Words – Prologue

[Mish]

They said, I’m perfect, having all the things that I wanted. But never in my life, I said that to myself. They just don’t know the truth behind my lovely face. HIndi nila alam ang lahat ng nararamdaman ko. They have no idea what I’m going through.

Mom: Mish? 

Tiptoe..tiptoe..tiptoe..

Bigla niya na lang hinila yung buhok kong super ganda, talo pa ang mga commercial model ng  cream silk. Kala nila ha..

Ako: Yep? Okay, Im so sorry for everighthing! Hindi ko sinasadya na lagyan ng asin este iodized salt yung kape ni Mr. Garriel. I really never noticed that it was an iodized salt.

Mom: Loka! I have something to talk about with you.

Ako: Mom, I’m really sorry. Alam mo namang wala akong common sense.

Mom: Hayaan mo na yun. Although, im still galit ng konti sa iyo. Napahiya tuloy ako kay Mr. Garriel. But then, that was settled already. He just laughed it off.

Ako: Ay, mabait..

Mom: Did you say something?

Ako: Wala ah..so, what were you saying again?

Mom: Oh yeah, I have something to talk about with you.

Ano nga iyon?! joke!  

Ako: What?

Mom: Wag ka ngang magpacute!

Ako: Sus, dati na akong cute. Is it my fault that pinanganak akong cute? And may I ask you again kung sino ang pinagmanahan ko?

Mom: Of course, like mother like daughter.

Ako: Korek!

Mom: Tigilan mo na ako Michelle ha? Kanina ka pa. Let’s be serious here.

Ako: Serious daw.. Okay, so what’s that all about?

Mom: Your dad called me. You have to transfer school na daw.

Ako: Ano?! Are you insane?!  I mean.. I mean, Mom?! Give me a valid reason para itransfer pa ako?!

Mom: Your dad decided to shift your course.

Ako: Shift? 2nd year na ako ah! Kalagitnaan na ako ng course ko. And besides, mahal ko ang course ko!

Mom: We have nothing to do with it. That’s a command from your dad.

Ako: Bakit? Is he God na dapat sundin sa lahat ng bagay? Kala niyo ha.. yoko nga!

After kong magdrama, dumiretso kaagad ako sa kwarto. As in, yeah, walk out. Walk out queen ako e. Masira pa beauty ko dun sa kakasigaw sa Ina ko no. Buti ng ganito. And kapag si Dad naman talaga yung nagbibigay ng utos, wala na kaming magagawa. I hate this life!

And before I knew it, nasa labas na ako ng bahay habang dinadial ang number ni Karlo.

Ako: Karlo..puntahan moko dito sa bahay… ha? Maglalayas ako e..bakit? Pakialam mo ba kung maglayas ako? Sunduin mo na nga ako dito! Bilis na. Ngayon na!

Ang sama ko no? Well, kasi si Karlo masama din. O sige na nga, dahil masyado kayong mapilit, idedescribe ko na nga yang lalaking yan. Well, he’s my bf (taken na ha, wag niyo nang angkinin). His complete name is Karlo Rivas. Super fafalicious. Gising ata at naglalaro sa labas ng nagpaulan ang Diyos ng kagwapuhan e. Kaya ayun, kahit papano nabibiyayaan.  Anong kahit papano? Biniyayaan talaga ng super kagwafuhan ang lolo niyo.  Kaya naman hinahabol-habol ng mga babaeng mortal sa paaralan ko. Ewan ko nga ba at nagkagusto ako dun. Hamakin mo? Isang dyosa nagkagusto sa isang mortal? Bwahaha! Weird eh no? Pero sabi nga nila, kapag binigyan ka ng opportunity to be with the guy you really like, take the chance and grab it. Kaya yun ang ginawa ko nang nanligaw siya sakin. Pero minsan, napapaisip din ako e.  Mejo may pagkatanga kasi itong lalaking to. Super! Kaya minsan, pag may nakakasalubong akong friend ni Mommy at kasama ko siya, hindi ko na siya pinapasalita. Baka kung ano pang impression ang mabigay niya.

