Under the Rain – Chapter 4 to Chapter 7

Chapter 4

Nabigla ako dun habang hawak-hawak niya parin yung braso ko. And hey, hindi lang ‘hawak’, sobrang higpit ng pagkahawak na parang mapipisa na yung maliit at maganda kong kamay.  / I couldn’t find my voice, nakatingin lang ako sa kanya, trying to read his mind.   Pero wala e. All I can see is anger na ewan kung ano. Anong amin lang to?  | He looked at Aleck so fiercely, kaya nagsimulang maglakad si Aleck palayo. I even looked at Kyla na nandun din sa kabilang room. She just nodded na para bang ‘go ahead..’ as if alam niya kung anong gagawin ni Kai sakin.

Hinila niya ako papunta sa benches dun sa soccer field. Wala na masyadong tao since wala na rin masyadong practice. Ewan ko ba at parang nainis na rin ako. Kinuha ko yung braso ko sa pagkakahawak niya. 

“What?!” I asked na parang naiirita na.

He looked at me and took a deep breath.

“You’re not replying to my messages, you’re not answering your phone! Kapag tumatawag ako, lagi kang may ginagawa or wala sa bahay! Kapag lalapitan kita, lumalayo ka! What’s wrong?!”

What’s wrong?! Is he asking me what’s wrong?! Ikaw! Ako! Si Aleck! Mahal kita, pero ang mahal mo ang kaibigan ko! Yun! Yun yung mali! I’m learning how to let go and now, itatanong mo sakin what’s wrong?!

I looked at him straight in the eyes.

“Nothing.. it’s just that, I’ve been very busy these past few days and – ”

“You’re not. Iniiwasan mo ako. And why’s that?!”

“Hindi kita iniiwasan.. it’s just that.. you’re always with Alexa and..”

“And what?”

“Teka, why do I have to bother to explain to you kung bakit? You’re not my bestfriend or something..” I said and turned to walk away.

But then, he suddenly grabbed my hands and hugged me.

“W-what are you doing?” I asked nervously.

“Diane.. Ikaw ang mahal ko..” he said at bumitaw ako. I pushed him when said those 4 words.

I looked at him in shock.

“Pero diba- si- si- Aleck?”

“Akala ko si Aleck, pero hindi e. Ikaw Diane..”

“H-hindi..” napailing ako ng napailing.

At bago pa siya makapagsalita.. *pak*

“D-diane?” he said habang hinawakan yung pisngi na sinampal ko.

Bigla nalang kaagad napatulo yung mga luha ko. I looked at him with bitterness in the eyes.

“This is not.. a good joke..” I said at tumakbo na palayo.

Grabe.. grabe na talaga to.. Diyos ko, that wasn’t a very good joke. Hindi yun maganda.. mas lalo lang akong nasaktan. Mas lalo lang akong nasaktan, gets niyo?

Mahal niya daw ako? Pero mahal niya rin yung bestfriend ko diba?

Naguguluhan ako..

Yup, tama. Naguguluhan ako. To the point na parang susuko na ang utak ko sa pag-iisa-isa ng mga nangyari. That wasn’t a good joke! Hindi yun maganda! Mas okay na lang siguro sakin na mahulugan ng balde galing sa itaas ng pintuan.. o kaya maslide sa harap ng maraming tao.. o kaya mahulog nalang sa kanal. Mas okay na lang yun, at least..   at least.. mawawala kaagad ang sakit. At least, ipahinga mo lang, makakalimutan mo na kaagad. Pero eto? Etong sakit na nararamdaman ko ngayon? Hindi ko alam kung anong klase to.  Too painful for me to bear.

