Teaser – Chapter 6 to Chapter 10

Chapter 6

“Asus.” Ngumiti nalang ako at hinampas siya sa braso.

Pumasok na kami kaagad sa movie house. Dun kami umupo sa itaas. And FYI, kinuha niya lahat ng dala ko kanina at siya nagdala ng drinks and foods namin. Aba’y dapat lang noh.

“Matutulog na muna ako.” Bulong niya sakin. 

“Anong matutulog? Eh ang ganda-ganda ng movie o. Sayang pera mo.”

“Sabi ko kasi sa iyo, horror.”

“Horror horror ka diyan. Tumahimik ka na nga.”

“I hate it when they get mushy and stuffs.” He said habang tumitingin sa likod.

Napangiti nalang ako.

The usual stuffs. May mga milagrong ginagawa na naman yung ibang couples dun. Ang babata pa at naglalampungan na sa mga boypren at gerlpren. Kaya mga readers, DON’T TRY THIS AT HOME NOR ANYWHERE ha. Mag-aral muna ng mabuti.

“Pabayaan mo na nga lang sila.” Sabi ko sa kanya at humarap na uli sa big screen.

Tumahimik naman siya at nanood na lang.

“Hay sa wakas at natapos din.”

“Ang ganda ng story.”

“Ikaw lang ata yung nagandahan dun eh. San mo gustong kumain?”

“Hmmm, bahala ka..”

“Hmmm, san nga?”

“Hmmm… sa may masarap na pagkain..”

“Hmmm.. san ba?”

“Hmmmm…”

“Hmmmm…”

“Wag ka ngang hhmmm ng hmmm diyan. Mukha na tayong ewan. Tara na.”

Hinila ko siya at naglakad-lakad kami para humanap ng magandang makakainan sa mall. Honestly, marami naman talaga, yun nga lang, maarte itong kasama ko.

Napatigil ako sa isang establishment dun.

Ice Monsters.

Ice creams. Chocolates. Shakes.

Nakatayo lang ako dun sa entrance. Si Gio naman bumalik sakin ng maramdaman niya sigurong hindi na ako sumusunod sa kanya. Nakitingin na rin sakin sa neon board ng establishment.

“Ice Creams?”

Tumango ako habang ngiting-ngiti sa kanya.

“Tara.”

Pumasok kami at dumiretso sa counter. Can’t wait to have em.

“Good afternoon, sir. Good afternoon ma’am. May I take your orders?”

“Hmmm..”

“Welll….”

“Strawberry.” Nagkatinginan kaming dalawa.

Ngumiti lang naman yung babae.

“Chocolate yung sa kanya.” Pasimpleng sagot ni Gio.

“Strawberry sakin. Sa kanya yung chocolate Miss.” Sabi ko naman sa babae.

“I can’t have chocolate. Sayo yung chocolate.”

“No, sa iyo yung chocolate, sakin ang strawberry.”

“Ma’am…”

“Strawberry sakin, chocolate sa iyo.”

“Sir???”

“Nope. Strawberry’s mine, chocolate sa iyo.”

“Ma’am… sir…”

“Ano?!!”

Nabigla ata yung babae kaya napaurong siya bigla. Ngumiti lang si Gio ng pagkatamis-tamis. Eto na naman yung nakakaloko niyang smile na para bang nanunukso.

“What if 2 strawberries nalang yung I order niyo?”

“Sabi ko nga. Dalawang strawberries.” Sabi ni Gio.

Pagkatapos niyang bayaran, humanap na kami ng mauupuan. Siniko naman siya.

“Pag, nahulog to, babayaran mo to ha.”

Umupo kami dun banda sa gilid. Yun nalang kasi yung vacant seat para samin. Kain ako ng kain ng may napansin akong shadow na nakatayo sa gilid ng table.

“May I join you? Kung di ako nakakaistorbo.” Wait. I know that voice.

Cedric.

“Pare! Tara, upo dito.”

“Hi, Nathie.” Sabi niya sakin habang nakangiti.

“Hello.” Sabi ko nalang sa mahinang boses.

