Under the Rain – Chapter 1 to Chapter 3

Chapter 1

It’s been a year narin since pumasok ako sa soccer team. And kahit isang taon na ako dun, hindi parin niya ako napapansin.  Minsan nga sinasabi ko sa sarili ko na tigilan nalang, pero anong magagawa ko? Puso ko na yung nagdesisisyon.

So eto ako ngayon, napahuli ang uwi kesa sa mga kaibigan ko. Tinapos ko pa kasi yung game sa field habang bigla namang umulan. Kaya sabi ni Coach, umuwi nalang daw kami. Let’s call it a day daw. Tumakbo naman ako sa girl’s dressing room, hindi na ako nagshower since mababasa rin naman ako pag umuwi ako e. Nagbihis lang ako at tumakbo sa gate. Dun ako naghintay ng masasakyan. Dala ko yung payong kong pink at binuksan ito habang naghihintay. 

Nabigla ako ng may biglang tumawag ng pangalan ko. o

“Dice!! Dice!!”

Bigla naman akong napalingon at napatingin sa tumatawag sakin.

OMG! Kai is calling me? Napablush naman ang lola niyo.  Kilala niya ako? kilala niya ako!

“H-ha?”

“Pede makisilong?”

“S-sure..” halata bang nanginginig ako?

“Salamat.” Ngumiti naman siya ng ever killer smile niya.

Napayuko nalang ako at napatahimik. Hindi rin siya kumikibo. Ewan ko ba’t ganun? Pero 30 minutes na ata kaming nakatayo dun pero wala paring sasakyan na dumadaan. Kaya naman nagsimula akong magsalita.

“K-kaw diba yung co-captain ng boy’s soccer team?”

“Yeah. Napanood ko yung game niyo kanina, galing sumipa ah.”

“Wala nga kaming score e.”

“Pero kahit na, malakas yung pagkasipa mo.”

“Ahh, diba kanina pa kayo pinauwi?”

“Well, may ginawa pa kasi ako e. Number 11 right?”

“Yup.”

“Hey, tama nga pala yung sabi nila no?”

“Na ano?”

“Wala kang mata!” Tumawa naman siya.

Okay, yeah, singkit ako. Eh ano naman ngayon? Eh siya nga chinito din, maputi at matangkad.

“Ngayon ko rin lang nahalata. Nauubusan ka na ng dugo. Punta ka ng hospital.”

Hanggang we spent the another 30 minutes sa asaran.

Hihirit pa sana ako when he suddenly ran.

“Sa uulitin! Nice teasing with you!”

Napangiti na lang ako sa sarili ko. Mga ten minutes pa siguro akong nakatayo dun na parang lelang, when my friends went out of the school.

“Hoy!” Puting butiki imapaktitang babae! Muntik na talaga akong mapatalon dun, kasi naman no, ang ganda-ganda ng muni-muni mo, biglang may susulpot at manggugulat na impakta.

Tiningnan ko lang sila habang nakangiti parin ako.

“Is something wrong? Hoy..” sabi naman sakin ni Gabby.

“She’s crazy. Pangiti-ngiti pa siya. Diane to earth?!” sigaw naman sakin ni Enzo.

“A-akala ko umuwi na kayo?”

“Obviously, nandito pa kami.” sagot naman ni Beulah.

“Okay..” I said at tumalikod.

“Pasilong nga..” hanggang nagsiksikan na kaming apat sa payong ko.

Medyo may pagkautak tipaklong kasi tong mga kaibigan kong ito e. Sinabihan ko na nga kanina na uulan, ayaw maniwala at tinatamad daw magdala ng payong. Kaya ayun, nagsiksikan na kami dito. Wee, sana laging umulan no?

“Ma, I’m home.”

“Dinner’s ready, magbihis ka na at bumaba kaagad ha?”

“Opo..”

