Under the Rain – Chapter 8 to Chapter 10

Chapter 8

Kai’s POV

..then leave me alone.

Parang nanigas ako sa sinabi niya. Ni hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang sinabi niya yun. Leave her alone?! Is she kidding me? After all nang mga pinasok ko? Pababayaan ko nalang siyang makitungo ng mag-isa dun sa mga taong walang alam sa mga nangyayari?! 

“Hindi. Ayoko.”

I saw anger in her eyes. Halatang nasasaktan siya at nagagalit. Pero pinipigilan niya ito.

“Ano kaba? Para to sa iyo, sa akin at sa kaibigan ko. Kung gusto mong maging maligaya ako, leave me alone.”

“What’s the point? What’s the point of leaving you alone Diane?” I asked.

Tama naman diba? Nag-umpisa na eh. Ano pang punto na dapat ko siyang layuan, diba? I’ve been in that situation for almost two months habang kami ni Alexa. And, when she said she loves me, pakiramdam ko, yun na yung pinakamasayang araw ko. And bakit ganito na naman ngayon?

“I don’t want our friendship to mess up! Do you get me? She’s my bestfriend.. since God knows when.. and.. I just.. i just don’t wanna lose her.” she said crying.

No, hindi ko gustong papiliin siya saming dalawa ng bestfriend niya. I know what she feels. And i don’t wanna act like a jerk here.

“Okay..” I said softly and hugged her. “If that’s what you want..”

Niyakap ko siya na parang di ko siya kayang mawala. Magtitiis ako, Diane. Magtitiis ako para sa iyo. Para sating dalawa.

“I just want you to know na hindi magbabago ang nararamdaman ko ngayon para sa iyo kahit kailan.”

She looked up to me and smiled. I wiped her tears and smiled too.

“Aja?”

“Aja!” she laughed.

Hinatid ko siya sa sakayan ng jeep. She waved at umalis narin ako para sumakay din sa jeep sa kabilang kanto. Nakita ko si Alexa na nasa Mcdonalds kumakain ng mag-isa. She looked so lost. Kaya naman nilapitan ko siya. Honestly, I really wanna talk to her about the things happening. Gusto kong sabihin sa kanya na walang kasalanan si Diane. Ako ang dapat sisihin dito. But then, I can’t help feeling sorry for her.

Lumapit ako..

“Sira na..”

Napatigil ako at napatingin kay Alexa.

“Lex..”

“Ano pa bang gusto mo?” sabi niya sakin ng makaupo ako sa harapan niya. “Sira na ang pagiging magkaibigan namin ni Dice. Ano pa ba?” tanong niya sakin sa marahang pananalita.

“I did not mean to hurt any of you-”

“Hindi mo sinadya? Then anong tawag mo dun? Kung sana nagpakatotoo ka lang, sana walang nasasaktan ngayon. Kung sana nung una palang, sinabi mo nang siya ang mahal mo, sana.. sana hindi ko siya nakikitang nasasaktan ngayon. Sana.. sana yun nalang.” Dahan-dahan namang tumulo ang mga luha niya sa mata.

“I’m really sorry.” Yun nalang ang nasabi ko. “I’ve tried my best na walang masaktan sa inyo, but it’s just killing me. And this is all I could say. I’m really sorry.”

Tiningnan niya ako sa mata at kitang-kita ko ang galit at sakit.

“I just..I’m sorry.” sabi niya at tumayo. Bigla naman akong napatayo pero mabilis siyang nakalabas sa establishment. Kaya naiwan akong nakatayo dun mag-isa at pinagtitinginan ng mga tao.

Huminga ako ng malalim at umuwi narin.

[End of Kai’s POV]


Chapter 9

When we parted ways, isa lang yung nasa isip ko. Magiging maayos ang lahat. One week na kaming di nag-uusap ni Kai sa school o kahit saan. Pakiramdam ko, tulad lang kami ng dati – walang pakialamanan sa isa at isa. The only difference now is that even though we act like this, I know in the back of my mind, we both feel the same way with each other.

“Earth to Diane?” tanong ng katabi kong babae sa klase.

“Hm?”

“The teacher is asking you a question.” Bulong niya sakin. Bigla naman akong napaharap kay Ms. Aguasa.

“Yes, Miss?”

She looked at me sternly.

“Diane, is there something wrong?” she asked.

“W-wala naman po.”

