Under the Rain – Chapter 11 to Chapter 13

Chapter 11

Friday  —  Day of DOOM for ME.

Ayokong bumangon. Ayokong bumangon. May sakit ako. May sakit ako. Masakit ang ulo ko. Kaya di ako pupunta ng school. Masakit ang ulo ko. Masakit ang ulo ko. Ayokong pumunta ng school. Ayokong pumunta sa bahay nila.

“Ate gising na! Malilate ka na sa school.” Sabi ni Biboy sakin.

“Sjdskjsdkajdjdka..ayoko…skdjsdkjskdsoee.”

“Anong Sjdskjsdkajdjdka? Earth language please.”

“Ayokong.. pumasok, gets?”

“Oh come on!” bigla siyang tumakbo sa ibaba and I heard my Mom knocking on my door.

Yey! Si Mama na talaga ang umakyat sa kwarto ko. Oh great Biboy dearie.

“Anong drama na naman yan Dice?”

“Maaa.. masakit ang ulo ko.” I said and closed my eyes.

“Tse! Wag mo nga akong dramahan ng ganyan. Bangon na.” Sabi niya and kinuha niya ang kumot sa katawan ko and kinaladkad, mind it, kinaladkad papuntang bathrooom. Oh great. May takas pa ba ako?

Kaya ayun, without any choice, I turned the faucet on and super lamig ng tubig. Haayyss, mukhang haharap nga talaga ako ngayon sa Mommy at sa pamilya niya. Oh great.

Nang dumating ako sa school, I saw him leaning sa gilid ng gate and smiled when he saw me na dumating.

“Ma, baka magab-”

“I know. Take your time down there. Be polite. Act smart and witty. Tsaka wag mawawalan ng poise.” Sabi nia and kissed me. “Ingat ha?” Then she drove away.

Ooookaay? I don’t get it. Maloloka na ako.

“Hey, ready ka na mamaya? Namumuti ka ah?” He said then laughed.

“Ha-ha. Aiiissh. Pede sa susunod nalang? Masakit ang ulo ko e.”

“Come on, ayos lang yan no. No worries. They’ll like you.”

Huminga nalang ako ng malalim and dumiretso sa class ko. Whole morning di ko siya pinapansin pero ayun, tabi parin saken ng tabi. Super tanong naman yung mga friends ko kung anong meron saming dalawa, baka may LQ daw. Hayyy nako no. Kakaloka talaga ito.

Nung hapon na, uwi na sana kaagad ako para di ako makapunta sa bahay nila, pero nung paglabas ko, bigla ko naman siyang nakita sa labas ng gate. Aiissh, eh yun pala hinihintay ako.

“A-akala ko mamaya pa uwian niyo?”

“Economics. Tinatamad ang teacher. Dismiss kami ng mas maaga. Lagi naman eh. Tsaka alam kong tatakas ka.” He winked and smiled. “Tara.” He grabbed my hand and ayun nga, I have no choice but to go with him – whether I like it or not.

Hinga ako ng hinga ng malalim every second siguro. Tense na tense talaga ako e. Sobrang nakakanerbyos. Pano pala kung di ako nila magustuhan? Pano pala kung.. aiiish, nakakanerbyos talaga.

“Lopez lang!” sigaw niya and huminto naman yung jeep. Naglakad nalang kaagad kami papasok sa village at papunta sa bahay nila since malapit lang naman daw. Whole ride sa jeep at sa paglalakad, never niyang binitiwan ang kamay ko. Ayee, kilig na naman ako. Ahihihi.

Then he stopped sa malaking puti na bahay. And when I say malaki — malaki talaga. Yung parang pang-artista. Parang maids’ quarters lang yung bahay namin compare sa kanila ah. Haneeep. Hindi ko alam na ganito sila kayaman.

“A-a-ang yaman niyo.” o

“Hindi ah.” sabi niya at napakamot sa ulo. “Tara, pasok tayo.” He rang the doorbell and biglang nag-open yung gate. Waw, automatic?

When we got in their house, mas napanganga ako. Super ganda talaga. Pang Marimar yung dating ng bahay. Drug lord ba Daddy ni Kai? XD

“Mom, andito na kami!” he called out. May bumaba naman kaagad sa stairs na mukhang donya. And guess who? His mom. Shoot. Ano ba itong napasukan ko?

“Oh hi Diane.” She said and kissed me on the cheeks.

“Good afternoon po Tita.” I smiled sweetly.

“Oh, Tita ka diyan. Call me Mommy nalang.” Ngumiti naman si Kai and napangiti narin ako.