Umakyat ako sa kwarto at nagbihis ng pambahay. Napangiti nalang ulit ako habang nakatingin sa umbrella ko sa gilid ng kwarto. I looked at the window at umuulan parin. I just couldn’t believe na nag-usap kami kanina. Kahit hindi siya masyadong matino, at least, napansin niya ako diba?

“So, what happened at school?”

“Ayos lang po.”

“Ako tanungin niyo Ma!” papansin naman ng kapatid kong lalaki.

I looked at him na parang papansin ka talaga look.

“Okay, Biboy, what happened?”

“I got an A+ at Math!” he said cheerfully.

“Wow, that’s very good to hear Biboy!” My mom said.

“See? Nagmana talaga ako sa iyo Mom!” tiningnan kaagad ako ng kapatid ko. “I wonder kung san ka nagmana.” turo niya sakin.

“You’re wrong, the question should be, san ka nagmana?” I asked.

My mom looked at me and I saw Biboy teary-eyed. Hay, iyaking bata. Tinapos ko yung pagkain ko at umakyat sa kwarto. Dun ako nagmuni-muni ulit. Haayy, mahirap talagang paniwalaan na nag-usap kami kanina.

Thursday morning at naglalakad ako sa first subject ko sa Com Class. Lagi kasi akong late kaya napapahuli yung pagpasok ko. As I was walking, I saw Kai with his friends. Ngiting-ngiti pa yung sira-ulong yun. Teka, now I know! Grrrr…

“Ang aga-aga ang daming panget dito sa lobby.” sabi ko.

“Jo! panget ka daw?!” sabi niya naman sa friend niya na si Joey.

“Hoy, baka si Kai meaning mo?”

“Oy, di ako yun no. Sa gwapo kong ito?!” he said at tumawa.

Nagtinginan lang kaming dalawa. Tas pumasok na ako sa loob.

Suddenly, nagskandalo naman yung telepono ko sa loob ng room.

“Miss Hernandez? Ilang ulit ko nang sinabi sa iyo na ioff ang cp tuwing pumapasok dito!” sabi naman ni Mrs. Choyca.

Napatawa naman yung mga classmates ko habang nagmamadali akong lumabas para basahin yung message.

haha, papagalitan ka ni Mrs. Choyca pag narinig ang beep nito.

Kainis no? sinadya pa talaga! And hey, the number’s not familiar. Bigla na namang tumunog. Nakakainis na ah!

tingin ka sa gilid mo..

E uto-uto naman ako, tumingin din naman sa gilid. Nainis lang ako kasi wala naman akong nakita dun e.

hahahha… tumingin rin naman. uto-uto.

Sinailent ko nalang yung cp ko at pumasok ulit sa loob.

“Done Miss Hernandez?”

“Obviously.” tinaas ko yung cp ko. “Try mo nga send ako ng message?”

“Miss Hernandez? That’s just so rude.”

Tiningnan ko lang siya at dumiretso sa computer na ginagamit ko.

Tapos yun, we spent the next two hours learning html na feeling ko mawawasak na yung ulo ko sa mga tags-tags at mga scripts-scripts!

So yun, after the class, lumabas na ako with my friends. Recess time na yun, so diretso na kaagad sa canteen. Bibili na sana ako when someone tapped me at the back.

“Ano?”

“Woohh..” nagstepback siya medyo.

Kung di lang nasalo, laglag na naman puso ko.

“I-ikaw pala. Ano na naman?” uyy.. taray ng lola niyo.

“I’ve got something. Gusto mo?”

“Ano yan?”

“Obviously, pagkain. Honestly, this is really for you.”

Ano tatanggapin ko ba? I mean, dati, I was wishing na kahit candy ibigay niya, ayos na. Pero ngayon, he’s giving me a juice and some other foods pa.

“Baka naman may lason?”

“Ang sama mo naman!”

“Akin na nga..”

Kinuha ko yung pagkain sa kanya at umupo kami dun sa isang table. Maya-maya dumating naman yung mga kaibgan kung sang galing ibayo ng canteen man sila napadpad.

