Teaser – Chapter 20

Chapter 20

Gio’s POV

I first met her at my birthday party when I was 5. It was really change because she was introduced to me as my fiancé. Weird but true. She was so cute and pretty and smart. At a young age, I fell in love with her. Well, hindi naman talaga in love, more of a crush. Yeah. I got a crush on a girl at the age of 5.

I really didn’t know how to deal with her since she’s so smart and pretty and well, I’m just another torpe. Sometimes, umiiyak ako habang papasok sa bahay kasi I hadn’t got any chance to talk to her. Sabi ni Mommy, if I like somebody daw at natotorpe akong kausapin siya, teasing could be another way of talking to her. 

And yeah, since then, I always tease her. Through that, nakakausap ko siya, though hindi ganun ka tino. Through that, nakakausap ko siya na hindi ko nararamdaman yung pag shake ng tuhod ko.

Ganun na kami since kinder hanggang umabot kami sa high school. And to think of na baling araw, magpapakasal kami, and she never liked that idea. Kaya naman, iniiwasan niya ako. Pero hindi eh, magkasama na kami sa iisang school simula pa noon. Narinig ko nga na she wants to study in an all-girl school, pero hindi pwede kasi hindi ako makakasama sa kanya. Since we were young, freedom was out of our vocabulary. And I pity her for that.

And since close friends yung parents namin, my mom, dad and I always spend the Christmas and New Year with them. I always brought her gifts. And yeah, I agreed to this marriage thingy. Pero ni minsan, I never took any advantages out of that.

We entered high school. Magkasama parin kami, and then I met Cedric. Cedric Chiu was the son of my father’s business partner. We became close friends. Then I found out that Cedric liked her so much. So was she. It never crossed in my mind to break them up so I can have her. It was intended to be a funny joke lang naman. Pero tumagos e. And that was one of my biggest mistakes.

“Bakit kelangan mo yung sabihin sa kanila? Bakit kelangan mo pa akong ipahiya? Masaya ka ba talga sa ginagawa mo? Masaya ka ba talaga na napapahiya ako? Well now.. I’m sure, you’re very happy. Really happy. Umiiyak na ako. Diba ito naman talga yung gusto mo simula pa noon?! Ang Makita akong umiyak? Well here. Siguro naman, tama na ito para tumigil ka diba?!”

I didn’t answer her. Hindi ko alam, pero parang naiinis ako sa sarili ko because she cried. Hindi ko naman alam na masasaktan siya ng ganun and my intention was to have some laughtrips lang.

I just stood there froze. Tiningnan ko lang siya. And then, dun pumasok sa isip ko, na things will be different. Siguro I just have to give up everything for her to be happy. Ngumiti ako as if na yun na yung magiging huling ngiti ko sa kanya. Ganito naman ako e, evrytime na nasasaktan o nahihirapan ako, nginingitian ko lang.. And yeah, boys do cry and get hurt.

From that day on, umiwas na ako ng todo-todo sa kanya. I was another reason why Cedric wouldn’t court her at alam ko na naiinis siya dun.

Ayoko na ulit na ako yung maging reason ng pag-iyak niya. Ayoko, kaya hangga’t maaari, hindi ako pwedeng lumapit sa kanya. Mahirap dahil hindi ako sanay na hindi siya tinutukso, pero kelangan kong gawin yon para sa kanya. Yup, para sa kanya.

And then, I became close with Cindy. I couldn’t go near her so yung bestfriend niya na lang yung kinakausap ko to know something of what’s going on with her life. Hindi ko inisip na akala niya pala I’m liking Cindy na. Now that’s funny. If she only know..

Then it was noontime when I thought to sit and play my guitar. Nagsesenti kasi ako noon e when I heard someone sat beside me. Nabigla ako nun at yung pakiramdam ko e parang hindi ako makatingin sa kanya ng diretsahan.

“Hindi ko alam na marunong ka palang maglaro ng gitara.”