Ang ingay-ingay ni Gio. Mukha na siyang ewan. Si Cedric naman, tawa lang ng tawa sa kinikwento niya. Di kaya ng brain ko ang pinag-uusapan nila, and when I say di kaya ng brain ko, that means hindi ako makarelate sa pinag-uusapan nila. As in, wala akong muwang.

“Halata ko lang, pag kasama natin si Cedric, ang tahi-tahimik mo.”

Ngumiti lang ako and that wasn’t a right move.

“See? Hmm, I smell something fishy at mabaho nga talaga.”

Tumawa-tawa lang naman si Cedric.

“Pare, I think my wife-to-be likes you.” Smiley he said smiling.

“Shut up! That’s not true. And correction, wife-to-be ka diyan!”

Pagkatapos nun, nauna nang umuwi si Cedric. May gagawin pa daw siya eh. Hinatid naman ako ni Gio sa bahay. Katulad ng sinakyan namin kanina, nagjeep na din kami pauwi. And thank God, walang nambastos sakin.

Wait. Did I just say walang nambastos sakin? Hahahaha!! Right. Wala nga.

Naglakad nalang kami papunta sa kanto. Nasa exclusive kasi kaming village kaya hindi basta-basta makakapasok yung mga nasa labas.

Sobrang tahimik.

It’s not like Gio.

I feel so uncomfortable and uneasy.

Alam niyo yun? Yung parang nininerbiyos kayo.

Kung saan inisip kong mabibingi na ako sa katahimikan…

“You like Cedric.”


 

Chapter 7

“Huh?”

Nabigla ata ako sa itinanong niya.

“I said you like Cedric.” Sabi niya habang nakayuko.

“What gave you that idea.” I smirked.

“It’s obvious.”

“Gio?! Hindi kaya.”

“Hiya kapa. Aminin na kasi..”

“Hindi nga eh..”

“So, does that mean I have to give you up?” bulong niya.

“What?” I really wasn’t sure sa narinig ko.

“Ano?”

“Ano sinabi mo?”

“Aminin mo na..”

“No, no no. After that.”

“Hmmm.. I forgot e.”

“Oh, well..” may idadagdag pa sana ako, yun nga lang nasa harap na kami ng bahay.

“We’re here.” He said.

“Thank you.” I said smiling.

Ngumiti lang siya at tumalikod. Nabigla ata ako dun sa inasal niya.

“Hindi kaba papasok?”

Lumingon siya ulit.

“Hindi na siguro, pakisabi kay Tita goodnight.”

“Ahhh..sige..bye.. ingat sa daan ha..”

Nagwave lang siya ng hands niya habang nakatalikod. What’s wrong with that guy? Hmp. Makapasok na nga. Sisipunin ako dito e.

“Good evening Ma. I had a nice time with Gio. Akyat na po ako.” Inunahan ko na sina Mommy para di na ako kulitin.

Umakyat ako sa kwarto at nahiga. Woah. Ano bang problema ni Gio kanina? Bakit niya nasabi na gusto ko daw si Cedric? Feeling ko tuloy, pabalik-balik yung sinabi niya sakin na parang sirang plaka.

You like Cedric.

“You like Cedric. Weird.”

Pumunta ako sa bathroom at naligo. After nun, nagring yung phone ko. So, I hurriedly answered it.

“Yes?”

“Hmm, hi… Nathie?” I know this voice again.

“Oohh.. Cedric? What’s up?” I said cooly.

“Well, wala kasi akong magawa so i thought maybe i could chat up with you. Busy kaba?”

“No, no. Okay lang.. wala namang pasok bukas e.”

“Hmm, mukhang nagkakamabutihan na kayo ng fiance mo ah.”

“Shut up..inaasar nga ako buong araw e.”

“Hehe, but I think you look good together.”

“Ha-Ha. Now, that’s funny.”

“Really. Hmm.. natatawa ako dun sa sinabi niya kanina..”

“The what?”

“Hmm, nung nandun tayo sa ice monsters?”

“Ooohh… yun? Yaan mo na yun.”

“Well, just wondering, was it true?”

