Teaser – Chapter 11 to Chapter 15

Chapter 11

Paulit-ulit kong binasa ang message niya. Nagreply ako ng Happy New Year sa kanya at tinanong siya kung bakit hindi siya pumunta dito sa bahay.

Bigla namang tumunog ulit yung cp ko.

Hey, kong hei fatchoy. Kiss mwah!

Akala ko si Gio na. Hindi pala. Si Cedric. Hinintay ko yung reply niya, pero namuti nalang yung mata ko, hindi ko nabasa ang Gio Woah na pangalan sa inbox ko. 

Lumabas ako ng balkonahe sa kwarto. Tiningnan yung mga fireworks na nagliliparan sa langit. Nakakatuwa. Another year had passed. Maraming nangyari noong nakaraang taon. At alam ko, lahat magbabago ngayong taong ito. Marami ang magbabago. Marami.

Monday, 7:02 am.

Dumating ako sa classroom. Marami paring nakasabit na mga echos chenes sa hallways. You can still feel the essence of the new year. Marami ring bumati sakin ng happy new year. Bati dito, bati doon. Pero hindi ko nakita si Gio. Babatiin ko pa naman siya ng harap-harapan. Siguro, this is the right time to clear things up.

Nakita ko nga siya, lalapit na sana ako, pero he excused his self naman. Umiiwas parin siya. Bakit ganun?

Umupo nalang ako sa upuan ko at tiningnan bawat galaw niya. Normal naman siyang makitungo sa iba, pero bakit sakin ang lamig-lamig niya? Halatang iniiwas niya talaga yung sarili niya sakin.

“Hey, happy new year.”

“Hello. Happy new year din.”

“So, san ka lumabas nung new year?”

“Nasa bahay lang ako.”

“Ahh… sana pumunta ka sa EK.”

“Bakit?”

“Ang ganda ng fireworks display doon. Nandun nga si Cindy and Gio e.”

“Ano?”

“Ang ganda ng fireworks display dun sa EK.”

“No, no. After that.”

“Ahh.. si Gio and Cindy… nanood dun.”

“Nanood sila?”

“Yup. Lalapitan ko nga at tatanungin sana kung kasama ka nila.”

“Ahhh…” sabi ko.

Magkasama sila? Pero…Now I know. Hindi siya pumunta sa bahay dahil pumunta sila ni Cindy sa EK. Pero… ugh.. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang sama sama ng pakiramdam ko ng araw na yun. Sobrang sama.

“Cindy, so, kumusta yung new year mo?”

“Okay lang.” Sabi niya habang nakangiti.

“So, saan ka pumunta?”

“Wala… nung new year pumunta ako ng EK. Nanood kami ni Gio ng fireworks display.”

“Ahhh… Kaya pala..”

“Anong kaya pala?”

“Kaya pala, hindi ko siya nakita sa bahay nung new year.”

“Ahhh.. tinanong ko rin nga siya kung bakit hindi ka niya kasama.”

“Anong sagot niya?”

“Ayaw niya daw na masira ang new year mo. Kaya ganun.”


 

Chapter 12

Masira ang new year ko? Ano bang problema nun? Nakakainis. Ang sabihin niya, hindi siya pumunta kasi kasama ka niya.

Katulad ng mga nakaraang araw nung nakaraang taon. Hindi parin kami nag-uusap. Minsan, magkasama kami sa isang group. Ginagawa niya naman yung part niya pero ni hindi niya talaga ako pinapansin nor kinakausap nor tinitingnan.

And February came. Prom. Last time, siya yung partner ko. Pero ngayon, hindi ko alam. Siguro naman, mas magiging masaya yung prom ko ngayong 4th year.

Nakita ko siya sa kanyang locker. Mabilis naman akong tumakbo doon. Binuksan ko kaagd yung locker as if na may kukunin ako dun. Pero gusto ko lang talaga siyang makausap.

“Hi.” Sabi ko.

Ni wala lang mang imik. Hinahalungkat niya parin yung locker niya.

“So, may partner kana sa prom?”

Tiningnan niya lang ako.

“Wala pa.”

“Bakit?”

Sinirado niya yung locker niya at umalis. Ugh! Shocked beauty ko nun ha. Ano bang problema nun? Umabot na ba sa adropose stage?

“Nathalie!”

“Yeah?”

“May partner ka na sa prom?”

