Words – Chapter 1 to Chapter 5

Chapter 1

[Mikel]

Krrinng..krinnngg..

Bigla akong napataranta ng makita ko ang name ni Mom sa screen ng cp ko. Its not like takot ako sa Mommy ko or something, it’s just that everightime na tumatawag siya, may nagagawa akong kasalanan.

Ako: Yep?

Mom: Can you pass by here at the house?

Ako: Why?

Mom: Wala nang raming satsat. Just go here nalang.

And before I could say another word, she hanged up the phone.

Ako: Pare, una na ako.

Migs: Bakit?

Ako: Pinapatawag ni Ermat e.

Migs: Geh!

Lumabas ako ng resto at dumiretso sa bahay. Ng pumasok ako sa bahay, I saw my brothers tumatakbo-takbo sa sala. 

Ako: Hoy!

Lean: Kuya Mikel!! (pronounced as Michael)

Ako: Bwaaaaahh!! (kinarga ko si Lean kasi mejo payat yun while si Kell, mejo mataba)

Kell: Kuya!! ako din, karga!!

Binaba ko si Lean at hinabol-habol ko sila. Nagtakbuhan naman at nag-iihi sa tawa. Mga lokong bata. Hahabulin ko pa sana when I heard my mom.

Mom: Mikel!! (she stared at me as if I did something) Yaya, bihisan mo na ang mga bata.

Ako: Now what? Hindi ako nagsimula noon, they did.

Defensive ata ang dating.

Ako: Tsaka, look? Walang kagasgasgasgas. And, ilang ulit na nangyayari sakin yun Mom, tapos ngayon ka pa gagawa ng big deal about it and-

Mom: Hindi naman yan ang pag-uusapan natin eh. Sanay na ako diyan Mikel.

Ako:  Sus, ganun naman pala e. So ano bang pag-uusapan natin?

Mom: Do you really want to marry that Gina?

Anak ng kabayo! Este, ano?! Gina?! Ngek! Talo pa ata nun ang gilagid ng kabayo pag ngumiti e.

Ako: Obvious naman na ayoko diba?

Mom: Good. Ayoko ding makasal ka dun. So the only way for you para di ka makasal dun is to transfer school.

Ako: Ano?!

Mom: What?

Ako: Ayoko nga! I mean, look Mom, one year na lang, off to work na ako. Why do I still have to transfer?

Mom: Well, St. Paul accepts students from St. John’s.

Ako: Pero, friends ko?

Mom: Bakit, hindi na ba kayo magkikita forever? Aba’y kung gnyan, edi magpakasal ka na lang.

Here goes her threatening voice.

Ako: Wait. St Paul? E teka, ang layo nun sa condo ko ah.

Mom: Bakit? We can’t afford ba to take another one na mas malapit?

Ako: Gastos lang yan Mom.

Mom: Don’t worry, half lang naman ang babayaran natin.

Ako: Half?

Mom: May kasama ka naman dun eh.

Ako: Kasama? Sino?

MOm: You’ll meet HER one day.

Ngumiti naman siya na parang alam ko na kung anong nasa isip niya. Nagpaalam nalang ako at lumabas ng bahay sa sobrang inis. HER? BABAE? Ano akala niya sakin? Bakla na kelangan ang company ng isang babae? Anak ng kabayo! Baka kung sinong halimaw naman yang babaeng yan. At teka? Bakit ba ganito?

Kinaumagahan, I decided to buy a cake for a girl. So, pumunta ako ng cakeshop, san pa ba makakabili ng cake? Alangan naman sa sports gym?

Papasok na sana ako ng may nakabunggong waiter sa isang babae. At bago pa ako makakilos, tumalsik sa ever white Polo ko ang ever dark chocolate cake.

Ako: Dang!

Girl: Argghh!

I looked at her na parang kakainin ko talaga siya.

Girl: Watch where you’re going! You just can’t walk up here and throw the cake all over my face!

Ako: Hay wait, are you talking to me?

Girl: Ano pa ba? Who else is standing here?

Ako: I didn’t do it.

Girl: Anong hindi? You’ll deny it pa? Look at me? I look like a taong-grasa! Only mas mabango lang.

Ako: Miss, look. I don’t have any time for this. And hindi lang naman ikaw yung naperwisyo dito e.

Tinaas ko yung polo ko sakanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Then I saw a lady coming up to us.

Lady: Bayaran niyo ang cake ko!

Girl: You pay for that!

Ako: Bakit ako?

Girl: Ikaw ang may kasalanan e.

Ako: Anong ako? hey, ako nga yung victim e.

Girl: Anong ikaw? Look at me nga oh! Kaya you should pay for it.

Lady: Sinong magbabayad?

Ako: Ano akala mo sakin? Hoy if you’re just another spoiled brat, wag ka ngang magpalabas ng tunay mong kulay dito!

Okay I’m really angry this time.

Girl: spoiled brat?! You moron! Bayaran mo na yan!

Lady: Sinong magbabayad?!

Girl: Maghintay ka nga diyan! Pinag-uusapan pa namin!

Dang! Astig to ah. Kung tutuusin, isang hampas lang siya ng babae, talbog na siya e.

Ako: You pay for it.

Girl: I won’t.

Waiter: Sir, Ma’am. Ako po yung may kasalanan, kaya ako daw po ang magbabayad.

Dang! Now much better! Sinayang ko lang oras ko dito! Idagdag mo pa tong bruhang to na nasa harapan ko!

Girl: Ugh! Now thank you. You just made my day – worst.

Bigla nalang siyang lumakad palabas ng cakeshop.

Ako: You’re welcome!

Dang! Buti naman di na kami magkikita ng bruhang yun.