Tumahimik lang ako at patuloy na nag strum na para bang walang tao.Mahirap ang magpanggap na wala kang nararamdaman, pero kelangan.

“Alam mo ba yung chords ng Jeepney ng Sponge Cola?”

Tumayo ako at naglakad papalayo sa kanya. Alam kong pag kinausap ko ulit siya, magsisimula na naman yung panunukso ko.. Kaya tinawag ko si Cedric at binigay sa kanya ang gitara. Handa akong masaktan, pero hindi ngayon.

Then it was New Year. Nandun lang ako sa kwarto nakaupo habang nagbibihis na sina Mommy para pumunta sa bahay nila. And yup. Wala akong planong pumunta dun. Bakit? Ayoko. Masisira lang yung new Year to see my face there. Kaya naiwan ako sa bahay.

Tumawag sakin si Cindy na pumunta daw kami ng EK. May fireworks display daw at maganda. I tried to call her pero naka off yung cp niya. So, ayun, pumnta kaming “dalawa” ni Cindy sa EK.

Habang naglalakad kami, tinanong niya ako kung bakit hindi ako pumunta sa bahay nina Nathie. Tahimik na tahimik kami nun.

“Bakit nga ba?”

Ngumiti ako.

“I want her to be happy kahit ngayong new year lang.. para maiba naman diba?”

She smiled.

“You really like her that much huh?”

“Cindy naman e..”

“Don’t worry. Di kita ibubuking. I think she likes you too.”

“She likes Cedric and ayokong sirain yung new year niya.”

After nun e tumahimik na kami. Sumakay kami ng ferris wheel at tama naman yung timing namin. We were 45 feet high from the ground.. the fireworks flew up. Ganda ng view. I can only wish na sana si Nathie ang kasama ko.

It doesn’t really feel great na hindi ko siya nakakausap. Pero kelangan kasi ayoko ng masaktan pa siya. Prom came. Honestly, gustong-gusto ko siyang yayain… pero hindi ko alam kung pano since things changed already.

I was in my locker nung binuksan niya din yung locker niya since magkatabi lang naman kami ng locker.

“Hi.” sabi niya.

Tumahimik lang ako at hinalungkat yung locker ko.

“So, may partner kana sa prom?”

I looked at her. Bakit niya ako tinatanong?

“Wala pa.”

“Bakit?”

Tinanong niya pa kung bakit. Hindi niya ba talaga nahahalata? Si Cindy nga nahalata e. Sa sobrang inis ko, sinirado ko ng malakas ang locker at umalis. 5 feet away from where she was standing, i heard someone shouted for her name.

“Nathalie!”

“Yeah?”

“May partner ka na sa prom?”

“Wala pa.”

Napatigil ako. I looked at her. Waiting for an answer. And then i saw her looked at me. Hindi ko alam pero parang meron sa mga mata niyang.. ewan! Hindi ko na narinig yung mga sinagot niya. Ayokong marinig kaya umalis kaagad ako.

Then I saw Cindy na nakatayo dun sa lobby.

“Hi Cindz!”

“Oh, hi Gio.”

“So, may partner kana?”

“Wala pa nga e.. Pero ayos lang.. ikaw? Niyaya mo na ba siya? Sige ka.. baka maunahan ka ni Cedric.”

Ngumiti ako.

“Well, niyaya na siya ni Cedric.. I’m sure naman she’ll say yes. Tsaka, wala naman talaga akong planong yayain siya. Kung okay lang sa iyo, pwede ba kita maging partner sa prom?”

“Sus.. ikaw pa.. eh ang lakas mo sakin. Sige ba..”

“Thanks Cindz..”

Sabi ko at tumakbo papunta sa classroom para kunin yung gamit ko.

Prom.

Sinundo ko si Cindy sa bahay nila. Yeah. She’s really pretty that evening. Dumating kami sa convention hall. Umupo kami sa table dun sa gilid. Okay naman kami. Masaya siyang kausap. Pero iba parin yung kakulitan ni Nathie. Then i saw them came in. If Cindy ws pretty, Nathie was more prettier. I smiled at her. She smiled at me too. Dumiretso sila sa table namin. Kumuha si Cedric ng drinks kaya naiwan kaming tatlo dun sa table. Cindy and Nathie were chatting happily. Kaya tumahimik nalang ako sa gilid.