“Hahaha. Mommy.” I corrected myself and chuckled a bit more.

“O tara, dun tayo sa likod.” Kinuha ni Kai yung bag ko and nilagay sa study room ata nila. Then he went with me and his mom sa likod and there. Napatigil ako. Ang daming tao. Hindi niya lang ata family yun. Ang dami pang iba.

“They’re Kai’s cousins. Actually, dearie, may reunion kami. But I know you wouldn’t come kung sasabihin naming may reunion kami, so I told Kai to tell you nalang na may small dinner lang and we want you to be with us.”

Napatingin naman ako kay Kai with a you’re-gonna-die-tomorrow look. Nagkibit balikat lang siya and ngumiti.

“Dearies! Meet our visitor! This is my son’s beautiful girlfriend.” She said and napatingin yung lahat sakin. I just smiled and napayuko ako sa kanila.

“Good evening po.” I said. They smiled naman to me and yung iba parang napatingin kay Kai.

Tapos ayun, bonding bonding na kaagad sa mga cousins niya. Okay naman yung family niya, walang masyadong tanong. Parang happy happy lang talaga. Meron din siyang mga cousins na kaedad namin, so parang nakakasabay kahit papano. Then nung late na, naiwan ako sa table dun sa likod kasi may ginawa ata yung mga cousins niya sa loob. Then he sat beside me and smiled.

“What’s with the smile?”

“See? Okay naman diba?”

“Yeah, okay naman.” I smiled to him.

“You know what, they like you.”

“Hahaha. I just hope so.”

“But really, they like you.”

“Kung ganun nga, salamat naman.”

“Then.. wala ka nang rason.”

“Rason?”

“Para di tayo ang magkatuluyan sa susunod.”

Napatigil ako at napatingin sa kanya. Ngumiti lang naman siya and I was like, oookkaay? Totohanan na ba talaga ito?

“I mean..”

“I exactly know what you mean.” I smiled and napahinga ng malalim.

Tumawa nalang kaagad kami. Nakakahiya na to pero kilig to the bones. Eto na talaga yung mga kabayaran sa mga pasakit saken noon.

After nun, wala paring imik si Kai about sa Valentine’s day. As in parang wala lang talaga sa kanya. Pinapabayaan ko nalang kasi I’m also busy looking for a gift para sa kanya.

And right now, I’m in the mall with Beulah and Mechelle. May bibilihin daw kasing bagay si Mechelle for her boyfriend and si Beulah naman, she’s just tagging along with me. ^____^ Pero dahil nga andito narin lang ako sa mall, maghahanap-hanap narin ako ng pwedeng maibigay kay Kai ko. ❤

Then ayun nga, mga tatlong oras na kaming naglilibot-libot dun sa SM, wala parin akong nakikita. Then pumasok ako sa Toy Kingdom. Wala lang, feel ko lang na pumasok. Wag nang umepal.

Tapos mga 15 minutes more na paglilibot dun and finally!

Eto na lang nga talaga siguro. Di naman cheap, tsaka parang may sentimental “meaning” talaga for me and for him. Diba? XD Kung ano ito, surprise nalang. Bleh.

“O, nakakita ka na ba?” tanong sakin ni Beulah.

“Yeeah, meron na.”

“Patingin nga.”

“Hindi, sa susunod nalang.” Sabi ko at tinago sa bag ko yung binili ko for him.

“Sus, ang daya nito.” Sabi kaagad ni Mechelle.

 


Chapter 12

 

And finally… Valentine’s day. Friday – February 14, 2008.

Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. Parang excited ako na parang nahihiya na parang wala lang. I mean, excited kasi nga Valentine’s Day, parang eto palang yung Valentine’s na may silbi for me. Nahihiya kasi may ibibigay ako sa kanya, and bakit parang ako lang yung namumroblema sa araw na to para sa kanya? And third, parang wala lang — pinipilit ang sariling iconvince na wala lang etong araw na to. Like, okay lang kung may mangyari, okay lang din kung wala. Parang ganun. Getchie getch?

So ayun nga, I woke up early in the morning — I don’t even know why. Ayun, naligo and may napansin ako kaninang umaga. I applied powder to my face and tint to my cheeks and some lipgloss at my lips. Those are things na di ko ginagawa before. Siguro, iba talaga pag inlove. BLOOMING daw ika nga.

“Happy Valentine’s anak.” Sabi ni Mama saken.

“Likewise.” I smiled sweetly.

“Wait – do I see powder, tint and a gloss at your face?”