Umupo sila at tinitingnan kaming dalawa na kumakain. Like whats-happening-here look. Do-we-have-something-to-know look at gosh-hearthrob-is-here look.

“Tigilan niyo nga ako.”

“Sige, Dice, una na ako!” tumayo naman siya at tumakbo kaagad.

Bigla namang lumapit ng mukha sakin si Gabby.

“K-kayo naba?”

I just looked at her.

“Or he’s courting you?” dagdag naman ni Beulah.

Then tiningnan ko ulit sila. Gosh, they’re really serious!

“Hell no!”

“What’s happening?”

“May mga kasalanan lang sakin.” then I winked at them.

Nang papasok na ako sa room, bigla namang nagvibrate yung cp ko.

see ya at the soccer field mamayang hapon.

After I read the message. Napanganga nalang ako.  Bigla namang tinusok ng classmate ko yung tiyan ko.

“May assignment ka sa Geom?” tanong ni Krishella.

Tiningnan ko lang yung classmate ko as if she’s speaking Greek at ako Japanese.

“Huist!” she said at tinusok ulit ako sa tiyan.

“H-ha?”

“You’re weird.” she just said.

Tiningnan ko lang siya at pumasok ako sa loob ng classroom.

Nung bandang hapon na, kumaripas naman ako ng takbo papunta sa soccer field. Tumingin-tingin ako sa paligid. Wala naman masyadong gaanong tao. Yung mga boys lang from the soccer team. May isang kumaway. Pero ewan ko ba. So, since ako yung nauna sa mga girls, umupo nalang ako dun sa bleachers at wala, tumingin sa kanya habang sumisipa ng bola.

Napanganga nalang ako. Then he waved at me. Can you believe it?! He waved at me! So yun, parang lelang ako dun. Then, dumating si coach at nagsimula na yung game. So yun, nainspire ako kaya nakapag 3 goals ako.  D

Sumabay na ako sa pag-uwi sa mga friendships ko. hindi kasi umuulan at maaga naman kaming pinauwi ni Coach. Nung gabi din yun, yung nagtetext sakin? Si Kai pala yun. So ayun, napablush na naman yung lola niyo. That night, it rained. Since ng gabing yun, we became close to each other.

Araw-araw niya na akong nililibre. Lagi na siyang sumasabay sakin, umulan man o umaraw. Tuwang-tuwa nga ako e. Matagal-tagal na rin kaming ganun, and Im sure, yung ibang babae naiinggit na. Pero sympre, for them, wala lang sakin since ako lang naman yung nakakaalam na may gusto ako sa kanya e.

Until that day…

Yun yung isa sa mga araw sa buhay ko na pinangarap ko na sana mamatay na lang ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

1 message receieved

Kai

pede kita tau mya sa Jeg’s? Importante lang, di pede dito sa text eh. )

Nag-assume rin naman kaagad ako. Akala ko talaga manliligaw na siya. Tuwang-tuwa pa ako nun. But then, he said those words..

“Dice.. well..”

“Hm?”

“Well.. kasi….”

Napatingin lang ako sa kanya.

“Can you help me with Alexa?”

My world stopped turning. Pakiramdam ko, binuhusan ako ng mainit na tubig para magising.

Gustuhin ko mang umiyak, hindi ko nagawa. Instead, my tears filled my eyes. And then he looked at me.

“Dice?”

“S-sure..”

“But..but you’re crying?”

“N-no..im..Im just happy.”

“Thanks!” he said.

Of all people, bakit yung.. bestfriend ko pa?


 

Chapter 2

Pinilit kong pigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Pakiramdam ko, binagsakan ako ng langit at lupa. Pakiramdam ko, sinasaksak puso ko.  =( Ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Yung paglilibre niya sakin, yung mga text messages niya, yung pagiging close niya sakin, lahat yun dahil kay Alexa. Alexa, yung bestfriend ko. Lahat dahil kay Alexa.