“Wala pa.”

Tiningnan ko si Gio na naglalakad sa likod ni Cedric.

Bigla nalang siyang napatigil at lumingon samin. Nakita niya naman akong nakatingin sa kanya kaya mabilis kong hinarap yung mukha ko kay Cedric.

“Bakit Ced?”

“Hmm, kung ayos lang sa iyo, pwede ba kitang maging partner?”

Tiningnan ko ulit si Gio sa likod ni Cedric. Pero wala na siya.

“Sige, ayos lang.” Sabi ko kay Cedric at tumakbo na kaagad ako palabas ng school.

Nakita naman ako ni Cindy sa labas at tinawag ako.

“Hoy! Lika nga dito.”

“Bakit?”

“Guess what?”

“What?”

“May partner na ako sa prom.”

“Ahh.. good..”

“Guess who?”

“Who?”

“Gio Lizares!!!” Tumawa kaagad siya. “Niyaya niya ako kanina. Nakakatuwa talaga.”

Ngumiti lang ako at tumango. I’m happy for her. Ano pa ba ang dapat kong sabihin? Tama, I’m really happy for her. I’m happy for her. I really am.

Prom, 8:09 pm.

Sinundo ako ni Cedric sa bahay. Ang guwapo niya. Nagpakuha lang kami sa katulong namin. Wala sina Mommy. Hinanda niya lang yung gown at make up artist para sakin. Wala rin si Daddy. As usual.

“Will you stop staring at me?”

“You’re so pretty eh.”

“Sus, matagal na no.” sabi ko habang tumatawa.

“Ang swerte ni Gio sa iyo.” He said softly.

Speaking of Gio. Pag pasok namin, nakita ko siya kasama nina Cindy sa isang table. Tawa sila ng tawa.

“Tara, dun tayo.” Yaya ni Cedric sakin.

“Sige.”

Pumunta kami sa table nila at umupo. Ngumiti naman sakin si Gio. Ngumiti rin ako sa kanya. Kumuha naman kaagad si Cedric ng inumin namin. Naiwan kaming tatlo doon. Nag-usap-usap kami ni Cindy kung sino ang tatanghaling queen and king. Sabi niya ako daw, sabi ko naman siya.

“Wanna dance?” tanong ni Cedric.

“Dance? Hinde. Hinde ako marunong e.”

“Sige na, just once.” Tiningnan ko si Gio na nasa gilid ko. Of course, kahit hindi kami nagpapansinan for almost two months and more, siya parin ang fiancé ko. Ngumiti lang naman siya.

So I stood up and went to the dancefloor. Akala ko pa naman, sayaw-sayaw lang.. yun pala, biglang pinalitan yung music. Naging slow ito. So we really have to dance slowly. And ayoko nun. Kaya nga hinde ako sumayaw nung last prom e.

After nun, e, lumabas ako ng convention hall. Umupo ako sa labas, malapit sa garden. Sumunod naman sakin si Cedric.

“Hey, ikaw pala.” Sabi ko sakanya habang inabot niya sakin yung root beer.

“Nagpapahangin ka?”

“Yup… masyado kasing magulo sa loob. Feeling ko tuloy, mas gumugulo yung isipan ko.”

“If you don’t mind, may I ask kung anong nagpapagulo ng isipan mo ngayon?”

I smiled nang tinanong niya yun. Do I really have to say it to him? Or should I just keep it? Pero later I decided maybe I should just share it with him.

“Sa tingin mo? Anong makakapagpaligaya sa iyo?”

“Well, siguro… just simple things. You know. Ikaw?”

“Hmmm…. Siguro pag binigyan ako ng freedom. Alam mo na, yung freedom to choose anything I want.”

“Like what?”

“Freedom to choose any man whom I want to marry. Freedom to live my own life without following dictations from my parents. Yung ganun. And siguro pag nawala yung isang taong kinaiinisan ko simula pa noon. Siguro, maikukumpara ko na yung sarili ko sa isang prinsesa kung maglalaho yung isang lalaki na kontrabida ng buhay ko. Siguro, pwede ko ng ihalintulad yung buhay ko sa isang fairy tale kung mawawala yung isang Gio diyan. Siguro magiging masaya ako to the point na magiging tahimik yung buhay ko. Siguro…”

Napatigil ako ng may narinig akong yapak. Pero nawala naman kaagad.