“Wanna dance?” tanong ni Cedric.

“Dance? Hinde. Hinde ako marunong e.”

“Sige na, just once.”

Tiningnan ako ni Nathalie, i think, for approval kung ayos lang na makipagsayaw siya kay Cedric. Ngumiti lang naman ako. So, ayun, tumayo sila at sumayaw. Sumayaw din kami ni Cindy. Tawa parin kami ng tawa kasi kung ano-ano nalang yung pinagsasabi namin.

“Hindi mo siya isasayaw?” sabi ni Cindy when i moved closer to her nung nag slow na yung music.

“Gusto ko sana, pero mas mabuti na siguro yung ganito.”

“I can see your pain Gio.”

Ngumiti lang ako. Nakita kong lumabas si Nathalie after the dance. Si Cedric? Ewan ko kung saan.

Lumabas ako, hoping to find Nathalie na mag-isa. Too bad, she’s still with Cedric. Then i heard those words na naging rason kung bakit naramdaman kong pinipisa yung puso ko.

“Freedom to choose any man whom I want to marry. Freedom to live my own life without following dictations from my parents. Yung ganun. And siguro pag nawala yung isang taong kinaiinisan ko simula pa noon. Siguro, maikukumpara ko na yung sarili ko sa isang prinsesa kung maglalaho yung isang lalaki na kontrabida ng buhay ko. Siguro, pwede ko ng ihalintulad yung buhay ko sa isang fairy tale kung mawawala yung isang Gio diyan. Siguro magiging masaya ako to the point na magiging tahimik yung buhay ko. Siguro…”

I was like.. ganun pala.. kung mawawala ako, magiging masaya siya. Kung wala ako.. masaya siya.. Parang yung thought na yun e hindi na nawala sa isip ko. Umurong ako pero nakayapak ako sa isang sanga ng kahoy kaya tumunog. Tumahimik siya at nilingon ako, pero buti nalang di niya ako nakita. Pumasok ako sa loob at niyaya si Cindy na umuwi. Pero ayaw niya pa daw. So, nauna nalang ako. Nakita niya namang hindi maganda yung pakiramdam ko. Kaya ayos lang daw sa kanya.

Umuwi ako ng bahay na gulong-gulo yung isip. Hindi ko alam kung ano ba talaga yung dapat kong maramdaman. Hindi ako nakatulog nung gabing yun. If you think boys don’t cry, well, you’re wrong. Boys do cry.

Yeah. Umiyak ako nung gabing yun. Pero not to the point na mukha na akong bata. Just a little teardrops. I just had to.

February had gone by. And yeah, March, so evrybody was busy practicing for the graduation. Yung iba naman e, kinokompleto na yung mga requirements. Such a busy month. Hindi parin kami nagpapapansinan. Minsan, pag pumupunta ng bahay nila sina Mommy, hindi nako sumasama. Maraming excuses na binibigay. Minsan, tatakbo agad ako ng bathroom at kunwari masyadng masakit ang tiyan at may LBM. Hehe.

After graduation, pumunta kami ng Ohara Beact for the retreat and of course, farewell party ng batch.

My teacher organized a game. Spin the bottle. You all know how it works right? Yun nga, pinalibot nila yung bottle. Yung iba, excited sa mangyayari. Yung iba, e natatakot at baka sila ang mapoint ng bottle.

Spin. Spin. Spin. Stop.

Lahat tiningnan yung taong hinintuan ng bottle. Ako.

Bakit ako?! nagkaguluhan na kung sino at ano yung itatanong. Pero syempre, merong isa talagang nagtanong.

“Hmm, Gio Lizares. Gusto naming malaman kung anong tipo ng girl yung gusto mo.”