“You weren’t listening. It’s like your body is here, but your mind is drifting away to Pluto.” she said.

“I’m sorry. Masyado lang po kasi akong stressed these days. Lapit na po kasi yung interschool games sa soccer.”

“Okay.” she said. “Sit down then.” Umupo naman ako at ngumiti sa kanya. Nakakahiya naman yun. Pagkatapos nun, dumiretso na ako sa locker ko para ibalik yung mga librong dala ko at para makauwi na kaagad.

“Can we talk?” Muntik na akong mapatalon ng makita ko si Alexa sa gilid ko leaning on the closed lockers.

“Lex-“”Just give me.. 5 minutes.” She said and smiled softly.

“Uhm.” I nodded and followed her down to the amphitheatre.

Nang makaupo kami, ni isa samin walang nagsalita. Tumingala ako sa langit habang nakikinig sa pagtibok ng puso ko. Siguro dahil nadin sa nerbyos o takot sa pwede naming mapag-usapan.

“Alex-”

“Dice-” she chuckled. “Mauuna na ako.” she said. “Dice.. alam kong when ‘you know’ came between us.. things got rough and well.. we have said enough hurtful words with each other. ”

“Alexa..” I slowly smiled.

“I still hope na we can fix this.” She held my right hand and squeezed it softly. “Siguro.. hindi na tayo magiging katulad noon, pero we will still be friends right? Pareho lang tayong nasaktan and.. i just have to accept na ikaw ang pinili niya. So.. are we still cool?”

And before I could answer, tumulo na ang mga luha sa mata ko and I hugged her.

“Of course. Ikaw parin ang bestfriend ko.” I said.

“Yeah..humanda sila kapag may narinig pa ako tungkol sa iyo.” she smiled.


Chapter 10

Pagkatapos naming mag-usap ni Alexa, naging okay narin ang lahat. She told me too na okay na sila ni Kai. They’re cool kasi nakapag-usap narin sila. What matters most daw is our friendship. Hindi mo lang alam kung ganu ako kasaya ngayon. Parang eto na yung mga sagot sa aking mga dasal noon. Kaya pala hindi kinuha ng Diyos ang nararamdaman ko para sa kanya, kasi meron pa palang nakalaan para samin. Ahihihi. Super duper happy ako.

FEBRUARY —– Month of Lalalala…love.

Syempre, eto yung pinakahihintay kong buwan sa lahat simula nang naging kami ni Kai — officially. Eh kung kayo nga na matagal nang may boyfriends super excited sa buwang ito, ako pa kaya na first time kong magkaroon? Hihi. Gets niyo? I mean, inocente ako sa mga ganito kaya naeexcite ako kung anong gagawin ni Kai for me.. for us. Yung parang ganun? ^______^

“Hmm, anong gagawin mo sa 14?” Uyyy, tinatanong ako.

“Wala naman. Siguro nasa bahay lang.” Pwera nalang kung yayayain mo ko.

“Ahhh. Ganun ba.”

“Yeeah.”

Silence. Silence. Silence.

“Dice, una na muna ako ha? May quiz pa sa Calculus eh.” He said at tumayo from his seat.

Napaangat naman ako ng mukha at napangiti sa kanya.

“Sige. Ingat sa pag-akyat.” Sabi ko. Then he gazed at me for what seems like 10 seconds then he smiled again. Yung parang smile na may tinatagong whatever. Hay nako, yang mga ngiti niyang nakakatunaw ng puso.

“Sige, ngiti-ngiti ka lang diyan.” sabi ko at nagpout.

“Eto naman, tinitignan lang nga.”

“Hahaha. Alis na nga, baka mabagsak ka pa mamaya sa quiz mo.”

“Haha. Tama. Baka ikaw pa ang masagot ko.” Tumawa nalang ako. Then he started walking away from me. Cheesy pero nakakakilig. XD Hayaan niyo na muna ako.

Bigla namang may bumulagang daga sa gilid ko. Si Beulah pala.

“Diiiiiicccccceeeee!! Anong plano niyo ni fafa Kai sa 14?”

“Huh? Wala naman.”

“Anong wala?!” bulalas naman ni Hanie. “Eh kung walain kita diyan?!”

“Eh wala naman talaga. He just asked me kung anong gagawin ko sa 14.”

“Eh ano sabi mo?” tanong ni Alexa.

“Wala naman. Sabi ko, sa bahay lang ako.”