“Pero would my life still be the same kung wala yung Giong yun?”


Chapter 13

Hindi ko na nakita si Gio nung gabing yun. Si Cindy yung nagging prom queen. Si Cedric naman yung king. Ngumiti nalang ako habang papaakyat sila sa stage. After nun, nagpapicture na kami na 4th year para sa yearbook namin.

Hinanap ko si Gio, pero hindi ko siya makita. Nahihiya naman akong tanungin si Cindy tungkol doon.

Umuwi ako ng bahay na pagod na pagod. Hinatid rin naman ako ni Cedric. Nahihiya akong aminin, pero mas masaya yung junior prom ko noon. Kung saan si Gio ang partner ko.

February had gone by. Isang araw, nagising nalang akong busy na sa pag papapirma ng clearances and paprapractice for the graduation. March na, pero hindi parin kami nag-uusap ni Gio. Tuwing pumupunta yung parents niya sa bahay, hindi naman siya sumasama. Maraming excuses na binibigay sa parents niya. Once nga, tinanong ako if there’s something wrong with us daw.

“Iha, may nangyari ba sa inyo ni Gio?” tanong ng Mommy niya.

Napatingin ako sa kanya habang kumakain kami ng dinner sa bahay. Tiningnan ko naman sina Mommy bago ako sumagot. Lahat sila nakafocus sakin.

“W-wala po.”

“Ahhh, nahahalata ko kasing tuwing pumupunta kami dito e, maraming nang ginagawang excuses yung batang yun. May pupuntahan daw, or, masakit daw ang tiyan, or masakit yung ulo, kung hindi naman, marami pang tatapusing projects.”

“Ahhh, siguro nga po. Marami naman po kasi kaming ginagawa ngayon sa school.” Liar me. Liar. Liar.

“Okay, buti naman at ganun.”

Ayokong malaman nila yung nangyari dati. Baka katayin ako ng Mommy ko. Ganun nga, practice ng song dito, practice ng song doon. Pasign dito, pasign doon. You know, yung mga eche bureche na ginagawa ng mga gragraduate na. Pagkatapos ng graduation, pumunta kami sa Ohara beach for the retreat.

Masaya dun. Tuwang-tuwa ang bawat isa. Nilalasap yung bawat oras dahil sa mga susunod na linggo, magkakalayo-layo na kami. Isa lang ang sigurado kong makakasama ko parin. Gio.

It was the last night of our retreat. My teacher organized a game. Spin the bottle. You all know how it works right? Yun nga, pinalibot nila yung bottle. Yung iba, excited sa mangyayari. Yung iba, e natatakot at baka sila ang mapoint ng bottle.

Spin. Spin. Spin. Stop.

Lahat tiningnan yung taong hinintuan ng bottle.

Gio.

Marami ang nag volunteer na magtanong. Pero syempre, isa lang yung pinayagan.

“Hmm, Gio Lizares. Gusto naming malaman kung anong tipo ng girl yung gusto mo.”

Tapos naghiyawan naman yung iba.

“You mean, dream girl?”

“Uhuh..” naghiyawan na naman. “Tumahimik nga kayo.”

“Well, mahaba yung buhok na black. Singkit yung mata. Maputi. Hmm.. yun lang.”

Tapos naghiyawan na naman ulit.

“Shhsshh… eh, sa tingin mo, among the girls here? Sino yung qualified as dream girl mo?”

Tapos, ayun, nagturuan na. Yung mga guys, tawa lang ng tawa.

Sabi na naman ng nagtanong na si Janine, tumahimik daw muna. Tiningnan ko si Gio. I can see his face beyond the fire. Hindi ko alam, pero parang tinitingnan niya ako. Then he smiled. We are all waiting for his answer. And alam ko, lahat iniexpect na ako yun. I too, was expecting. Pero…

“Cindy.”

 


Chapter 14

 

Ngumiti nalang ako ng sinabi niya yun. Kaya pala. Akala ko ako yung tinitingnan niya. Nakalimutan kong magkatabi pala kami ni Cindy nang oras na yun. I’m so stupid to expect na ako yun.

I hurriedly excused myself from the crowd. I really got to think things over. Bakit ba ako naaapektuhan ng sinabi niyang Cindy ang gusto niya?

Naglakad-lakad ako sa beach para humanap ng magandang spot kung saan pwedeng umupo at mag-isip-isip.