“Well, what if its true?”

“Too bad. I can’t court you.”

“Bakit hinde?”

“You’re with him. I still can’t be with you.”


Chapter 8

You’re with him. I still can’t be with you.

Kahit papano, pinapawork nila yung brain ko ha. And here’s my conclusion.

Therefore, I conclude, kung itatapon si Gio sa bottomless pit at hindi ko na makikita kahit na kelan…..hmmmm….. there’s a big chance na magiging kami ni Cedric.

Tama… bakit hindi ko naisip yun noon?

Sa sobrang pag-iisip ko e nakatulog na lang ako.

Sunday, 9:05 am.

“Mom, I’ll go to church.” sabi ko habang papalabas ng bahay.

She just looked at me and back to the documents she’s been reading. Crap. Hate it.

Oh yeah Nathie, as if naman hindi ka pa nasanay sa mga magulang mong ganun.

“Friendship!!!” I know that voice.

Here’s my friendlaloo Cindy again. Sus, sa boses pa lang nun na nakakabinge sa tenga, eh kilalang-kilala na.

“Uy, Cindy. Akala ko ba dun ka sa St. Jude nagsisimba? Naligaw ka yata dito ah.”

“Hoy loka, dito na muna ako. Hindi ko naman kasabay sina Mama e. Tsaka mas exciting ditong magsimba.”

“Ewan ko nga sa iyo. Tara, pasok na tayo.”

Pumasok kami at naupo sa kalagitnaan. Dun nalang kasi yung maraming bakante. Nakinig naman kami ni Cindy kahit nag-iingay parin siya. Minsan, iniisip ko, hindi ba siya nauubusan ng laway niyan?

Pero okay lang, kasi sa palasyo ng bruhildang yan, super! super tahimik niyan. Walang imik. Akala mo sinong santita na nalaglag dito sa lupa.

After everything, syempre, yung fave part na ng mga teen agers. The Our Father song where you will hold hands with each other.

Dahil ako ang nasa pinakagilid, nag extend ako ng arms ko sa kabilang tao. I was really serious in singing the song when i heard someone say.

“Hmmm, seryoso natin a.”

Cedric.

“Hi.. Nandito ka pala.”

Tumawa lang siya and kumanta narin. I wished that time na walang mag istorbo samin.

“Excuse me?”

“Excuse me.. binge ba kayo?”

Sheessshh.. istorbo!

“Uy, pare, naligaw ka ata dito ah.”

“Ikaw dapat yung kong tanungin ng ganyan.” sabi niya kaagad kay Cedric.

“Oo nga noh.”

“Hi Gio.” bati naman ni Cindy sa kanya na ngiting-ngiti.

“Hi Cindy. Ngayon lang kita nakita dito a. ba’t ka naabot dito?”

“Wala lang.Hmm, ano kaya kung umupo na tayo?” ngumiti na naman ito.

Muntik na akong matawa nun. Dun ko lang nahalata na kaming apat nalang pala yung nakatayo dun sa gitna. Nakakahiya tuloy. Kaya madali naman kaming umupo.

“Bakit ka nandito?” bulong ko kay Gio habang nakaupo na kami.

“Hindi ba obvious? Para magsimba.”

“I mean, bakit dito pa?”

“Hello? Matagal na kaya akong nagsisimba dito.”

“Ewan ko sa iyo.”

Pagkatapos ng mass, eh nagplano kaming maglilibot-libot nalang muna kami. Total Sunday naman e. Honestly, hindi pa nagrerest yung brain ko sa pagwowork sa mga nangyari kahapon. Yesterday was really weird. Pero i think today is a lot better. Why? Kasama ko si Cindy. So they won’t focus on me talaga. Especially Gio.

“So, san tayo?”

“Bo’s!” I suggested.

“Bo’s?”

“Yup.”

“Umiinom ka ba ng kape?”

“H-hinde.”

“Eh bakit sa Bo’s?”

Pakialam mo ba. E sa gusto ko dun eh.

“Hmm, kasi maganda yung atmosphere doon. Diba guys?”