Tapos naghiyawan naman yung iba.

“You mean, dream girl?”

“Uhuh..” naghiyawan na naman. “Tumahimik nga kayo.”

“Well, mahaba yung buhok na black. Singkit yung mata. Maputi. Hmm.. yun lang.”

Tapos naghiyawan na naman ulit.

“Shhsshh… eh, sa tingin mo, among the girls here? Sino yung qualified as dream girl mo?”

Nabigla ako sa tinanong niya. Truth yung pinili ko diba? Kung pwede ko lang sanang sabihin yung totoo sa harap niyo. I looked at her, hindi ko alam kung sasabihin ko o hinde. Ngumiti sakin si Cindy na nasa gilid niya na parang sabihin-mo-na-yung-totoo look.

Ngumiti ako. Hindi pa ngayon..

“Cindy.”

Yeah, lahat nabigla. Tiningnan ko ulit siya. Pati si Cindy eh nabigla. Nakita ko namang tumayo siya at biglang umalis. Hindi ko alam kung susundan ko siya, pero tumango si Cindy, that means kelangang ko siyang sundan. I excused myself and followed her..

“UFO o. UFO!! Ayun, nakita mo ba?!”

“Saan?! Saan?!”

“Uto-uto.” sabi ko habang nakangiti. “Pwedeng umupo?”

“Langhiya ka talaga.” Umupo ako sa gilid niya.“Hindi ko alam na dream girl mo pala si Cindy. Tama, mahaba ang buhok na maitim. Singkit ang mata at maputi. Tama, si Cindy nga.”

“Yeah right.” Sabi ko. Diniretso ko lang yung tingin ko sa dagat kasi baka pag hinarap ko siya, tuluyan nang bumigay yung mga luha ko.“Sa tingin mo si Cindy ba talaga? Sino sa tingin mo yung isa pang tao na qualified din sa characteristics na yun?”

Alam kong nabigla siya.

“Hmmm, eto siguro yung magiging una nating matinong pag-uusap ano?” nakita kong tumango siya. “Siguro, eto rin yung magiging huli.” I said silently.

Tiningnan niya ulit ako.

“So, back to my question. Sa tingin mo, sino pa sa mga babae sa classroom ang merong ganoong characteristics?”

“Hindi ko alam.” sabi niya at yumuko.

“Ikaw.” Napaangat kaagad ang ulo niya.

“Yeah right.” sabi niya habang napangiti.

“I just want to say sorry sa lahat ng ginawa ko. As in sa lahat. Sa panunukso, sa pangungulit. Lahat. Siguro kasi, teasing was my way of talking to you na hindi nanginginig yung mga paa ko. Na hindi ako nabubulol sa mga pinagsasabi ko. I really mean it. I like you since from the start. Sabi ni Mommy dati, kung hindi mo kayang kausapin ng matino yung gusto mong babae. Idaan mo nalang sa tukso.”

“Pero..”

“Kaya naman… gusto kong sabihin sa iyo, na malaya ka na. Kalimutan mo na yung tungkol sa kasalan. Simula ngayon, malayang-malaya ka na. Pwede ka ng pumili ng kahit anong gusto sa buhay. Kalimutan mo narin yung tungkol sa fiancé and some things. Lalayo na ako sa iyo. Pwamis yan. Pero sana kahit papano, pag nag kita tayo, magawa pa nating ngumiti sa isa’t isa. Ayokong isang araw, sisihin mo ako dahil hindi naging masaya ang buhay mo.”

I stopped. I looked at her. Yung mga luha ko e nasa dulo na ng mga mata ko. She just looked at me na parang she saw another me.

Hindi ko alam kung bakit ginawa ko yung sunod kong ginawa. I just had the feeling na parang its the right thing to do. Alam kong alam niya ang susunod kong gagawin. Pero bakit hindi siya umiwas?