“-Dice?”

“I-I’ll go ahead.” I said at tumayo na kaagad.

Mabilis akong naglakad papunta sa exit, pero hinawakan niya yung braso ko.

“Ihahatid na kita.” he said.

“Hmm, hindi na, may nadadaanan rin naman ako jan eh.” tinuro ko yung mga stores sa labas.

“But, are you really sure you’re okay?”

“Yep. Tsaka malapit lang naman yung bus station eh.”

Nang sinabi ko yun, kinuha ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at dumiretso na sa labas. Naglakad-lakad ako papunta sa bus station. Grabe, parang gusto kong humagulhol sa pag-iyak. Alam niyo ba yung feeling na parang.. basta, yung parang tinapon sa iyo lahat ng sakit sa pagdaramdam? Yung feeling na makakapagtanong ka talaga sa Diyos kung bakit, sa lahat ng babae sa mundo, bakit yung bestfriend mo pa?!

Bigla ko nalang naramdaman yung mga luha kong tumutulo sa mga mata.   Pero diba, look at the bright side? Bagay naman sila eh. Alexa as the editor-in-chif of the schoolpaper, won several gold medals at some writing contests, and well, si Kai na captain ng soccer team, won gold medals for some interschool games.   kung iisipin, bagay na bagay sila. The Gold recievers. At kapag nagpakasal sila, magiging masaya ang lahat. At nasan ako sa mga panahong yun? Ipagdadasal ko na sana mawala ako na parang bula. Parang bula na hindi makakaramdam ng sakit sa makikita at maririnig ko.

Ng sumakay ako sa bus, nahalata kong gabi na pala. There I saw a star. Sabi nila, yun daw yung venus na planet. But I’m not really sure. Naalala ko pa, nung second year ako. Palagi akong nakadungaw sa bintana at susubukang bilangin yung stars. Sabi ko sa sarili ko, pag nabilang ko sila, dun ko lang kakalimutan si Kai. Pero sa kasamaang palad, hindi ko nabilang lahat. Hello no? Masyadong marami for my naked eye. Napatulo na naman luha ko.   Ang tanga mo kasi Diane e! Sobrang tanga mo!

That was when I wished again at that the same star.

It was early in the morning at wala akong planong pumasok sa school. Ewan ko ba pero since he told me na itutulay ko siya kay Aleck, nawala na yung gana kong kausapin o makita siya. But then, pumasok parin ako.

“Hi Dice.” sabi naman sakin ni Aleck.

“Hi Lex.” I said.

“Is there something wrong?”

“W-wala naman.. bakit?”

“You look pale..”

“Ah.. kulang sa tulog..”

“Yeah, halata nga. Nangangalumata ka e.”

Tumawa lang ako at sinandal ko yung ulo sa bintana. Nakaupo kasi ako sa gilid.

“Anyways, pinapasabi ni Kai na sabay na daw kayong magrecess mamaya.” she said at bumalik sa upuan niya.

Napaalarma naman kaagad ako sa sinabi ni Alexa. Eto na.. eto na talaga yung kinatatakutan kong mga araw ng buhay ko.. eto na talaga..

Hindi ba pwedeng tumakbo nalang ako papalayo dito?  San nga pala nakatira yung mga penguin?! Sasama nalang ako sa kanya at magpapafreeze sa ice. At least, wala na kaagad akong mararamdamang sakit at takot. Diba?!

I forced a smile at sumandal na ulit sa bintana. After nun, nung recess time, nandun na sa harap ng pintuan ng room namin si Kai. Nung lumabas ako, todo ngiti pa siya sakin at lahat. May dala nga siyang Nestea at maliit na cake e. Yung mga classmate ko nga, napa ‘uyy’ eh. Naku, kung alam lang nila.