“Yeah.” sabi ni Cindy. Nagnod nalang si Cedric.

That’s him. A man of few words. Dapat ngang motto niya for life is “action speaks louder than words” eh. So ayun, nag-agree nalang si Gio sa mga sinasabi ko. Sumakay kami ng jeep papunta dun. Okay, mayayaman kami pero dahil bata pa kami at hindi pa pwedeng gamitin ang mga eche burecheng kotse ng aming ina at ama, kelangan naming sumakay ng jeep.

Ang ganda nga ng hairstyle namin e. Buhok na matigas pwede nang gawing brush. O diba?

Natawa naman ako sa waiter ng pumasok kami sa restaurant. Hinihintay ko nalang yung waiter na sabihin samin na “mahangin ba sa labas?”. Pero fortunately, wala siyang binanggit. Ngumiti nalang siya.

Aba’y dapat lang. Kung ayaw niyang mawalan ng trabaho. Tumahimik siya!

At ayun, nag-order sina Gio at Cedric. Umupo lang kami ni Cindy dun banda sa window. Nagjuice lang ako at nag bread. You know, the usual breakfast ng mga pinoy. Yun nga lang, pinasosyal lang at pinamahal ng konti.

“Nga pala, may practice tayo sa b-ball bukas for the finals.”

“Ahhh..sige.”

“E diba captain niyo iyan?”

“Yup.”

“Nakakahiya ka naman Gio. Captain ka tapos kung san san ka nagsususuot.”

“E ano ngayon? Captain nga e. Kahit di ako mag practice, magaling parin ako.”

“Hindi ka naman masyadong makapal ano?”

Tumawa nalang sila. Ngiting ngiti ako kay Cedric ng binigyan ako ni Gio ng table napkin sa bibig.

“Ano ba?”

“Tumutulo laway mo!”

“Tumigil ka nga…”

“Hey Ced? You wanna know something about her?”


Chapter 9

“Gio?!” I said giving him that don’t-you-ever-tell-it look.

He looked at me at nag wink lang siya sakin.

“When we were younger, ang kulet na bata yan. Sobrang suplada. Spoiled brat. Naaalala ko pa nga ng pumunta kami sa Tagaytay. Ang tahi-tahimik niya doon sa likod. Nabigla nalang ako na may nangangamoy na.. yun pala..”

Nakakahiya. I felt my face flushed in red. Bakit niya ba kelangang sabihin ito sa harap ni Cedric?

Tumawa naman sila Cedric and Cindy. They got the idea.

“That was very awful. Binuksan naman kaagad nina Tito yung mga windows. Tapos, pinahinto niya yung kotse sa gilid. Hahaha.”

“Yeah. Nakakahiya naman yun bestfriend.” Sabi naman ni Cindy.

I just nodded habang nakayuko.

“And eto pa ha.. Meron siyang crush dati na sobrang taba. Eh nung nagpapacute siya, dahil nga sobrang payat niya, tapos tinutukso-tukso namin sila, bigla nalang siyang tinulak ng crush niya.. and alam niyo ba kung san siya tumilapon?”

“Saan?”

“Hahahaha… Doon sa putikan. Kawawa talaga. Na front page nga siya sa gradeschool paper namin eh.”

Huminga ako ng malalim. Nakakainis. Naiinis na talaga ako. Sobra na talaga ito. Bakit ba kelangan niya talaga akong ipahiya sa mga kaibigan ko?!

“And you know what? Eto pa ha… Nung nagswimming kami sa Whirl resort, we were the only ones dun sa maliit na private pool. Tatalon na sana ako ng may nakita akong mga red liquids sa pool. Nakakahiya. Meron pala siya nun. Yuck.”

Tawa naman sila ng tawa. Gusto na talagang tumulo ng mga luha ko. Pero hindi pwede. Wag dito. Hindi pa pwede.

Nung nakarating na kami sa bahay dahil hinatid niya ako. Dun na lumabas lahat ng galit ko simula ng bata pa kami. Hindi ko na napigilan. Sobra na talaga yung ginagawa niya. Hindi na yung tuksuhan. Nilait niya na talaga yung pagkatao ko.

