Under the Rain – Prologue

Prologue

Whenever I see the rain falling down from the sky, I couldn’t stop my tears from streaming down. I was under that rain when I first saw you, I was under that rain when you first talked to me, and I was under that rain, when I decided to let go of you. 

I was in 2nd year highschool when I first saw him. He was walking down at the corridor. Ako naman e nakatayo dun sa kabilang building with my pink umbrella on. Even though he’s a transferee, marami na kaagad nakadiskubre ng handsome face niya. Kaya naman mabilis kumalat sa school na maraming nagkakagusto sa kanya. He’s a junior then. He’s not only handsome, mabait din daw siya at matalino and gentleman – in short, perfect guy for every girl.

And unfortunately, isa ako sa mga babaeng nagkagusto sa kanya.50 % ata yung tinaas ng members sa girls’ soccer team – dahil sa kanya. Kaya naman nung kinulit ako ni Freya na sumali sa soccer club, edi sumali na rin ako. At least, kahit papano, may irarason akong hindi si Kai yung sadya ko sa soccer club kundi yung pangungulit n Freya. Hindi kasi ako yung tipo ng girl na nakikisabay sa flavor of the month ng mga babae sa school. kaya naman, nakakahiya pag nalaman nilang may gusto din ako kay Kai Francis Monteverde. Dapat ako lang talaga makaalam na gusto ko siya. Ako lang.

“Aba, nakisali ka na rin ah.” sabi naman ni Kyla.

Etong si Kyla junior din. Simula pa ata ng bata to, nagsisipa-sipa na ng bola ng soccer e. Alam niya rin kasing hindi nga ako ang tipo ng babaeng nakikisabay, kaya siguro nabigla ng makita ako sa field kasama yung ibang mga babae.

Ngumiti lang ako at sinabing kinulit lang ako ni Freya e. Kaya ayun, tumawa-tawa lang at umalis na rin kasi pinatawag sila ng coach.

Tingin ako ng tingin sa gilid at baka mapalingon dito si Kai. Tange! Bakit naman mapapalingon saiyo si Kai? he’s too good for you. Napakguwapo niya and marami pa siyang girls na makikilalang magagnda, at ikaw Marj? Sino ka lang? Just another girl na naghihintay na mapansin niya! loka! Wag ka nang mag-ambisyon!

“Garcia! Kanina pa kita tinatawag!” narinig kong sigaw ni Sir Goods.

Siniko naman ako ng katabi kong babae. Kaya napatakbo nalang ako dun sa kinatatayuan ni Sir.

“S-sir?”

“Pakisign nalang po dito Miss.” sabi namn ng isang lalaki from men’s soccer team.

Mabilis ko namang kinuha ang bolpen at nagsign ng sig ko.

“Thank you!” sabi ng lalaki.

“Welcome.” sabi ko at bumalik sa linya.

Nagclap ng hands si Sir at sumigaw na magsisimula na daw yung training.

Naisip ko lang.. tama ba talaga itong napasukan ko?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s