Tumakbo kaagad ako sa room at kinuha ang bag ko. I just couldn’t cry up here. I would look so -vulnerable. Kaya naman tumakbo na ulet ako papunta sa gate at naglakad ng mabilis. I even saw Kyla smiling sa kabilang kanto, she even waved at me. Pero masyado ng blurry yung vision ko kaya hindi na ako nakapagwave. She looked so happy na nag-usap kami ni Kai. As if, alam niya kung anong gagawin ni Kai at alam niya kung anong magiging reaction ko. Pumara na kaagad ako ng jeep at sa hindi ko na mapigilan, sabay ng pagbagsak ng ulan ang pagbagsak ng mga luha ko.

I buried my face under my hanky. Iyak ako ng iyak ng may kumalabit sa gilid ko.   Bigla naman akong napatingin.

“Ineng.. nagbreak ba kayo ng boyplen mo?” tanong ng isang matandang babae.

Tiningnan ko lang siya habang namuo ulit ang luha sa mata ko.

“H-hindi po..”

“Eh ganun naman pala e.. tumahan kana diyan..” sabi niya sakin.

“O-opo..” Then napatingin ako sa kabilang upuan. Marami na pala yung mga tao at lahat sila nakatingin sakin.

Pkiramdam ko, pwede na akong maglaho nung oras na yun.

Nang makarating ako sa bahay, walang tao. May naiwang sulat lang si Mama na bukas pa daw yung balik niya from a business trip, at may pagkain na daw sa ref, initin ko nalang daw sa microwave. I opened the fridge to check kung ano, meron nga kaya sinirado ko nalang ulit ito at umakyat sa kwarto.

Nahiga ako sa kama with my arms wide open. Inisa-isa yung mga sinabi niya sakin. Bigla ko naman naramdaman yung pagtulo ng mga luha ko. Leche..

Peor diba ito naman yung gusto ko? Yung sabihin niyang mahal niya ako? Diba? Diba? Pero bakit ganito Dahil alam kung hindi pwede? Dahil alam kong masasaktan ang bestfriend ko kung papatulan ko ang lalaking mahal niya – na mahal ko din?

Kinaumagahan, halatang mapula-pula pa yung mata ko. Kaya naman dinala ko yung Visine ko para kunwari may inaallergy lang ako. Meron bang allergy na para sa mata? Ah.. bahala na..

“Dice..”

“Hi Ky! Goodmorning!”

“G-goodmorning..”

“Sige, una na muna ako..” ngiti-ngiti lang.. para walang makahalata ng pula mong mata.

Papunta na sana ako ng cr ng may narinig akong sigawan.

“What was that all about yesterday?!”

“Wala ka na dun!”

“You like her?!”

“No!”

“So ano?!”

“I don’t like her.. so stop it!”

Nabigla ako at umalis na.

“I love her..”


 

Chapter 5

Nabigla ako sa narinig ko. Woah, great Diane. You just heard what you really wanna hear. Now alam mo na he’s just playing games with you.  Ngayon alam mo na hindi naman talaga pala siya perpekto – hindi siya yung lalaking inaasahan mong maging siya. Pakiramdam ko, bubuhos yung mga luha sa mata ko. I ran as fast as I could palayo sa lugar na yun. I heard enough – enough to make me say he’s a liar.

Dumiretso ako sa classroom at umupo na kaagad sa desk ko. Sobrang pagpipigil na talaga yung ginagawa ko para di tumulo yung mga luha. Bakit ayokong umiyak? Andito ako sa room – i don’t want the whole class to see that Diane is crying. I don’t wanna look vulnerable. At kapag umiyak ako, tatanungin ako nila, bakit ako umiiyak. Ano isasagot ko? Dahil nalaman kong hindi ako gusto ni Francis Kai Monteverde? Na nang narinig ko yun, pakiramdam ko, binagsakan ako ng langit at lupa? Great. Pinikit ko nalang ang mata ko para di nila mahalata ang mga luhang namumuo sa mata ko.

“Hoy Dice, ano problema mo?” bulong saken ng seatmate ko na si Harold.

“W-wala naman.. bakit?” I forced a smile.