“Gio..” sabi ko sakanya.

Mabilis naman siyang lumingon sakin.

“Hm?”

“Bakit kelangan mo yung sabihin sa kanila? Bakit kelangan mo pa akong ipahiya? Masaya ka ba talaga sa ginagawa mo? Masaya ka ba talaga na napapahiya ako? Well now.. I’m sure, you’re very happy. Really happy. Umiiyak na ako. Diba ito naman talga yung gusto mo simula pa noon?! Ang makita akong umiyak? Well here. Siguro naman, tama na ito para tumigil ka diba?!” I waited for his answer or reactions.

Pero wala. Tiningnan niya lang ako ng seryoso. Nakatayo lang siya doon. Walang sinasabi na parang walang iniisip.

Yeah right. What can you expect from a man like him?

I was surprised when I saw him smile at tumalikod na kaagad. I was really surprised sa inasal niya. Tinalikuran niya nalang ako basta-basta.

“I really hate you…” bulong ko sa sarili ko habang tumutulo ang mga luha sa mata ko.

Pumasok ako ng bahay at nahiga sa kwarto. Nakakainis. I really hate you Gio.

I really do!

Monday, 7:15 am.

Pumasok ako ng gate with my books on my hand. For the first time in my life, walang Gio na kumuha ng mga libro ko sa mga kamay ko. For the first time in my life, walang Gio na nang-aasar sakin sa ganoong oras. Nabigla ako. Pero diba yun naman yung gusto ko?

Dumiretso ako sa classroom at umupo. There he was. Nakaupo malapit sa window with his earphones. Gusto ko siyang lapitan para humingi ng sorry. Pero later, nagbago na yung isip ko. Maybe, hindi ito yung tamang panahon para magkausap kami.

Nang mag bell, umayos na siya ng upo at kinuha yung earphones sa tenga niya. Kanina ko pa siya pinagmamasdan, ewan ko ba kung bakit. Siguro kasi, naguilty lang ako sa mga sinabi ko kahapon. Hinde, dapat nga siya maguilty eh.

It was recess time na nasabi ko sa sarili ko na hinde niya na talaga ako lalapitan pa kahit na kelan.

“Gio…” I said kasi nahulog niya yung ballpen niya.

Lumingon naman siya.

“Ballpen mo.” Sabi ko at itinaas yung ballpen niya.

Tiningnan niya lang ako at tumalikod na siya ulit. Hindi ko alam kung anong naramdaman ko nung oras na yun. Parang napahiya ako na parang sumakit yung damdamin ko sa inasal niya.

“Hey Gio.” Sabi ng isang babae dun sa cafeteria.

“Hi…” sabi niya at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Umupo naman kaagad siya doon at nakichika sa mga babae.

At bago ko pa nalaman, nandun na ako sa cr umiiyak sa inis.


Chapter 10

Simula ng araw na yun, nagging malamig na ang pakikitungo niya sakin. Siguro dapat na akong masanay doon. Pero ewan ko ba kung bakit minsan, I’m still expecting na kahit papano, tuksuhin niya uli ako.

“Hey Cindy!”

Lumingon kami ni Cindy dahil nga tinawag siya.

“Uy, Gio. Bakit?” sabi ni Cindy. Naiwan lang akong nakatayo dung mag-isa.

Nag-usap sila sandali. Tawa pa ng tawa si Cindy. Minsan, nakakainggit silang panoorin. Teka, bakit ba ako maiinggit? Dapat nga maging masaya ako kasi hindi na ako yung kinukulit. Dapat nga maging masaya ako dahil wala ng masyadong nangungulit at nanunukso sakin.

Pero bakit iba yung nararamdaman ko?

Bumalik sakin si Cindy na tawa ng tawa. Nagsimula kaming maglakad palabas ng school.

“Hay naku.. si Gio talaga…” sabi niya habang nakangiti.

“Bakit?” tanong ko.

“Wala lang. Nakakatuwa talaga siya. Nga pala, nahalata kong hindi na kayo gaanong nag-uusap at nagsasama?”

Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tanong niya.