“May dinugtong ka naman sa sagot mo diba?” She asked again smiling.

“Well.. yeeeee..no.”

“Wala?! Wala kang dinugtong like, ‘hmm, pwera nalang kung lalabas tayo’ or anything like, ‘pero para sa iyo, lalabas ako’. Walang ganung effect?” tanong ni  Beulah ulit.

“Wwuuuuala.” I smiled.

“Oh my goodness! Anong meron sa inyo?!”

“Uy girls, baka naman surprise iyan? You know. Yung katulad kay Brian noon na sinorpresa ako ng flowers and a dinner for two sa Enrico’s. Remember?” She looked dreamy na when she asked us.

Bigla naman siyang hinampas ni Alexa sa kamay.

“Ano ka ba, Hanie? He surprised you because you asked him to. Duh.” Sabi ni Alexa and we all laughed. Nagpout lang si Hanie.

“You bursted my bubble. Youuuu..”

“Haha, I’m just kidding.” Then Alexa looked at me again. “But you have to give him a gift too.”

“Huh? Gift?”

They all shook her head.

“You are one innocent girl.” They all chorused.

“Yeah, I am.” I grinned.

“Kelangan mo rin siyang bigyan ng gift.” Sabi ni Beulah. “Alam mo naman siguro gusto niya diba?”

Napatulala naman ako sa kanilang tatlo. Ano ba itong pinagsasabi nila?

“Saka na. Matagal pa naman yan eh.”

Bigla naman silang napatingin ulit sakin.

“What?”

“Anong matagal?! It’s in three days!”

“Omo.”

I’m dead.

GIFT. GIFT. GIFT. What will I give him naman?

Nung hapon na, sumabay sakin si Kai pauwi. We were walking papuntang bus station when he suddenly grabbed and held my hand. Kilig to the bones na naman ang lola niyo. Napatingin ako sa kamay namin while smiling. Siguro tometo na mukha ko ngayon. He suddenly looked at me too, stared at our hands and smiled again.

“I wish we’d be like this forever.” Sabi niya habang inangat ng konti yung kamay namin.

“Yeeaah.” I smiled.

“It really feels right.”

“Yeeaah.”

“And I love you.” He mouthed to me.

I signed a “two” sign at my fingers. It looks like a peace sign too. It means, “I love you too”. Then we laughed. Tapos ayun, sumakay na kami sa jeep and bumaba sa street papasok sa village na tinitirhan ko.

Welcome naman siya sa bahay kasi nakapunta na siya dun at nakapag-usap na sila ni Mama. Super nerbyos ako nun nang pumunta siya sa bahay. Pakiramdam ko hindi ako makahinga kasi nga takot na takot ako kay Mama. Baka sabunutan niya ako and all. Pero nung umakyat ako at nagbihis, pagbaba ko, may narinig akong mga malulutong na tawa. Aba, nagclick kaagad ang madir at si Kai ko. Hindi ko alam kung sino ang nakisabay. Si Mama ba o si Kai? Haha. Si Biboy naman, remember him? Si Biboy naman kavibes din siya. May pakuya-kuya na ngang nalalaman eh. Crush ata si Kai at laging nagpapacute. NIAHAHAH. So in short, welcome na siya dito sa bahay.

“Good evening po Tita.”

“Good evening iho.”

“Hinatid ko lang po si Dice.”

“Good evening Ma.”

“Hello Kuya Kai.” Bati naman ni Biboy sakanya.

“Tse, alis nga dito. Nagpapacute ka naman eh.”

“Hello po Kuya Kai.” Inulit niya ulit habang nakatingin lang kay Kai. When he does that, it’s like saying, ‘tse, di kita kinakausap, si KAI ang kinakausap ko’.

“Uh, hello Biboy. Natapos mo na ba yung binigay kong game sa iyo?”

“Nasa level 7 palang po ako.”

UGH. There they go again with their PS2 games chenes.

“Ah, nga pala Kai. Dito ka na magdinner. Magdidinner na kami maya-maya.”

Bigla naman akong napatigil at napatingin kay Kai. Napatingin din saken si Kai.

“Naku, wag na po. Uuwi rin naman po ako kaagad. Baka hinahanap narin po ako samen.”

“Ay hinde! Wag hindian ang pagkain. Give me your Mom’s number and I’ll call her.”

“Uhmm.. Tita kasi..”

“Don’t be shy iho. Minsan lang naman ako nagluluto eh. Tsaka this is a new food that I’ve tried out from the recipe. See?”