“Nga pala, eto o.” kinuha ko yung kamay niya at binuksan iyon. Nilagay ko sa palad niya yung necklace. “Itapon mo.. itago mo.. bahala ka na kung anong gawin mo diyan. Mamimiss kita.” sabi ko at tumakbo. “Mahal ka ni Cedric!”

Bigla kong pinahiran yung luha sa mata ko. Sobrang sakit. Sobra. Pero kelangang gawin yun. Yun ang nararapat. Yun ang makakapagpaligaya sa kanya. Iyon yun.

Maaga pa lang e umalis nako sa resort. 7:45 ang flight ko papunta sa States. Nakakuha ako ng scholarship sa Princeton. Too good to be true pero totoo. That was another reason to get out of the country. Hindi yun alam ng parents ko na aalis ako. Dinala ko lang yung mga ATM’s and credit cards na extension from my parents. Nung dumating ako dun e naging working student ako. Araw-araw siyang nasa isip ko. Minsan, pag nakakakita ako ng telepono, gusto ko siyang tawagan. Pero…

Pero hinde pwede. Natatandaan ko pa lang yung sinabi niyang magiging masaya siya

kung walang Gio sa buhay niya, nanginginig na yung mga kamay ko. Ang hirap. I really love her, too bad, hindi niya yun makita. Too bad, she didn’t offer back the love I offered her.

Years had passed. What amazed was the fact that I still feel the same way about her. Yep, maraming magagandang babae dun sa States, pero siya parin. Yeah. I’m !@#$. Really !@#$. Umaasa parin ako na mamahalin niya at may Makita siya saking mas higit pa kay Cedric.

There were times na sobrang gipit ko na. I have no choice but to use my Mom’s extension credits cards. They know where I was. Nang icheck ko yung account ko, pinapasukan parin ni Dad and Mom yung mga credit cards. Pero twice ko lang talaga yun nagamit. She sent me a letter pa nga na mag-ingat daw ako dito. I’m always welcome sa bahay na yun. Pero she never mentioned anything about Nathalie. Never. Siguro dapat na akong tumigil. Right, siguro tama na yung ganito. Mas masaya siya.

After years of hardships at pangungulila, I graduated. Don’t ask kung anong kinuha kong course. LOL. So there, I thought, its time to face all the things that I’ve been trying to ran away simula pa noon. Naisip ko, its time to clear things out. I went back to Philippines. 4 years akong nawala. And yeah, marami nang pagbabago. Mas mausok na ito, mas polluted, mas madumi at mas matraffic. Lahat nasa superlative form na. And that instance, dun ko naisip, matagal na rin nga pala talaga akong nawala.

Bumaba ako ng taxi sa harap ng bahay. Tumayo ako dun habang nakangiti.

“Ano pong kelan- Sir Gio?! Sir?” si Manang Tessa. LOL. Gulat na gulat.

Binuksan niya yung gate at mabilis akong pinapasok. Tinawag niya yung ibang kasambahay at nabigla din sila sa pagbabalik ko. Mabilis naman nilang kinuha ang mga dala kong gamit. Hawak-hawak parin ako ni Manang Tessa.

“Nakow, saan ka ba nanggaling? Alam mo bang alalang-alala kami sa iyo?”

“Manang naman… nagpahangin lang ako..” sabi ko habang nakatawa.

“Nagpahangin… Sus.. ang gwapo na talaga ng alaga ko o..”

“Matagal na akong gwapo no.. dapat ang sabihin niyo ngayon, mas gumwapo na ang alaga niyo..” sabi ko ng nakatawa parin.

Ng makaabot kami sa harap ng pintuan, nabigla ako. Tumakbo si Mommy sakin.

“Gio…!!” niyakap niya ako ng pagkahigpit-higpit.

“Mom…” sabi ko. Gawd, how I missed my Mom.

“I’m so proud of you..” sabi niya with teary-eyed.

Sino nga bang hinde? LOL. Then my Dad hugged me.

“I’m so proud of you son.” He whispered. Man of few words. That’s my Dad.

