

“Ewan ko talaga sa iyo Cindz ha.. Ang dami mong alam.” At tumawa kaagad ako.

Naglakad kami papunta sa sakayan ng jeep. Yeah, mayaman ako pero sumasakay ako ng jeep. I mean, kung gusto mong maging masaya ang buhay mo at matikman ng buhay ng isang ordinaryong tao, sumakay ka ng jeep at amuyin mo ang polluted na ihip ng hangin.

Dumaan kami sa mga maliliit na tindahan. Hmm, mostly mga boutiques or gift shops. Tumitingin-tingin ako sa mga gift shops ng nakita ko si Gio sa window. Seryoso ang mukha. May tinitingnan. Sa mga gifts? Aha! May gusto siyang babae? And that only means, hindi na kami magpapakasal.

Aalamin ko yan Gio. Humanda ka.

“Tara na. Wala naman palang magaganda.”

Hindi parin ako gumalaw.

“Nathie? Tara na.”

“Ahh.. sige..” Tiningnan ko ulit si Gio. Nakatingin parin siya dun sa window ng isang gift shop.

Naglakad kami ulit ni Cindy.

Magkalapit lang kami ng bahay kaya isang lugar lang kami.

“You know what Nath, kung di mo lang pakakasalan si Gio later, liligawan ko na yan ngayon.”

Huh? Ano daw?


 

Chapter 3

“What? You mean – you’re falling in love with him?!” bulalas ko. “that can’t be.” nasabi ko nalang ng pabulong. What? Bakit nga ba hindi? I mean.. duh.

“No, no. Fall ek-ek ka diyan. Crush lang no.”

“Aahh.. kala ko you fell for him na.”

“Eh bakit parang todo react ka dyan?”

Oo nga noh? Bakit ba todo react ako? I mean, duh. Sino ba naman si Gio para magreact ako? Diba?

“It’s just that..well.. you know… you’re his opposite.”

Tama! Opposite siya ni Cindy. So, I think hindi pwede.

“Pero diba sabi nila, opposite attracts?”

“Huh? Wer’d ya get that?”

“Sa iyo.”

“Ooh… well diba may kasabihan din, birds of the same feathers flock together?”

“Aminin mo na, kumukontra ka talaga samin. – if ever magkatuluyan kami.”

“Yeah right.” I said then pumasok na sa jeep.

Konting hintay lang at napuno na. Bumaba kami ng kanto at naglakad papuntang bahay. Nabigla ako ng makita ko na naman yung pamilyar na kotseng yun.

“Good afternoon Mom.”

“Oh, nandito na pala si Nathie e. Come inside. Usap kayo ni Gio.”

“Bihis lang po ako.”

Dumaan ako ng sala kaya yumuko lang ako at nagsmile. Umakyat na kaagad ako sa kwarto. Ang bilis naman ni Gio. Kani-kanina lang e nakita ko pa yun nakatayo sa store. Tapos ngayon, nandito na.

“So, this is your room?”

Ay puting kalabaw! Muntik na akong mapatalon nun ah.

“And what are you doing here?!”

“Just peeking around. – not you. your room.”

“Yeah right.” Sinirado ko kaagad ang door and locked it.

I just heard his “awww”… shtupid talaga.

Pagkatapos kong magbihis, I went out of my room. Nakita ko siyang nandun sa labas ng room ko nakatayo at nakasandal ang likod sa wall.

“What?” I asked him kasi ang sama ng tingin niya sakin.

“Yuck. ang dumi ng room mo.”

Okay, e ano kung madumi ang room ko? Hindi naman siya ang gumagamit ah.”

“So what? As if you’re the one using my room.”

“Not that. What I mean is, kababae mong tao ang dumi mo.”

“Correction – not me – my room.”

“Yeah whatever.”

“Why don’t you just leave me alone?”

“Woah. As if naman I’m really glad to be with you. Mag-isip ka nga.”

“You know what? Why can’t you be like Cedric? Hindi malaki ang ulo and hindi nanggugulo ng buhay ng ibang tao!!”

“And you know what? Cedric’s different from me. I’m sorry, pero hindi ako si Cedric. We’re different. And I don’t have to pretend as someone else just for a girl like you.”


Chapter 4

Tiningnan ko siya ng masama. Somehow, he got a point. He’s different from Cedric. Kasi mas abnormal siya.

Hindi ko na pinansin yung sinabi niya, badtrip lang siguro. I went down at sumunod naman siya sa akin.

“Oh, Nathie, kakain na, come here na. Gio, umupo ka na.”

“Opo Tita.” he said at umupo sa dining table.

Umupo siya sa harap ko. Ang tahi-tahimik namin habang kumakain. Ganito siya ka behave pag nasa harap ng mga parents namin. Akala mo kung sinong anghel na napadpad lang dito sa mundo.

Dahil may pinag-usapan yung parents namin about sa business, pagkatapos kumain, lumabas ako malapit sa pool at nagbabad ng paa. Hindi ko alam kung nasan yung kumag na yun. Buti nga, tahimik ang paligid. Walang nag-iingay at nang-aasar.