Umupo ako dun malapit sa may bato. Malayo-layo na yung sa mga kaklase ko. Wala akong nararamdaman. Tama, wala. Pinakinggan ko yung paghampas ng tubig sa mga bato. Tinitingnan yung kalangitan na punong-puno ng mga bituin. Binalot ko yung paa ko ng aking kamay.

Think things over.

Nabigla nalang ako ng may sumigaw sa gilid ko.

“UFO o. UFO!! Ayun, nakita mo ba?!”

“Saan?! Saan?!”

“Uto-uto.” Sabi niya habang nakangiti. “Pwedeng umupo?”

“Langhiya ka talaga.” Umupo siya sa gilid ko. “Hindi ko alam na dream girl mo pala si Cindy. Tama, mahaba ang buhok na maitim. Singkit ang mata at maputi. Tama, si Cindy nga.”

“Yeah right.” Sabi niya. Lumingon ako sa gilid ko para tingnan siya. Nakatingin siya sa dagat na parang blanko yung isip.

“Sa tingin mo si Cindy ba talaga? Sino sa tingin mo yung isa pang tao na qualified din sa characteristics na yun?”

Nabigla ako sa tanong niya. Meron pa ba?

“Hmmm, eto siguro yung magiging una nating matinong pag-uusap ano?” Tumango ako. “Siguro, eto rin yung magiging huli.” Bulong niya.

Napatingin ulit ako sa kanya. Pero diretso parin yung tingin niya sa dagat.

“So, back to my question. Sa tingin mo, sino pa sa mga babae sa classroom ang merong ganoong characteristics?” Nakatingin parin siya sa dagat.

“Hindi ko alam.” Sabi ko at yumuko.

“Ikaw.” Napaangat kaagad ang ulo ko.

“Yeah right.” Sabi ko habang nakangiti.

“I just want to say sorry sa lahat ng ginawa ko. As in sa lahat. Sa panunukso, sa pangungulit. Lahat. Siguro kasi, teasing was my way of talking to you na hindi nanginginig yung mga paa ko. Na hindi ako nabubulol sa mga pinagsasabi ko. I really mean it. I like you since from the start. Sabi ni Mommy dati, kung hindi mo kayang kausapin ng matino yung gusto mong babae. Idaan mo nalang sa tukso.”

“Pero..” naramdaman kong nangingilid na yung luha sa mata ko.

“Kaya naman… gusto kong sabihin sa iyo, na malaya ka na. Kalimutan mo na yung tungkol sa kasalan. Simula ngayon, malayang-malaya ka na. Pwede ka ng pumili ng kahit anong gusto sa buhay. Kalimutan mo narin yung tungkol sa fiancé and some things. Lalayo na ako sa iyo. Pwamis yan. Pero sana kahit papano, pag nag kita tayo, magawa pa nating ngumiti sa isa’t isa. Ayokong isang araw, sisihin mo ako dahil hindi naging masaya ang buhay mo.”

Tumahimik siya. Hinarap niya ako. Nakatingin lang ako sa kanya, naninibago. Shocked sa lahat ng sinabi niya sakin.

Papalapit yung mukha niya sakin. Imbes na umiwas ako, hinayaan ko siyang halikan ako sa labi. Madali lang naman yung halik na yun. Parang pinagtabi lang yung mga labi namin.

“Nga pala, eto o.” kinuha niya yung kamay ko at binuksan niya ang palad ko. “Itapon mo.. itago mo.. bahala ka na kung anong gawin mo diyan. Mamimiss kita.” Sabi niya sakin at tumayo na.

Tumakbo siya at sumigaw siya ng “Mahal ka ni Cedric!”


Chapter 15

 

Nabigla ako sa lahat nang nangyari. Panong ako ang gusto niya? pero diba nga-?

Ahhhhhh… sumasakit tuloy yung ulo ko sa kanya e. Hinawakan ko yung parte ng mukha ko kung san dumampi yung labi niya.

“Gio…”

Sunday, 8:09 am

Pauwi na kami from the retreat, ako kasi yung pinakahuling lumabas ng kwarto kasi nga masyado na akong gabi nakatulog. Buti naman hindi ako yung hinihintay. Marami pa rin pala yung bumili-buli ng mga souvenirs. Nang nakasakay na sila, nilinga-linga ko si Gio.