“But Mom?” sabi ko habang sinisenyasan si Kai na umalis na.

“Iho?”

“Mom?”

“Uhm, sige po Tita.” He smiled and winked at me.

UGH. Okay, so my mother’s not good at the kitchen. Kaya medyo nininerbyos ako. And kung pano ako nakakakain? Hmm, nagpapadeliver lang kami sa bahay or bumibili ng cooked foods. Then, microwave microwave nalang kaagad. Baka malason nito si Kai. LOL.

“I’ll call your Mom na.”

Nilagay ni Kai yung bags namin sa sofa and umupo na kami dun sa table since kakain na raw kami sabi ni Mama while she ran to get the phone to call Kai’s mom. When she went back, she suddenly said something that made me really, really nervous.

“Bukas, ikaw naman daw punta sa bahay nila.”

I beg your pardon?  Did I hear what Mom just said right? Oh no!

Bigla akong napatingin kay Kai like asking him, ‘what the hell is she talking about?’ He just smiled and parang dun ko naisip na baka napagplanuhan na ito nilang dalawa. Oh kill me! I’d rather be dead than meet his family.

“And uh, don’t say no.” Mom said and she smiled.

Napakunot nalang ako ng kilay at napatahimik. Hala, kaloka to. Imagine, I’ll spent my dinner at their house tomorrow? I mean, ayos lang ang kumain. Pero with that, kelangan ko ring makipag-interact sa family niya. Omo, nakakatakot na talaga ito. Ayoooookkkoooo!

“Okay, let’s eat.” Mom said after the prayer and we ate.

Bigla na naman akong napatigil at napatingin sa spoon ko. Ano meron dito? Bigla ring napatigil si Kai at napatingin sa sinubo niyang spoon. He just smiled and went on eating. Wow. How could he do that? I mean, to be honest, super yuck ng food na niluto ni Mama. Parang ang super maalat na may halong katamisan na parang bitter. Hindi ko maexplain.

“Uhm.. ma?” Finally, mukang magkakaroon ng lakas si Biboy ah.

“Yeah?”

“Try eating the food you cooked.” He said and smiled.

Napatingin naman si Mama saming tatlo.

“Ugh. Okay, I think I’d better call Pizza Hut.” She said. “Agree?”

Nag-alangan pa kaming sumagot pero syempre, we have to answer.

“Yeee…ah.” I said and grinned at her. Ganun din yung ginawa ni Kai and ni Biboy. So ayun nga, Mom ran to the phone again and told us to wait nalang daw for a little more.

Nagbihis naman muna ako ng pambahay. Then we went outside, dun sa likod ng bahay kung nasan yung outside veranda ng bahay. We sat at the swing and I asked Kai about what Mom said kanina.

“Plano niyo na yun no?”

“Hindi ah.” he grinned.

Hinampas ko naman siya ng mahina and I smiled.

“Sige, sige, lokohin mo pa ako.” Sabi ko and pouted.

“Eto naman. Well, actually, di mo ba alam na magkakilala si Mama and si Mommy ko?” he said seriously.

“Ha-ha! That’s funny.” Sarcasm noted.

“Di ka naniniwala ano? Really. They’ve been college friends daw. Sabi ni Mommy sakin, naging classmate niya daw sa P.E ang mommy mo.”

“As in sa Ateneo?” I asked habang nakataas ang isang kilay.

“Yeah.” He said seriously naman.

“Ahhh, ganun ba?” Silence. “Eh pero teka, pano iyan bukas?”

“Just go with me.” He smiled. “Everything’s gonna be fine.”

“Pero-”

“Ayos lang naman si Mommy. In fact, she’s kind of excited to see you. Nakwento ko na kasi sa kanya ang mga nangyari. And yun nga, magkakilala sila ni Mama mo kaya mas naging excited siya.”

“It’s not that.” Napakagat ako ng labi at napayuko.

“Uhmm, if you’re worrying about what they will say to you, no problem. They’ll like you as much as I do.” He said again smiling.

I know Kai’s just trying to make me feel better. Pero hindi ko alam kung bakit nininerbyos talaga ako. It’s as if natatakot nga talaga sa mga pwede nilang masabi tungkol sa akin.

“Ayos ba?”

“Uhm.” Napatango nalang ako at napangiti sa kanya.

“Buti naman.” He smiled again.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s