“Yeah.” Napatawa naman siya saken. “What? I’m a junior highschool. Buti nga, eto lang nilalagay ko. Eh yung iba diyan may mga liquid eyeliner pa at-”

“Yeah I know. Iba nga naman talaga pag may pinapagandahan.” She said and laughed.

Tse. Eh ano naman ngayon kung meron nga? O_______O Nung dumating ako sa school, aba, ang mga kaklase kong girls kanya-kanyang dala ng mga bulaklak, siguro galing sa mga boyfriends nila. Aba, mga sosyal. Eh ako kaya?

“Diiiicceee! Look o, I received a flower.” Sabi ni Beulah saken.

“Waw! Teka, kelan ka pa nagkaroon ng boyfriend?” I asked in surprise.

“Loka! Bakit, ang mga may boyfriend lang ba ang may karapatang makatanggap ng flowers?” Aba, at nagtaray.

“Hindi. Wala naman akong sinabing ganun ah. So you mean, it’s from “someone”? I teased her. “Uuuuyyyy.”

“It’s not from “someone”. It’s from “stalker”. Hahaha!” Tumawa naman si Alexa sa likod namen and napangiti ako sa kanya. “I received something din. Here o.”

Wooooowww! Ang ganda ng flowers na binigay sa kanya. Ano ba to, ang aga-aga pa lang, sandamak na ang binibigyan ng flowers. Tapos ako, wala. Ang weird ata ah. Siguro di lang talaga ganun ka “corny” si Kai. Siguro, di niya gusto itong mga bulaklak effect nato.

“From sino naman yan?” I asked excitedly.

Lumapit si Alexa samen ni Beulah and whispered some name.

“Gilvard.” She said and smiled.

Omo, Gilvard from Lasalle? As in from Lasalle na si Gilvard? As in yung Captain ng basketball team nila? Omo. Taray ang lola nateeen.

Bigla kaming napatakip ng bunganga ni Beulah — at napasigaw kaming tatlo sa harapan ng mga lockers namen.

“Waaaaaahhhhh!! Ang sssswwwwweeeeerrrrrteeeee moooooo!!” talon ng talon kaming tatlo dun, mukha kaming mga lelang.

“Eh teka nga pala, ikaw Dice?” tanong saken bigla ni Kyla na nasa gilid namen.

“Ay, hello Kyla. Happy valentine’s day.” I greeted her.

“Nabigyan ka na ba ni Kai?” Napatahimik kaming tatlo at napatingin sila saken.

“Well, kakarating ko pa lang, so hindi ko pa alam. And okay lang naman kung wala siyang ibibigay eh. It’s really alright with me.” I said and smiled at them.

Anong okay ka diyan Dice? Kunwari ka pa. Hindi talaga yun okay.

So ayun nga, after ng locker incident, dumiretso na kami sa room and I couldn’t find Kai anywhere. Nung recess time naman, wala rin siya — o di siya sumabay saken kasi usually hinihintay niya ako sa stairs. Tapos nakakainggit pa yung iba kong magagandang classmates kasi nga ang dami-daming gifts na dumadating sa room for them. Yung kay Dinvie, nakakalimang teddy bear na siya, isa sa boyfriend niya, apat sa mga nagkakagusto sa kanya. Si Leah naman, may anim nang boxes of chocolates at puro imported pa yun. Si Alexa, okay na yung bulaklak from Gilvard — kumbaga sa mga babae dito sa class or rather sa school, kahit wala nang mga chocolates and teddy bear, basta may flower from Gilvard, kumpleto na ang Valentine’s. I guess my friend deserves someone like him.

Tapos nung hapon na, pauwi na ako, tinanong ko pa si Kyla kung pumasok si Kai, pero sabi niya hindi. Baka tinamad daw o baka nahihiya kasi walang maibigay saken? Ambabaw naman nun. >.<

Maaga akong umuwi since may mga date yung iba. Eh ako naman, dahil nga absent itong partner ko, dumiretso nalang ako sa bahay. Pero habang naglalakad ako sa gilid ng school namen papunta sa bus station, someone held my hand.

As in. And that someone is HIM. <33

“San ka nanggaling? Don’t tell me nagcutting class ka?”

“Hinde ah.” He smiled. “Andun lang kaya ako sa room.”  )

“Eh bakit sabi ni Kyla absent ka daw?”

“Haha! Kinuntsaba ko lang yun. Anyway, tara.” He held my hand and bumalik kami sa school. Hinila niya ako papunta sa isang lugar na super familiar saken.

SOCCER FIELD.