Kung alam lang nila.. kung alam lang nila talaga yung katotohanan behind these stuffs. Dumiretso kami dun malapit sa soccer field. May benches kasi dun at wala masyadong tao. Dun kami nag-usap. At anong topic? Guess niyo, of course, all about Alexa. Siguro nga, pwede na akong gumawa ng talk show e.   Ang saya-saya niya habang kinekwento ko kung anong mga gusto at ayaw ni Aleck. Abot tenga yung mga ngiti niya ng sabihin ko na ni minsan, hindi pa nagkaboyfriend si Aleck. Basta, lahat tungkol kay Aleck. Naging daily routine na namin yun siguro. Since that day, kwento lang ako ng kwento sa kanya. Grabe, kung alam niyo lang kung gano na kasakit yung nararamdaman ko dito sa puso ko. Pakiramdam ko, bwat salita na lumalabas sa bibig ko, kumikirot puso ko.

Bakit ba ganito?!

Idagdag mo pa yung mga classmate kong palaging nag ha ‘haayy’ sa likod ko. Lagi nilang sinasabi pag nakikita nila si Kai na nakatayo sa labas ng room..

“Haayy, Diane. Ang swerte mo talaga.. Sana ako nasa lagay mo..”

“Haay, Diane, ang haba ng buhok mo..”

Sana nga kayo yung nasa side ko no? Para alam niyo kung gano kasakit ang maging tulay ng bestfriend mo at ng mahal mong tao.   Hanggang hindi ko na nakayanan, pumunta ako sa chapel para magdasal.

Bago pa ako makapagsalita, bumuhos na yung mga luha ko..

“Diyos ko naman… bakit po ba ganito ang nangyayari sakin? Ganito na ba talaga ako kasama para parusahan mo ng ganito? Grabe na e.. sobrang sakit na talaga.. sobrang sakit na po..   Dati, yung pinagdadasal ko lang naman sa iyo, na sana kausapin niya lang ako o sana kahit bilhan niya lang ako ng 7 pesos na juice.. oo, sobra-sobra naman yung binigay Niyo.. Nestea araw-araw.. 12 pesos yun.. lage pang may kasamang kung ano-ano.. araw-araw ko na rin siyang nakakausap.. pero bakit ganito? Sobrang masakit.. Araw araw ko nga siyang nakakausap, pero tungkol naman lahat kay Aleck..   Kailan niya po ako mapapnsin? Kelan niya po ako matatanong rin sa iba? Ayoko na po.. ayoko ko na talaga.. sobrang masyadong masakit na.. ang tanga-tanga ko talaga kasi e..    Diyos ko.. sana lang naman pakinggan niyo tong hiling ko.. Kung hindi niya talaga ako kayang mahalin, please po.. kunin niyo nalang po yung mga nararamdaman ko sa kanya.. please po.. tulungan niyo po ako.. at kapag ganun po, I promise you, magpapakabait po talaga ako..  Amen..” i sat and buried my face at my handkerchief.

Bigla namang may humawak sa likod ko.. Bigla naman akong napatingin..

Si Kyla pala..

“Just cry..” she said at niyakap niya ako.

Grabe, napahagulhol na naman ako sa pag-iyak.. sabi niya ayos lang daw na umiyak ako sa harapan niya, wala naman daw yun sa kanya. She knows kung anong pinagdadaanan ko. Kaya ayun, napakwento nalang ako tungkol sa nararamdaman ko at pinagdadaanan ko ngayon.

“Alam mo, matagal ko ng alam yan.” she said.

“Di nga?”  O

“Hindi lang ako nag-ingay. Simula pa nung sumali ka sa Soccer Team. Naisip ko kasi, hindi naman ikaw yung tipo ng babae na magpapagod sa gitna ng mainit na araw sa field.” she smiled.

Napatahimik nalang ako at napayuko.  =(

Lumabas kami ng chapel at dumiretso ako sa classroom. Pagkabukas, he started courting Aleck na. Nabigla nga yung lahat e. They said..