“Ang pula ng mata mo.. masakit ba?”

Bigla naman akong nataranta. Masakit?  Oo masakit. Sobra. Pero bigla nalang akong napaisip, ano nga ba tinatanong nito? Masakit ang marinig yun o masakit lang ang mata ko?

“M-masakit ang?”

“Ang mata mo..”

“Ah.. di naman masyado.. Napuwing lang ako kanina..”

“Ahh, sige.. Ingat-ingat nalang..” sabi niya at nagsimula na namang magdrawing.

Tiningnan ko lang si Harold. Buti pa siya, walang iniisip na kung ano-ano. Pag nakahawak siya ng ballpen at papel, tama na. Masaya na ang mundo niya kasama yung mga bagay na yun.

Then napangiti ako sa sarili ko. Ang tanga mo kase Diane. Ang tanga-tanga mo. Akala mo siguro mamahalin ka nang isang Kai Monteverde ano? Hindi na yun mangyayari. Isipin mo nalang yung nangyari kahapon, panaginip lang. Isang magandang panaginip. And the best part was – kaw ang bida. Kaya makuntento ka na dapat.

Tumingin ako sa labas dun sa alley. Tinitingnan ko kung maraming tao yung tumatambay. Pupunta sana ako ng cr para icheck yung mata ko. I saw Alexa crying. Nabigla ako since dapat masaya siya. Dapat ako yung todong umiiyak ngayon. WTH – ano ginawa ni Kai?!

Tatakbo na sana ako sa kanya when our professor entered the room. Nagsign siya na maupo na yung lahat. Alexa sat at her own desk 3 seats away from me. Ako naman, nagwoworry kung bakit siya umiyak. Kahit yung mga classmates ko nagbubulong-bulungan na sa likod. They even passed me notes kung bakit daw umiiyak ang bestie ko. I just answered them – mind your own business.

Napaisip na lang ako, what could be probably the reason why she cried.

“Diane!” muntik na akong mapatalon when I heard a loud tap at my desk. Gosh, it’s Mr. Santillan. “As I was saying, the body is present but the mind is absent. Now class, who do you think will be the best example?”

I looked at the class and they’re all looking at me, then they shouted, Diane!

Wow, great. Thanks. I stood up and smiled.

“Wow, thank you classmates. Thank you fans! Keep supporting..” I said and glared at Mr. Santillan then flashed a sweet smile.

Haha, kung nakita niyo lang yung reaction niya nung naghiyawan ang mga classmates ko at umupo ako – matatawa ka. I hate this man – kaya naman bad girl ako pag nasa class niya ako. Lagi nalang ako ang nakikita.

Makikinig na sana ako when I saw Alexa stared at me. That look – is a familiar one.

Pagkatapos ng class, pumunta ako sa upuan niya and kneeled down since she’s sitting. I held her hand and asked.

“Why did you cry? Are you okay?”  I asked.

Walang response, she just cried.

“Aleck.. what’s wrong? Hoy..” nininerbiyos na talaga ako. “Aleck? Ano ba? What’s wrong?”

She wiped her tears and faced me.

“Do you really know what’s wrong?!”  she shouted.

Gosh, easy lang. Lahat ng classmates ko napalingon samin.

“Y-yeah.”

“Ikaw! Ikaw ang problema!”   she cried again.

“A-ako?”

“Oo, ikaw! He likes you… he likes you a lot..”

“Sino?”

“Wag ka nang mag-maangmaangan na hindi mo alam kung sino yung tinutukoy ko! I thought you’re my bestfriend..”

Okay, nawiwindang utak ko. Hindi naman pwedeng si Kai yun since kakarinig ko lang na hindi niya ako gusto. Diba? A-agree kayo diba?

Lahat na ng classmates ko nakatingin samin. Yung iba nagsimula nang magbulungan. Pati yung studyante ng ibang sections, nakichismis narin.