Pagkatapos nun, pumasok ako sa kwarto ko. Yup, ang dating kwarto ko. Walang pinagbago. Ganun parin. Kung ano iyon ng umalis ako, ganun din pagbalik ko. Walang ginalaw sa mga gamit ko. Napangiti ulit ako. Binuksan ko ang drawer na nasa kanto.

Nathalie..

Bumaba kaagad ako at kumain ng hapunan. Dun kami nag-usap usap nina Mommy.

“So, what happened sa yo sa States? You didn’t even bother to ask permission from us.”

“Sorry.”

“Pero okay lang. Glad that nagsikap ka din for your own good.”

“Naisip ko kasi, I think its time for me to have my own life and work for myself. Hinde naman pwede na umasa nalang ako sa inyo habang buhay.”

“Aww… my dear son… Nga pala, your Dad’s planning to put you as Assistant CEO of the company. Is it alryt with ya?”

“Yeah, sure. No problem.”

Ngumiti si daddy. Tumango lang siya at kumain. Yeah, that’s what I planned. To rule the company and universe. LOL.

So there, as an assistant CEO, Dad introduced me to the workers. Yung mga baguhan, eh nagtataka ata, kung pano nagkaanak si Mr. President. LOL. Yung mga dati nang workers, eh nagagalak na Makita muli ang kaguwapuhan ko. So yun nga. On my third night, sabi ni Dad may meeting daw akong dadaluhan. Well, its not really meeting. More like a convention. Pumunta ako sa convention na yun. And since wala akong masyadong kakilala, tumayo lang ako sa gilid. Pero syempre, interaction with other is a big YES YES. So, kahit di ko sila gaanong kilala, nakipag join ako sa usapan nila. proposed some big business projects etc.

Then ng lumingon ako, I caught a familiar face. Hinde ko alam kung ano ba talaga yung dapat kong maramdaman. Dapat masaya ako kasi nakita ko siya ulit. Pero bakit parang nalulungkot ako?

“Good evening. I’m from Hanson Company.” sabi ko.

I smiled at her.

“Hi.”

Yeah, I know she was surprised to see me again. She just smiled at me. Pero tears? in her eyes? Why?

We didn’t talk that much. May mga kumausap at nagtanong sakin bout the company. Marami akong gustong ikwento at itanong sa kanya. Pero.. Nang lingunin ko siya, I saw her walked out of the hall. Kaya namanI hurriedly excused myself from them. Hinabol ko siya hanggang sa lobby ng hotel.

“Nathalie! Nathalie! Nathalie, wait!!”

She looked back and smiled.

“Y-yes?”

“Are you going home right now?”

“Yeah.”

“Do you have a car?”

“W-wala..sakay lang ako ng taxi.. S-sige.. got to go.”

Tumalikod siya.. I wouldn’t let her ride a taxi at that hour. Masyadong delikado. Especially for that pretty face of hers.

“I was just thinking, if you’d like to.. you know.. chat for awhile.. away from this place.” I said.

She looked at me.

“S-sure..”

She followed me to my car. I opened the door for her at mabilis naman na sumakay sa driver’s seat.

“San tayo?”

She smiled.

“You invited me.. so bahala ka kung saan..”

Tumango lang ako. Alam kong alam niya na hinde parin ako nagbabago. And I really want her to know that. Huminto ako sa Egoz Bay.

Bumaba kami. Umupo kami dun sa bench… kaharap nun eh dagat. Malakas ang hangin and malamig. Nahalata ko lang, tuwing mag-uusap kami ng matino, bakit nanjan palage ang dagat?

“Alam kong marami kang gustong itanong.. so.. umpisahan mo na..”

Yup, alam kong marami siya katanungan sakin. And as I said, its time to clear things out.

Nahalata kong gulong-gulo parin siya. Kaya ako nalang ang nag-umpisa.