“Oh my gosh Diane. Akala ko ikaw yung nililigawan..”

“Gosh Dice, this is just so OMG! Sinong mag-aakala na si Aleck pala yung liligawan?”

“Bagay na bagay sila no?”

Napatahimik nalang ako at napatango. Oo, sabi kasi sa inyo e. Hindi ako, kungdi ang bestfriend ko. Ang pinakamatalik kong kaibigan. Simula noon, hindi na ako yung hinihintay ni Kai sa labas ng room. Simula noon, hindi na ako yung binibilhan ng Nestea at kung ano-ano pa. Simula noong araw na yun, hindi na kami nag-uusap, simula rin nung araw na yun, dumistansya na ako. Masyado nang masakit e. Araw-araw nang sumisikip yung dibdib ko. Pagod na siguro yung puso ko. Pero kahit ganun, hindi parin sumusuko.

Isang araw magkasama kami ni Aleck papunta sa Administration.

“Dice.. I think I’m falling..” she said.

Napatawa naman ako ng plastic.

“San sa bubong?” I joked.

Bigla niya naman ako hinampas ng mahina.

“Loka, kay Kai.” she said.

Eto na naman.. eto na naman yung kirot sa dibdib ko. Eto na yung mga kinatatakutan ko. Magiging sila na.. magiging end of my world na. At sana kapag mangyari yun, sana igagrant na ni Lord na gawin akong bula.

“D-dice?” she asked as she waved her hand at my face.

“Oh, sorry.” I smiled. “Wow, sa wakas, nahuhulog ka na rin..” I said.

“Oo nga eh.. when’s the ryt time to answer him kaya?”

After 48 years?

“D-dice?”

“Huh?”

“Mukhang wala ka ata sa sarili mo these past few days ah?”

It’s because of you and him.

“Wala lang.. mejo busy lang eh. Daming iniisip..”

“Ahhh.. sana magawa niya pang maghintay..”

Another shot! Ouch.. sana nga naman no? Siguro dapat na lang nga akong magbigay ng moral support sa kanya. Baka pag ganun, mawawala ng mawawala yung nararamdaman ko sa kanya.

What ya think?

Days had passed. Umalis ng school si Kai. May pinuntahang competition with his teammates. Kami? naiwan, kasi wala namang soccer yung girls, kaya pinaiwan nalang. One week ata siyang nawala, and grabe, sobrang miss na miss ko siya. Si Aleck namiss din ata siya. Kaya minsan, nung nag-usap kami nalaglag nalang yung puso ko at muntik nang mapatulo yung luha ko..

“Ill answer him pag bumalik na siya.”


 

Chapter 3

Kung pwede ko silang sakaling dalawa, matagal ko ng ginawa. Wala naman talagang kasalanan dito si Kai diba? Hindi niya naman sinabing umasa ako sa kanya. Pero dahil isa’t kalahating gaga din ako, kaya eto, heart attack siguro ang aabutin ko dito.  =( Sana lang nga no? Wag na siyang bumalik. Pero hindi ko naman kailangang pumili between my bestfriend and sa lalaking mahal ko no? I don’t wanna be torn between them. And he chose her over me. Tanga! Di niya naman alam na may gusto ka sa kanya e!   And tingin niya sa iyo tulay lang talaga as in, tulay patungo sa bestfriend mo!

Ang bilis nga ng panahon and it was Monday na.   Ayoko ngang pumasok if not for my Geometry quiz. Alam ko na kasi ata kung anong mangyayari e. Syempre, every Monday, we got this convocation, after the program, announcements and mga achuachu ng skul. So, they’ll giver great credits and congratulate his team for winning. Yeah, they won. Aleck texted me nung Saturday night.

Congratulations eh no? And he even texted me pala. Pero hindi na ako nagrereply. See? I kept my distance from him. Nasasaktan lang naman kasi ako kapag nakikita ko silang dalawang magkasama.