Nagmumuni-muni ako dun ng may palakang tumalon sa likod ko. Ng liningon ko, tawa siya ng tawa.

“Hahaha… mukha kang ewan diyan!”

“Ano ba talaga problema mo?!”

“Hmm, wag kang ganyan.. you look stupid e..”

“Sooo what?!”

“Sooo what? See you really look and sound stupid,” he said smiling.

There’s no use arguing with this guy. He’s a jerk. Diba nga? So, I’m just wasting my saliva with him. I stood up and went inside.

“Hey, leaving me here alone?”

“Talk to your hand, baka magkaintindihan kayo.”

“Well, I’ll try.”

He acted as if naman kinakausap niya nga talaga yung kamay niya. Insane.

“Well, obviously, we both know na hindi ako masasagot ng kamay. Mind if I tease you for a minute?” I looked at him na naiirita… sheeshshhh!! Kung di ka lang gwapo, di talaga kita papatulan!!!

So ayun nga, umupo ako dun sa garden set namin tapos kumuha nalang ako ng chess board. At ayun, naglaro kami.

“Naks, sorry, di talaga ako marunong nito, wala ka na bang ibang board games dun?”

“I’m sorry, pero wag ka ng magreklamo. I’m just playing with you para di ka naman magmukhang kawawa dito.”

“Hmm, deal tayo?”

“Deal deal ka diyan. Di ka naman marunong nito, baka matalo ka lang.”

“Uy, wag kang ganyan ha.. baka mamaya, damputin ka ng mama mo sa kangkongan.”

“Whe! O, anong deal?!” inis na inis na talaga ako.

“Pag nanalo ka, name your prize, gagawin ko hangga’t kaya ko.” he said smiling.

“And pag nanalo ka?”

“Well, hmm.. just say yes.”

“Yes? Why would I say yes kung di ko naman alam yan?”

“Na-uh. Hindi naman to karumal dumal e. Just say yes na lang no. If you don’t want to say yes, then say no.”

“No? Bakit naman? Anong klaseng deal ba to?”

“Yes or No?”

Nag-isip isip ako ng konti. Anong klaseng deal ba to? pag nag yes ako, di ko rin naman alam kung anong ipapagawa sakin. Pag nag no naman ako, same din. So anong mas ayos-ayos na answer?

“So?” he asked waiting for my answer.

“No.”

“Good.” he said smiling. “So let’s start the game na.”

Akala mo kung sinong magaling sa chess.  Talo ka na. Konting galaw lang diyan, patay ka na!

“3 moves.” he said.

“3 moves daw o. As if naman no.”

“Sabi ko sa iyo, wag kang kabahan e. Di ako marunong sa chess.”

“Sino bang kinakabahan?”

Ginalawa ko yung horse dun banda sa 4th block in the middle. Ginalaw niya naman yung ibang officials niya. Then ako uli, then siya. Ako again and to my surprise, checkmate na ako.

Oh my gosh! What, how, what happened?!

Tiningnan ko siya nashock na shock, yung parang ‘how-did-you-do-that look’.

“I told you 3 moves.” he said smiling. Eto na naman yung ngiti niyang kakaloko.

“Pero, diba sabi mo hindi ka marunong?”

“Well, wala lang. Di nga ako marunong. Tsamba lang yun.”

“Edi ulit tayo.”

Umulit ulit kami and this time, talo parin ako. 3 moves ulit, pero ibang strategy na naman. Gosh, masyado siyang magaling.

“I hate it, you really know how to play this game!”

“I told you, hindi talaga.”

“Sheeshhh.. kainis.”

“So, talo ka, yung deal natin? You said ‘no’.”

“Yeah, so?”

“You said ‘no’, so you don’t agree sa ipapagawa ko sa iyo,madali pa naman yun.. so that means, lalabas tayo, maybe this Saturday?”

Napatingin ako sa kanya habang nakanganga.


 

Chapter 5

“What?! teka, teka, anong pinagsasabi mong lalabas tayo?”

“You said no. Ayaw mo yung ipapagawa ko sana sa iyo.”

“I should’ve said yes.” sabi ko ng pabulong.

“Well, kahit yes yung sinagot mo kanina, lalabas parin tayo.” he grinned.

“Hindi pwede ako sa Saturday. Wala akong pera.”

“Edi libre kita.”

“Uhmmm..hmm… may schoolpaper work pa ako.”

“Well, I’ll wait for you until matapos mo na.”

“Uhmm, baka may puntahan kami ni Mommy.”

“Well, I’ll talk to her.”

“Hindi mo ako papatakasin no?”

“Nope.”

“I really hate you! Palage mo nalang akong naiisahan!”

“Well, that’s life.” he grinned again.

Naiwan akong nakatayo dun sa labas. Pumasok siya habang nagwhiwhistle. Sheesssh!!!

Lalabas kami? How can he do that to me? Hindi ko nga siya matagalan for only ten minutes tapos whole day sa Saturday, kasama ko siya?!

Anak ng tsonggo naman o… Ayoko nga!

Yan kasi Nathie e, nagdeal deal pa.. Alam mo namang magaling yung tsonggong yun sa lahat ng bagay… Sheessshh!!!

And before I knew it, Saturday na!!