We stood there sa entrance ng soccer stadium at napatingin lang ako sa kanya. Actually, 5 pm na ako lumabas ng school, and bumalik kami mga around 5:30 pm  so medyo madilim na ng pumasok kami sa stadium. Ang ganda pala dito pag gabi. First time ko kasing nakapasok dito na gabi. I mean, nakikita ko na pinapailaw ang malalaking lights, pero hanggang sa labas lang yun. Never pa talaga akong nakapasok dito.

I looked at him and smiled.

“Soccer field.” I whispered habang nakangiti.

“Yeah. Actually, isa ito sa mga pinakapaborito kong lugar.” He smiled na parang nahihiya pa.

“Me too.” Napasinghap ako ng hangin and I let my bag dropped at the ground. Then tumakbo ako sa gitna. Kinuha niya naman yung bola sa gilid ng entrance and ayun nga, kahit nakauniform ako, we played soccer. It was just all fun.

Then nung medyo napagod na kami, we decided to sit down. I sat beside him and siya naman parang naglean pero ginamit niya yung dalawa niyang kamay to support his body from not falling to the ground.

“You know what, I once started hanging out with a girl from the soccer team because of her best friend.” Sabi niya habang nakatingin sa field. Napatingin naman ako sa kanya. “Akala ko, gustong-gusto ko talaga ang kaibigan niya. Pero, everytime na magkasama kami and whenever na nag-uusap kami tungkol sa mga gusto ng kaibigan niya, hindi ko mapigilan ang sarili kong tanungin kung ano ang mga gusto niya.” He paused. Napatahimik lang ako. “Sabi niya, wala raw siyang gustong lalaki, meron daw, pero.. imposible namang magkagusto sa kanya. Naisip ko noon, napakatanga ng lalaking yun na di siya magustuhan.” Bigla akong napangiti. “Sinubukan kong ireto siya sa mga kaibigan kong lalaki, pero kapag naiisip ko palang na kakausapin siya at skaaling bigyan niya ito ng pansin, parang gusto ko nang basagin ang mukha ng mga lalaking yun.” He chuckled softly. “Ang weird no?” He looked at me. “Siguro ganun kita ka gusto or rather.. ganun kita kamahal.”

Napatingin ako sa kanya at napayuko.

“Siguro nga.” I smiled and looked at him. “Ay nga pala, I have a gift for you.” He then smiled and napahalungkat naman ako sa bag ko. “Here.” I said and handed him out the gift. “Hindi ko na pala nabalot kasi marami akong ginawa kagabi.” I smiled.

He looked at the gift and chuckled. “Tayo ba to?”

“H-huh?”

“Ako ba to? Tapos.. ikaw naman to?”

“You can say that.”

“Hahaha!”

“Aiissh. Tawanan ba naman? Ang sama mo.”

“No, I really like it.” He smiled then looked at me again. “Really.” He said in a low serious voice and I super like it when he does that.

Simple lang naman yung binigay ko, keychain. Isang girl and boy. Yung boy may soccer ball sa paa and yung girl naman may umbrella na hawak. So parang ako talaga and siya. Gets? ))

“Nga pala, I also have something for you.” Bigla naman akong napatingin sa kanya. Aba talaga?

Suddenly, may binuksan siyang box at napanganga talaga ako. Hindi ito ring. He stood up and pumunta sa likod ko. He put the silver necklace at my neck.

He then smiled again. “Happy valentine’s.” I looked at him and it’s like ito na nga talaga ang hinihingi ko sa Diyos. Bigla namang kumulog and before we knew it, bumagsak ang malakas na ulan.

…and we kissed..

….under the rain.


Chapter 13

After the thing that had happened nung Valentine’s. Pakiramdam ko, tuwing kasama ko siya, parang gusto ko nalang siya halikan buong araw.  P It feels like I’m always on Cloud 9. Laging nakangiti at laging nakatulala. This isn’t healthy already. Pero halata na talagang blooming na blooming ako.

Pero before I knew it, MARCH na. And alam niyo naman akung anong meron tuwing March diba? For the people na walang idea kung anong meron sa March, well, let me explain it to you. Ito ang mga kinatatakutang buwan ng mga may boyfriend/girlfriend sa senior year level. Siguro naman gets niyo na? Pero kung hindi parin, let’s go straight to the point: HE’S GOING TO GRADUATE, GO TO COLLEGE AND IIWAN AKO DITO SA SCHOOL NA TO NG MAG-ISA AT THERE’S A BIG POSSIBILITY NA PWEDE SIYANG MAKAKITA NG IBA.

Ngayon, gets mo na?