Nung pumasok ako, he was smiling dun sa lobby ng library. Siguro akala niya lalapit ako sa kanya at icocongratulate siya. I even saw his reaction nung dumiretso lang ako as if hindi ko siya nakita.

Whole morning akong hindi nakipag-usap nor sumali sa fansclub niyang nagkakandarapang mag-abot ng congratulations thingy. Si Kyla naman nakinood lang kasama ako. She even smiled at me na parang ‘ayos lang yan’. So I smiled back too.

After the program, ayun nga, inanounce na nanalo sila. Todo hiyawan na naman. As if, bago parin sa kanila. Napaupo nalang ako dun sa chair ko. Si Aleck naman todo yung sigaw-sigaw niya.

Then biglang nagsalita si Captain sa mic.

“Thanks sa suporta. We could’ve not done it without God and you. All praises to God! And of course, yung inspiration ko…”

Parang gusto kong mabingi nalang kesa marinig yung pangalan na sasabihin niya. Napayuko nalang ako at sinaksak yung ipod ko sa tenga. Loud volume pa para di ko talaga marinig. Bigla nalang napatulo yung luha ko. I ran out of the crowd sa auditorium at pumunta sa likod ng gym. There I cried my heart out.

Parang inubos ko na talaga yung luha ko dun sa pag-iyak na yun. It was lunch time when I went back to the classroom. Hindi na ako kumain ng lunch. Nakakawalang gana. I even heard my classmates na ‘sila’ na. Kakasagot lang daw nI Aleck sa kanya.

Great! As in, super great! Diba? Great naman talaga e. Sobrang great.

I sat back at my chair at nilean ko ulit yung ulo ko sa bintana. Tapos sinaksak ko na naman yung ipod ko sa tenga. Tama na, if I can just run far away, matagal ko ng ginawa. Pero huli na eh. Guys, ‘sila’ na. Wala na akong magagawa diba? All I have to do is just to keep away from him. Baka sakaling mawala na tong kagagahan ko. Diba?

Then that night he texted me like saying.. thank you daw.. super ganda daw akong maglakad. Salamat daw sa lahat etc. etc.

Okay, you’re welcome. Pero hindi nako nagreply. Sayang lang yun sa load noh. Wala rin naman akong makukuha sa kanya ngayon. Days had passed, sobrang pag-iiwas na yung ginagawa ko. Nagiging close na rin nga kami ni Kyla e. Sa kanya ko kasi sinasabi ang lahat. Binibigyan niya rin naman ako ng advice. And Kai? Well, minsan, pagnakikita kong magkakasalubongan kami sa corridor, i turn left or right or kahit saang pinto na pwedeng pasukan. Minsan nga, sa labas ng room, alam ko minsan gusto niyang lumapit pero tumatakbo naman kaagad ako at sinisigaw ko sa kugn sino mang classmate ko na may hihiramin pa akong book. Kaya minsan, napapatingin nalang siya sakin.

Minsan naman nagsesend-send ng quotes, kala niya naman gusto ko. Naman.. mas lalo lang akong nasasaktan e.

Until one day..

Nakatayo siya sa harap ng door ng room namin. Sabi ko sa sarili ko, magpapahuli na lang ako ng labas, total lalabas rin naman kaagad si Aleck, so uuwi na sila. Pero ewan at kung ano pa yung inaatupag ni Aleck kaya as usual, tatakbo na naman sana ako palabas papunta sa lib, pero nagsimula ring maglakad si Aleck papunta ng door kaya nagdahan-dahan nalang ako sa paglalakad.. Nakalabas na si Aleck and I was really expecting na susunod na rin siya. Pero he was still standing at the front of the door na as if ako talaga yung pakay niya.

Then nagmadali akong makalabas sa door, but he grabbed my arm. Napatingin si Aleck bigla. Kahit ako nagtataka kung bakit niya ako hinawakan.

“K-kai?” Aleck asked.

“Go ahead, amin lang to.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s