“Okay, umakyat kana Miss Tan.” Sabi ni Miss.

“Y-yeah.. sandali miss. May kulang ata e.”

“Kulang?”

“Yeah..” hinanap ng mata ko si Gio. Pero bakit wala?

“At sino naman iyon?”

“Si Gio po.”

“You mean Mr. Lizares?”

“Opo.”

Tumawa yung teacher ko.

“Nauna na yun umuwi. Kaya sumakay ka na.”

Umakyat ako ng bus. Nakita ko naman si Cedric na tumatawa kasama ng ibang kalalakihan.

“Cedric.”

“Hey, Nath. Bakit?”

“N-nasan si Gio?”

“Si Gio ba? Nauna ng umuwi e.” tiningnan niya kaagad yung relo niya. “Siguro, sa mga oras na ito, flight niya na papuntang States.”

Flight? Teka, anong flight ang pinagsasabi nito?

“H-huh? F-flight?”

“Hmm.. hindi niya ba sinabi sa iyo?”

“Hinde e.. S-sige.. salamat..”

Hindi ko alam kung ano ba dapat yung maramdaman ko. Umalis siya ng hindi lang man nagpaalam sakin. Kaya pala.. ganun siya kagabi.. Kaya pala, sinabi niyang malaya na ako.. Ngayon, naiintindihan ko na ang lahat.

Umupo ako sa upuan ko at sinandal yung ulo ko sa window. Wala akong nararamdaman. Wala. Hindi ako nalulungkot. Hindi rin ako masaya. Hindi ako nasasayangan. Hindi rin ako naiinis. Naisip ko lahat ng pinagdaanan namin. Pakiramdam ko, nagflash lahat ng mga nangyari samin at my very eyes. Bakit….

Dumating ako sa bahay. Nandun sina Mommy nag-uusap ni Daddy. Nasabi din sakin ni Cedric na hindi alam ng mga magulang ni Gio kung san siya pupunta. Nakakapagtaka.

“I’m home.” Sabi ko sa mahinang boses.

“How’s the retreat darling?”

“Fine.” Sabi ko lang at umakyat sa kwarto ko.

At the very moment na sinirado ko ang pinto ko, bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Napasandal na lang ako sa pinto at napaupo. Hindi ko alam kung bakit at umiiyak ako ng ganito. Pero isa lang ang alam ko, mamimiss ko si Gio. Sobra.

Bigla ko nalang narinig yung katok ni Mommy sa pintuan ko.

“Baby, what’s wrong?”

Himala ata at nahalata niyang malaki ang problema ko.

“W-wala po.”

“Sigurado ka? Kung ganun, go downstairs na, dinner’s ready.”

“Sige po.”

Pumunta muna ako ng bathroom at nanghilamos ng mukha. Ayokong makita ako ni Mommy na namumula ang mga mata. Bumaba ako at umupo na kaagad.

“Umalis na pala si Gio.” Sabi ko habang nakayuko.

“Huh? Kelan pa at san daw papunta?”

“H-hindi ko alam.”

“Hindi yan sinabi sakin ni Mare a. Hayaan mo’t tatanungin ko siya.”

“Hindi niyo alam?”

“Hinde. Hinde pepwede ito. Paano na ang kasal niyo?”

Dun uminit ang ulo ko nang marinig ko ulit ang salitang kasal. Bakit ba ganyan na lang palage ang nasa isip nila?!

“Bakit ba ganyan kayo!? Umalis na nga yung tao para maging malaya ako e! Umalis siya para maging masaya ako?! Pero bakit ganyan parin ang iniisip nio?! You’re only thinking about yourselves!! What about us?! What about our freedom?! Sana naman kahit papano, naiintindihan niyo ang salitang yun!!! I’m sorry…”

Alam kong mali yung ginawa ko.. ang sumigaw sa mga nakakatanda sakin. Pero hindi ko na napigilan yung poot sa dibdib ko.

Umalis yung isang tao dahil gusto niya akong maging masaya. Sinakripisyo niya yung mga bagay na hindi naman dapat. Umalis siya dahil akala niya yun ang makakabuti. Kaya sana naman, naintindihan nila yung ginawa ng taong yun.

Umiyak ako ng umiyak sa kwarto. Hate it. Bigla ko nalang narinig ang katok sa pinto..

“Let’s talk Nathalie.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s