And yes, super takot ako sa buwan na ito. If I can only stop the coming days, gagawin ko talaga. Kaya naman, lagi na naman akong nasa chapel para magdasal kay Lord kung ano ba talaga ang gusto Niyang mangyari sa aming dalawa. Some say, pakawalan ko na lang muna and let him decide after a year, and others naman nagsasabi, just be with him and grab the opportunity. Pero honestly? I’m more on the first one.

Ika nga sa awit, “..my friends keep telling me, that if you really love him, set him free. and when he comes back in time, I know he’s mine. but tell me where do i start, coz it’s breaking my heart, don’t wanna let him go..” Wahahaha. Hanggang sa time lang sana iyan, nadala lang ako. Soorrry. Sorry. Hahaha.

So ayun nga. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kaya naman when I went home at nung gabing yun, I opened my Bible. Bago ako nagbasa, I prayed muna to the Lord and asked Him to give me answers about my dilemma. And when I opened it, dang. I Corinthians 13:4. “Love is patient; love is kind.”

Take note. Love is patient. LOVE IS PATIENT. Does that mean that I should let go of him first? Wait for him… and believe that LOVE IS PATIENT? I believe in God.

Nung gabing yun, pinag-isipan ko talaga yun ng mabuti and I came to a realization that Love is truly patient.

“Uyyy.. gagraduate na siya.” Tukso ko sa kanya.

“Oo nga eh. Di na kita makikita lagi.”

Napatingin ako sa kanya at napangiti.

“Uhmm.. Kai..”

“Hm?” He smiled and natunaw na naman ang puso ko.

“Hmm.. ano na ang mangyayari satin if ever magiging busy ka sa college life mo? If ever na.. di na tayo masyadong magkikita at magkasama? If ever na..” Napahinga ako ng malalim at napatingin sa langit.

“If ever na?”

“If ever.. na may makita kang iba?”

“Makikitang iba?”   He suddenly laughed. “Hindi iyan mangyayari. Bakit pa ako maghahanap if I know the world’s best girl is just right beside me?”

“Tse. Mukha ka nang keso de bola.   Eh bakit noon di mo nakita iyan? I was just beside you always.” Tampo effect.

“Dicee naman eh. Ika nga, ‘what is essential is invisible to the eye’. Para kang 3d noon. I was just looking at the upper part of the picture. I didn’t look deeper kaya di kita kaagad nakita. But when I did, I knew then I wouldn’t let go of you. Unless, kung maririnig ko mismo sa iyo na ayaw mo na sakeen.”

Bigla naman akong napatahimik at nagdalawang isip about sa proposal ko sa kanya. Siguro next time nalang yun. Wag ko na munang sirain yung maganda nameeng usapan. Hahaha. Kilig to the max na naman ako eh.

“Talaga?”

“Talaga.” He then pinched my cheek and smiled again. “Dami mong drama.”

“Hahaha. Nagpapacute lang ako.”

“Kailangan pa ba yun? Cute ka na eh.”

“Hahahaha. I second the motion.”

“Dice.. I love you.” He whispered and super napangiti na naman ako.

“I love you too.”

Then he squeezed my right hand. Napangiti na naman ako.

At may isang panira ng moment ang tumunog.

*Riiiiiiiiiinnnnnnngggggg. *RIIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGG.

I looked at him and he searched for his phone sa pockets niya. When he looked at the screen, biglang kumunot ang kilay niya and looked at it intently. I tried to usyuso kung sino ang tumawag, pero di ko makita ng mabuti. He looked at me as if asking kung ayos lang bang sagutin ko ang phone.

I nodded. He excused himself.

Sino kaya yun?

Napatingin lang ako sa nakatalikod na Kai. Hindi ko alam pero parang may problema. There’s something wrong with that call. After 48 years (OA), bumalik na siya ng may bakas na galit at lungkot sa mga mata. Kaya bigla naman akong nag-alala.

“Ayos ka lang ba?”

“Ayos lang ako. Sorry.” He smiled.

“Ayos daw. Kunwari ka pa.” I teased him. “Sino yun?”

Tumahimik siya sandali. Then napayuko.

“Si Dad.”

“Anong problema?”

“Wala. He just asked me kung kelan daw yung graduation. Yun lang naman.”

“Ows? Eh bakit ganyan mukha mo?”

“Wala lang.”

“Okay then.” I smiled at him and held his hand. “Basta, if you have some problems, feel free to share it to me, ha? Okay?” I smiled sweetly.

He looked at me.

“Okay.”

“Promise?”

“Promise.” He smiled.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s