“Mom, may gagawin po ba kayo this day? If you want, I can help you out with that.”

“You mean, you want to tag along with me?”

“Well, yes. If it’s alright with you.”

“Well, as much as I want to, pero hindi pwede.”

“Why not?”

“Gio called last night. You’re going out today right?”

“Well.. ahmmm…”

“He’ll be here at 9.”

“What?! Gosh.. it’s already 8:30… di man lang nagtxt!”

Umakyat ako sa kwarto at naligo. Sjheessgh!! Di man lang nagsabi na susunduin niya ko ngayong umaga. Pasok ako ng banyo. 10 minutes lang ata ako dun.

Woah? Natanggal ba mga dumi ko sa katawan?!

Kumuha na ako ng damit at nagbihis. Tamang-tama lang naman ako sa dating niya. I hurriedly went downstairs. Ngumiti lang siya.. and then ng lumalakad na kami sa street, he looked at me straight in the eyes.

Now what?

“I just want to say you look horrible in your outfit.”

“Bakit ba ganyan ang suot mo?”

“Pakialam mo ba? Kung sana sinabihan mo ako kagabi na susunduin mo ako ng ganitong oras, di sana hinanda ko na yung damit ko kagabi pa lang.”

“Tingnan mo o, ang iksi ng skirt mo. Pag nabastos ka, walang pakialaman ha?”

“Ang sama mo talaga…”

Kungsabagay, ang iksi nga naman ng palda ko. Pero ayos lang, cute parin ako.

Ang masama lang nito mamaya e baka nga mabastos ako.

“O san mo gusto pumunta?”

Ako? Ako ba?

“Ako ba eh tinatanong mo?”

“Ay hindi. Itong kamay ko o.” tinaas niya kaagad kamay niya. “O, kanang kamay, san mo gustong pumunta?” he looked at me kaagad sarcastically.

“Okay, okay. Diba ikaw naman yung gustong lumabas kasama ako? Edi ikaw magdecide.”

“Okay, bahala ka.”

Tumayo kami sandali doon sa waiting shed. After 48 years, pumara siya ng jeep.

Excuse me? Hindi ka ba aware na may taxi at nakaskirt ako ng pagkaiksi iksi?

Tiningnan ko siya ng masama.

“Ugh!” Pumasok lang siya at umupo.

Dahan-dahan naman akong pumasok at umupo sa upuan. Hinila-hila ko pa yung palda ko.

“Yan kasi e..”

Tumahimik nalang ako. Obvious naman na yung mga tao sa jeep nakatingin sa legs ko. Uncomfortable na ko. Sinasadya niya talaga tong sumakay kami ng jeep. Okay, I learned my lessons. Thank you.

“So, here we are.”

Mall. I should’ve known this already. Tama, san ba dapat kami maglilibot libot. Syempre sa mall lang naman diba? Tsk. Tsk.

“And what are we going to do here?”

“Well, wanna watch a movie?”

“Yeah… well, gusto ko sana yung..”

Bago pa ako nakatapos, hinila niya na ako papunta sa movie house ng mall. Tumayo kami sa labas.

“Okay, anong gusto mong panoorin?”

“Well, gusto ko yung love story.”

“Huh? Hello? Hindi mo boyfriend kasma mo.”

“Eh, diba fiancé naman kita?”

“Wag mo ngang dibdibin. Horror tayo.”

“Ayoko nga.. Love story.”

“Horror.”

“Love story.”

“Horror.”

“Bato-bato pick!” nagkatinginan kaming dalawa.

“1…2…3…” papel ako, bato siya.

“Talo.. love story tayo.”

Ang sama talagang lalaki, ako yung pinalinya para kumuha ng tickets. Sabi niya kasi, ako naman daw yung may gustong manood, edi ako daw yung maglinya.

“Nathalie Tan?”

Lumingon naman ako.

“Hmm?”

“Uy, sino kasama mo?”

“Well, ayun oh.”

“Oohh.. ang gwapo naman ng bf mo.”

“Well, honestly, hindi ko siya bf..”

“Oohh?? really?? That’s very nice to hear.”

“Nice? To hear?”

“Ibalato mo nalang sakin.”

Biatch! Ayoko nga! I mean… sure.. hehe.

“Well, bahala ka..”

Lumapit siya kay Gio… tumalikod nalang ako. Whe! Biatch yun e. Bahala sila diyan.

Tumayo lang ako sa entrance habang naglalampungan silang dalawa dun sa gilid.

“In fairness, kakapagod na ha..”

“Huist! Ba’t di mo ako tinawag?”

“Eh, mukhang naaaliw ka dun eh.”

“Anong naaaliw? Hinihntay nalang nga kitang tawagin mo ako. Para siyang ahas.. ayaw umalis sakin.”

“Well.. edi masaya ka?” sabi ko ng lumalakad na kami papasok sa movie house.

“Masaya ka diyan. Ang landi. Inalok nga ako, sabi niya, pwede niya daw akong maging bf.. sayang, maganda pa naman sana..”

“Eh, ano sabi mo?”

“Sabi ko, di pwede, happy na ako sa kasama ko ngayon.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s