“Well, siguro naguguluhan ka pa. Ikekwento ko nalang sa iyo.. After that night, maaga akong umalis papunta sa interntional airport. Hindi alam nina Mommy na aalis ako. Plinano ko talaga yun. I was accepted as a scholar sa Princeton. Buti nalang at tinanggap nila yung application ko. That was another reason for me to get out from this place. When I was there, I became a working student. Kahit papano, nakatapos din ako. I came back here dahil nagawa ko na yung dapat kong gawin.”

She looked at me like she’s saying what-did-you-do-that-for-mayaman-ka-naman look. I smiled.

“I know what you’re thinking. Ayokong sabihin ng mga tao na naging successful lang naman ako, becuz my parents are rich. Na naging successful lang naman ako kasi nasa likod ko yung mga parents ko.”

Tumahimik ako at tumingala sa langit.

“B-bakit ka umalis?”

Ngumit ako at yumuko. Gusto niya ba talagang malaman ang sagot ko?

“Well, there’s this girl who wished na sana maglaho na daw ako sa buhay niya. Sabi niya.. magiging masaya daw siya pag wala ang taong yun. Sabi niya, she can compare herself to a princess pag wala na yung enemy na yun. She wanted freedom, so i gave it to her.”i paused and and smiled again. “M-mali ba yung umalis ka kasi gusto mong maging maligaya yung tanong mahal mo? Mali ba yung ginawa mo yung akala mong makakapagpasaya sa kanya? I really loved that girl so much that’s why i let go of her.”

Naramdaman kong pumatak ang mga luha sa mata niya.

“You never even try to hear my side!” tumayo siya at sinigaw sakin yun habang umiiyak.

I thought to myself, bakit pa? Would that made any difference kung saka-sakaling nakinig nga talaga ako? Anong sasabihin niya? Na she liked Cedric than me?

Tumayo ako at ngumiti.

“Uwi na kita.”

Pumunta ako sa kotse at binuksan ang pinto. Pumasok siya ng walang tanong at pinahidan ang mga luha niya.

Tahimik na tahimik kami sa kotse.

Nang makarating kami sa bahay nila, mabilis siyang bumaba. Bumaba ako para buksan ang pinto, pero nauna na siya.

Wala akong sinabi sa kanya ng papasok na siya sa bahay. I just said..

“I really hate it when I see you cry.”

She looked back with teary eyes.

“That really makes me guilty. Everytime we talk seriously, umiiyak ka. I don’t want to think na pinapaiyak kita. I’m sorry.”

Yeah, she always cry when we’re talking seriously. Bakit ganun? Hinde ko alam pero nagiguilty ako. And i don’t know why, tears filled my eyes.

Kaya mabilis akong pumasok sa kotse at umalis. Ayokong makita niya akong umiiyak.

Maaga akong nagising. Pano naman kasi no, hinde ako masyadong nakatulog. Hay..

Usual day. Went to the office. nagmeeting. U know. Early that night..

“Is it true na wala paring bf si Nathie simula pa noon?” tanong ni Mom kay dad.

Napatigil ako sa pagkain.

“Yeah. That’s what I heard from her dad. Nagtataka nga e. He heard that Gio was bakc too. He asked, bakit hinde nalang ituloy yung napag-usapan dati. Since Nathie’s not in a relationship and so is Gio.” humarap siya kaagad sakin. “Maliban nalang kung may naiwan kang babae dun sa States.” he joked.

“D-dad.. sigurdo kayong wala pang bf si Nathie simula noon?”

“Yeah. NBSB.”

“Well, bout the marriage thing, ayos lang naman sakin… yung pinoproblema ko e si Nathie.” I said in a small voice. Pero I felt my blood rushed into my brain ng nalaman kong NBSB siya. What happened to them with Cedric? Umalis nga ako para maging sila, pero bakit wala parin siyang bf?

Pagkatapos kong kumain, umalis kaagad ako. Umuulan pa nun (balita e may bagyo), pero I have to know about that. Dumiretso ako sa bahay nila, pero sabi ng Mom niya she got a Condo unit na daw. So I hurriedly went there bago ako maabutan ng baha.

“Natahlie!! Nathalie!!! Open the door!!”