“H-hindi ko talaga alam ang sinasabi mo Alex..”

“You see?” humarap siya sa mga tao. “My bestfriend, is a traitor. My bestfriend.. loves my boyfriend.. and my bestfriend.. snatched him away from me!”

Nabigla ako sa sinabi niya. How could.. how could she do that? Alam nating lahat na hindi ko siya inagaw sa kanya. Alam nating lahat na pinigilan ko ang sarili ko para maging masaya sila diba? Pero.. pero bakit ganito?

“No.. I didn’t. H-hindi ko siya inagaw sa iyo.. hindi kita tinraydor.. Alexa..”

My tears started to flow from my eyes. I looked at her in shock – hindi ko yun ginawa.

“I hate you..” she said while crying. Umangat yung kamay niya at napapikit nalang ako. I don’t deserve this.. pero para sa kanya – sige, if that’ll make her feel alright.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Then I saw Kyla. She was holding alexa’s hand.

“You don’t have any right to slap her.” Kyla said.

Alexa looked at her na parang kinamumuhian narin nito si Kyla.

“Kyla..”

“Remember that – hindi mo alam kung anong pinagdaanan ng kaibigan mo para sa iyo.”

“You don’t even know what’s the story..” Alexa said.

“Yes I do. Mas alam ko pa kung anong nangyayari kesa sa iyo.”

“Kyla, just leave-”

“If you want, we can talk with Kai himself.”

“Shut up!”

“No, you shut up Alexa.

…coz you don’t have any right to make a say about this topic.”


Chapter 6

Pulang-pula na si Alexa sa galit. Si Kyla naman hawak parin ang kamay nito. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pinikit ko ang mata ko, nagbabakasakaling panaginip lang ito lahat. Pero nang imulat ko ulit, ganun parin at walang pagbabago.

My vision was blurry. Pakiramdam ko, umiikot na nun ang mga tao at ang paligid. Until..

Marami akong naririnig na boses. Pakiramdam ko, sobrang busy nila na hindi nila ako naririnig. I tried to open my eyes pero ewan ko at bakit hindi ko mamulat. Siguro nga, pagod na talaga siya sa nakikitang mga bagay na nakaksakit dito o –> <3.

“Kyla?”

“Are you alright?”

“Yeah.. did I.. did I collapse?”

“Oo.. haayy.. nakakainis talaga..”

“Ayos lang yun.. thanks pala ha..”

“Oh.. Kai brought you here.”

“Huh?”

“He did. Hmm, nabigla nga ako. Basta, nung natumba ka, bigla nalang siyang lumabas kung saan and carried you papunta dito.”

“Ahh.. pakisabi nalang thank you.”

“You’re afraid, right?”

I just looked at her.

“Takot ka sa pwedeng mangyari sa inyong tatlo no?”

“Oo.. takot akong masira ang friendship namin ni Alex.. takot rin naman akong mawala siya sakin..”

Pakiramdam ko, bigla namang kumurot and puso ko. Well, wala akong magagawa. That’s fate. That’s our fate. Hindi magiging kami kahit na kailan.

“You’re crying again..” Kyla said while wiping my tears.

“Sobrang nasasaktan na ako e..”

“Well, that’s love. Hindi yan kumpleto kapag hindi ka nasaktan.”

“You’re right.” I smiled.

“He’s outside. Usap kayo, okay?”

“But-”

Bago pa ako makapagsalita, she went out na. I wiped my tears and displayed a smile.

“Ayos ka lang?” he said at umupo sa gilid ko.

“Yeah, thank you nga pala.”

“I’m sorry.”

“Sorry for what?”

“I told her..”

“Told her what?”

“I love you.”

“Huh?! but you.. but you just said.. you don’t like me and..”

“You heard it?”

“Well, yeah.. Sorry..”

“Well, you weren’t listening enough. I don’t like you, because I love you.”