(alam ko matalino kayo, kaya I’m sure, naiintindihan niyo ako, diba?) 

Wala pang isang oras, tumigil na yung car niya sa harap ko. He looked at me na parang hindi siya approve sa gagawin ko.

Karlo: Anong drama na naman ba to Michelle?

Ako: Ang dami mo pang tanong, tulungan mo na nga ako dito.

Tinuro ko yun bags na nasa gilid ko.

Karlo: Dadalhin mo ba bahay mo?!

Ako: Hoy, fyi, as you can see, nandiyan pa ang bahay ko, nakatayo!

Karlo: Sandali lang. Ipapaalam lang kita.

Lumapit siya sa doorbell ng gate namin.

Ako: Ano ka ba? Maglalayas po ako, hindi maglalakwatsa!

Karlo: Yun na nga e!

At bago pa ako makasagot, binuzz niya yung doorbell ng bahay.

Ako: Karlo?!

Nginitian niya lang ako. Bigla namang lumabas si Mommy na naka bathrobe pa.

Mom: Yes?  Oh my gosh! Maria Michelle Monteverde?! Anong ginagawa mo diyan?!

No comment talaga ako. Tinusok ko si Karlo para magpaliwanag siya.

Karlo: Good evening po. Gusto atang maglayas ng anak niyo Mrs. Monteverde. Ipapaalam ko lang siya sa inyo. Ayos lang po ba?

Wee! Sandamak na katangahan talaga tong si Karlo! Naku… just wait na masosolo kita! Ilalampaso talaga kita sa toilet bowl!

Mom: Of course, hindi pwede iho! (she glared at me) I think it’s your bedtime Mishie. Pasok na. (she said while glaring her eyes to me and smiling)

Ako:  Yes Mom.

Mom: Sorry if she disturbed you.

I looked at Karlo na kung pwede siyang tunawin ng mga tingin ko, kanina pa siya natunaw at kumalat sa semento.

Nang pumasok kami sa bahay. Walang sinabi si Mommy sakin. She just said goodnight at umakyat sa kwarto.

Ako naman e, ano pa ba? Umakyat din sa kwarto na pulang-pula ang mukha. Napahiya talaga ako. Ikaw ba naman? Maglalayas ka, tapos mabibisto ka pala? Hay! Grrr. Katangahan kasi lahat ng boypren kong ewan!

Kinaumagahan, pumunta ako ng cakeshop para maki achuchu sa mga amiga ko ring ewan. Nahalata ko lang, lagi akong nadidikit sa mga taong ewan. Wahihihihi.

Lyka: O ano ba? Itatransfer ka na talaga?

Ako: Ewan ko. Kung di naman kasing sakdamal na katangahan yang si Karlo, di sana nakapaglayas na ako.

Isang batok from Rachelle.

Ako: Awts! Ano ba?

Rachelle: Ikaw ata ang stupid dito. At san ka naman pupunta, aber?

Ako: Sino ba mga kaibigan ko?

Mindy: Hoy vruha! Magkalimutan na tayo pag ganyan na ang drama mo!

Ako: Ang sama niyo naman!

Lyka: Hay naku noh, just follow your Mom nalang. Malay mo, mas lalaki pa limit ng credit cards mo!

Napaisip ako sa sinabi ni Lyka.  Hmm, may punto siya! Pero bago pa ako makapagsalita,  naramdaman ko ng tumunog yung tiyan ko.

Hay, buhay parang life! Kanina pa ako nag-order di pa rin binibigay sakin. Mapuntahan nga! Kaya exit muna ako sa mga achuchu ng mga vruhilda.

Ako: Excuse me, I just want to ask yung order kong ca-

At bago pa ako makagalaw, lumanding sa pretty and precious face ko ang isang malaking – as in malaking chocolate cake!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s