“Hmmm, we’re just chilling.” Sabi ko habang nakangiti.

”Ahhh… ganun ba? Weird ha..”

“Oo nga eh.” Sabi ko ng pabulong.

Tumayo kami sa labas ng gate. Sabi ni Mommy, ipapasundo niya daw ako dahil delikado daw yung panahon na yun.

“Mauuna na ako Cindy.”

“Sige, ingat ka ha.” sabi naman ni Cindy.

Pumasok ako ng kotse. Si Cindy naman e, dumiretso sa kabilang kanto. Nakita ko nalang sa rear mirror na sinabayan siya ni Gio sa paglakad.

Hindi ko na talaga naiintindihan yung nararamdaman ko. Parang gusto kong bumaba ng oras na yun at hilahin si Gio palayo kay Cindy. Pero hindi pwede. Hindi pwede.Ilang buwan na rin kaming ganun. Yung mga kaklase namin eh taking-taka na saming dalawa. Kapag nagkakasalubungan kami sa hallways, ni hindi man lang niyang magawang ngumiti o tumingin sakin. We acted as if we never knew each other. Ewan ko ba, pero ayoko ng ganun. Ayoko.

Hanggang isang araw, nakita ko siyang nakaupo dun sa ilalim ng puno malapit sa soccer field. Lumapit ako at umupo sa gilid niya. Hindi ko alam kung san ko nakuha ang lakas para tumabi sa kanya.

“Hindi ko alam na marunong ka palang maglaro ng gitara.” Sabi ko sa kanya.

Tumahimik lang naman siya. Strum parin siya ng strum ng gitara.

“Alam mo ba yung chords ng Jeepney ng Sponge Cola?” tanong ko sakanya.

Bigla naman siyang tumayo at umalis.

“Sandali lang. Maupo ka lang diyan.” Sabi niya habang lumalakad siya papalayo.

Pero hindi na siya bumalik. Instead, I saw Cedric walking towards me with a guitar on his hands.

“Hmm, yung jeepney ba?”

Nabigla ako. Ngumiti nalang ako kay Cedric at tumango.

“Oo. Pwede mo bang tugtugin?”

“Sure.. kanta ka ha?” sabi niya habang nakangiti.

“Sige..”

At ayun, kumanta nga ako habang nag gigitara siya. Pero hindi mapigilan ng mga mata kong magmasid sa paligid. Hindi mapigilan ng mga mata kong maghanap ng isang tao.

Bukod dun, hindi rin mapigilan ng utak kong magtanong kung bakit siya umalis at ibinigay kay Cedric ang dapat sa kanya.

Pagkatapos nun, naglakad kami ni Cedric papunta sa classroom para sa afternoon classes. Nakita ko naman siyang kausap si Cindy. Tinutukso-tukso niya ito at nagtatawanan sila. Bakit hindi kami ganyan noon? Hindi ko mapigilang panoorin sila sa cafeteria. Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan sila ng nagtatanong.

“Nathie? Nathie? Malilate na tayo.” Narinig kong sinabi ni Cedric.

“I’m sorry. Tara.” Sabi ko sakanya at umakyat na sa building.

Mabilis na dumaan ang mga araw. Pagkagising ko, New Year na. Natatandaan ko yung New Year na yun. Yun yung tanging New Year na hindi siya nagpakita at sumama sa mga magulang niya sa bahay. Nakakabagot. Nasanay kasing ako na tuwing New Year, dumadating siya at nagdadala ng mga movies na pinapanood namin. Instead, pinadala niya lang kay Mommy niya yung gift niya para sakin.

Umakyat ako sa kwarto at tiningnan yung regalo.

Open this at twelve midnight. This is a surprise. Kong hei fat choi.

Hinintay ko namang mag alas dose ng gabi at binuksan ito.

WOAHHH!!

Natawa ako sa binigay niya. Isang pop up stuff toy sa box. Akala ko pa naman kung ano na. Kalokohan parin yung nasa isip niya.

Bigla nalang tumunog yung cp ko.

Gio Woah

kong hei fatchoi,Nathalie.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s