Pakiramdam ko hindi na ako makahinga. Halo-halo na yung nararamdaman ko. Takot, kaba, saya, nerbyos.. hindi ko na alam. Sobrang nalilito na ako.

“How can you say that?” I said as tears filled my eyes again.

“You really wanna know? Pano naman kasi.. tuwing magkasama kami ng bestfriend mo, ikaw ang pumapasok sa isip ko, kung kelan kita ulit makakausap. Kung kelan ko ulit makikita yung ngiti mo. Kung kelan ko ulit maririnig ang mga tawa mo. Ikaw yung lagi kong naiisip Diane. Alam kong hindi dapat, pero.. hindi ko alam kung bakit ganito ako. I texted you many times, pero di ka naman nagrereply. I called you, pero lagi kang may ginagawa. I felt I’m going insane.” he said while holding my right hand.

I looked at him kung sincere nga siya sa mga sinasabi niya. And yeah, ni isang bakas ng kasinungalingan, wala akong nakita. Huminga ako ng malalim at inalis ang pagkakatingin ko palayo sa kanya.

“Diane.. tatanungin kita..”

“Ano?”

“May pag-asa bang mamahalin mo ako?”

Nabigla ako sa itinanong niya. Ha? Ano sasabihin ko?

“Pero.. hindi pwede-”

“Ang tinanong ko lang, may pag-asa bang matutunan mokong mahalin?”

Ito na ba yung oras na dapat akong magpakatotoo sa sarili at sa puso ko? Siguro.. this time, ako naman.

“Oo, mahal kita..”


 

Chapter 7

“Oo.. mahal kita..” bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun.  But somehow, I felt good. Nailabas ko na yung gusto kong sabihin simula pa noon. And it really felt good.

I saw him smile and he hugged me. For a moment at least, pakiramdam ko, wala akong problema. For a moment at least, I felt na wala akong bestfriend na nainlove din sa kanya.

Pero alam ko, and I’m fully aware na mawawala rin itong pakiramdam na ito.  As they’ve said, reality is painful. And yeah, tagos na tagos talaga yun sakin.

And before I knew it, kumalat na sa school na nakipagyakapan daw ako sa boyfriend ng bestfriend ko. Every time na dumadaan ako ng hall, lagi silang nagbubulungan. Si Alexa, di na ako kinakausap. Kahit yung iba kong friends, lumalayo na sakin.

Kung alam lang nila kung anong ginawa ko noon para sa kaibigan ko. Kung alam lang nila iyon! Sa totoo lang, parang gusto ko silang lahat sabunutan at sabihin kung anong pagpaparaya ang ginawa ko para maging masaya ang kaibigan ko e. Pero hindi pwede, kaya tumahimik nalang ako at sinalo lahat ng panunumbat at tingin ng mga taong yun. Si Kyla.. si Kyla ang pinaka grabe sa lahat. Kasi kahit ganun na yung trato ng iba sakin, nandiyan parin siya sa tabi ko.

Alam niya kasi kung anong ginawa ko. Alam niya kasi yung storya talaga sa likod ng lahat ng pangyayaring ito. Si Kai naman lapit ng lapit sakin para daw makita ng tao na hindi ako ang naghahabol sa kanya. Siya daw yung may gustong gawin ito at wala daw akong planong masama sa bestfriend ko.

“I really think na wag ka na munang pumasok sa eksena.” sabi ko kay Kai isang araw while he was walking me home.

“W-why?”

“Mas lalo lang gugulo yung pangyayari e. Better keep a distance from me muna.”

“But-”

“I’ll face this on my own.”

“Pero diba-”

“Come on.. kaya ko to? Okay?”

“Pero hindi naman ata pwedeng iwan nalang-”

“Do you trust me?”

He just looked at me.

“Kai? Do you trust me?”

“Pero Dice..”

“Do you trust me?”

“Yeah.”

Masakit man sabihin ito, pero kailangan.

“Then leave me alone..”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s