She opened the door. I was what the hell?

Pinapasok niya ako and maliligo lang daw siya. Ganda nga ng Unit e. Umupo ako dun sa sofa at nagtingin-tingin sa paligid. Then a picture caught my eye. Me and Nathalie.

“Ano nga pala ang rason at napadaan ka dito?”

“Well, ano kasi…”

“Nga pala, kumain kna?”

“H-hinde pa..”

“Since nakaluto na ako, dito ka nalang kumain ng dinner.”

“Really?! Ehermm.. I mean, marunong ka ng magluto?”

“Yes..”

“You mean?”

“Time can change people.” she said smiling. Tagos.

“Yeah, indeed.”

“What brought you here..”

“K-kasi.. ano.. hmm.. my parents and I were talking… about the..”

“About?”

“Hmm.. about… you..”

“And what was about me?”

“Well… I was really shock… when they told me.. na..” huminga ako ng malalim. “NBSB ka?”

Napangiti siya.

“NBSB? Well, yeah.. wala namang masama dun e..”

“P-pero bakit?”

“Well, siguro.. kasi..” napatigil siya.

She looked at me. It’s obvious na i’m waiting for her answer. She smiled again.

“Well, there’s this guy kasi who told me he loves me. But then he left without even saying goodbye to me.. he left without even giving me a chance to say what I really wanted to say.. Siguro kasi, my heart went with him. Hindi ko makuha-kuha yung puso ko kasi sobrang layo niya and wala akong idea kung sang lupalop ng mundo niya dinala ang puso ko. But then he came back. And.. I think.. for the first time in that 4 years, I felt my heart thumping again..”

Tumutulo na naman ang mga luha niya. I moved closer to her and wiped her tears.

“So you waited for him?” I said smiling. Hinde ko madescribe ang nararamdaman ko. Pero I was very happy. Very happy.

“Sa tingin mo?”

“Ewan..” I smiled again.

“I guess I couldn’t go home.” I said.

“And why is that?”

“See the rain? I couldn’t drive when the rain’s that heavy and thick.”

“And what are you trying to say?”

“If it’s alright with you, can i sleep here for the night? I mean.. wala naman akong gagawing masama sa iyo..”

“I know..”

“So, it’s okay with ya?”

“Yeah..” she said smiling.

Nung gabi na, we were sitting at the living room habang nanonood ng tv.

“My dad’s planning na ikasal tayo since wala ka daw bf and since I’m not in a relationship din daw.”

“Ano sabi mo..?”

“Sabi ko, I still have to talk with you. I told him na isa yun sa mga rason kung bakit ako umalis noon. Ayokong umalis ulit dahil dun.”

“kung ikaw ang papipiliin? Ayos lang ba sa iyo?”

“Well, yeah. Ayos lang naman sakin. Ikaw yung iniisip ko.”

“I think I should agree with that.”

“Huh? I-I mean.. akala ko ba..”

“Well, naisip ko, sa apat na taon na wala ka, sobrang boring ng buhay ko. Sobrang wala.. and when you came back.. parang everything went mulit colored again..dun ko naisip na, malalaman mo lang pala yung importance ng tao pag wala na siya..”

“Teka, teka.. so you mean?” Roll Eyes

“I don’t want to say it.” she said then she pouted.

“Okay, sa loob ng four years na yun, ikaw lang ang minahal ko.. kaya naman, I really agree sa marriage na pinaplano nila.. and…”

“What did you say?”

“Agree ako sa marriage thing na to.”

“No, no. before that.”

“Na mahal parin kita?” Embarrassed Embarrassed

“You mean? You still feel the same way about me just like you did four years ago?”

“yeah..” I said in a small voice. Naks. I’m sure, namumula nako.

She laughed loudly. Bakit?

“What?”

She laughed again. Now I know.. Tears of joy?

I smiled at her.

“Lika nga dito..”

And since we knew that instance what we felt for each other, I pulled her close to me. When our lips met, I knew then that the memory will last forever.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s