Chapter 2

[Mish]

Grr. Nakakainis. That guy made by day worst. Pero in fairness, masarap ang cake.

I stormed out of the cake shop. Kinuha ko lang yung bag ko sa table then lumabas. Sumunod naman yung mga friends ko. Pero guys, ang gwapo ng guy kanina. Super fafalicious. As in. Yun nga lang, badtrip! Sa karami-raming makaaway, siya pa. Umagang-umaga sira na poise ko.

Dumaan nalang muna ako sa Real™, its a fashion magazine para sa mga teen agers. Kaya naman aware ako sa latest trends. My mom owns this company. Next year, they’re planning to go international. And pag nakapagtapos ako, I’m gonna take over this company. Woohoo! O, inggit kayo no?

Lia: Good morning Mish.

Ako: Mornin Lia. Is my mom not busy?

Lia: She’s not. Just go inside.

Ako: Oohh.. sige.. thank you. Ay nga pala, I brought you some donuts. I’ll leave it here.

Lia: Thank you.

Dumiretso naman ako sa office ni Mommy.

Knock..knock..knock..

Mom: Come in!

Dahan-dahan kong binuksan ang door sa office niya. Honestly, one month na rin akong hindi nakakapunta dito since I’ve been very busy sa school.

Tinaas niya ang ulo niya and moved her eyeglasses.

Mom: Goodness. Napadaan ka dito.

Ako: Huh?

Oh no, I think mali na naman timing ko.

Mom: About yesterday?

Ako: I still don’t want to transfer.

Mom: Let’s make a deal. Itataas ko ang credit limit ng cards mo.

Napatigil ako at napaisip. Credit limit? – higher? that only means, more shopping.. shopping.. and did I say more shopping?

Ako: S-san ba akong school tatransfer?

Mom: St. Paul.

Ako: St Paul?! Mom?! Ang layo kaya nun!

Mom: What about a condo?

Ako: You mean own condo?

Mom: We can work that out.

Ako: Ok, spill the beans!

Mom: Beans? Wala akong beans dito.

Ako: Wala? As in w-a-l-a?

Mom: Wala. Except for the fact na may kasama ka sa condo.

Ako: Kasama?

Mom: Yeah.

Ako: Awww, kala ko akong mag-isa lang.

Mom: You don’t have to shift your course. They accept students from Silliman.

Ako: Really? So I can still stick to my course?

Mom: Yeah.

Ako: So let’s clear this out. I transfer school, you give me higher credit limit, a condo and shopping!

Mom: You said it right.

Muntikan na akong tumalon dun sa office ni Mommy. See? This is what I’m talking about. Being the only daughter of rich parents, hah! I’ve got all what I wanted.

Lumabas ako ng office ni Mommy. Hinabol naman ako ni Lia nung sasakay na sana ako ng elevator.

Lia: Mish!

Ako: Yup?

Lia: Your mom said that you’ll meet your condo partner this evening at 7. Bumili ka daw ng bagong damit.

Ako: new dress? Marami naman akong dress ah.

Lia: She’ll pay.

Ngumiti ako at nagwink naman si Lia.

Ako: Why not..

I just waved bye at her then off to the mall ako with my friends. Hay naku, kugn alam niyo lang, yang mga friends ko, parang mga parasite. Kapag ako ang nagyaya, dapat may libre, pero pag sila ang nagyaya, naku, mano-mano na sa pagbabayad.

Rachelle: Sabihin mo samin kung panget or maganda yung condo partner mo ha?

Ako: Syempre, wala nang mas gaganda sa isang dyosa. Kaya mangarap kayo!

Cindy: Lumalakas yung aircon no?

Batok kay Cindy.

Ako: Lanhiya!

Tumawa nalang kaagad kami. Mga 3 oras siguro kami dun sa mall. Ni isa wala pa kaming nabibili. Then dumaan kami sa Gandi. Wahahah. Super ganda nitong botique na to. As in, super. Pangdyosa talaga yung mga damit.

Rachelle: Promise! Ang gnda talaga nung dress na yun.

CIndy: I totally agree.

Ako: Alam ko.

Tumawa na naman kami. Binatukan pa ako ni Cindy. Haayy, mamimiss ko talaga tong mga to. Pagkatapos naming bumili ng dress, pumunta naman kami ng salon. Nagpawax lang ako ng hair at nagpamanicure. Pedicure? Na-uh. Malinis naman yung paa ko e.

Kring.. kring..

Mom: Nasan ka na?

Ako: I’m still here at the salon.

Mom: Ikaw na bata ka! Mag se-seven na.

Ako: Susunod nalang ako sa resto. San ba?

Mom: Sa Enrico’s.

Ako: Yeah, I’ve been there once. Sige, see ya!

Mom: 7 okay?! 7 ha!

Ako: Yeah, yeah.

I hanged up the phone. Tiningnan ko yung orasan dun sa gilid. Its 6:45. Bahala sila dyan.  I looked at the watch again. 6:50. Guess I have to get going. So tumayo ako, binayaran ang luho at umalis. Nauna na kasi sina Rachelle. So there, tumayo ako sa labas at tumawag ng taxi. I don’t know how to drive. Okay?

Krinng.. kring…

Ako: Yes?

Mom: Where are you? I told you 7 oclock.

Obvious na obvious sa boses ni Mommy na nagpipigil siya.

Ako: Coming.

Mom: Alam mo ba kung anong oras na? 7:30! Mahiya ka naman.

Ako: Andito na ako!

Binaba ko kaagad ang phone ko. Bumaba ako ng taxi at pumasok sa resto. Ni wala akong make-up or something. Konting lip gloss lang at blush on. Naku, buti na to. Para naman masindak yung condo partner ko at matakot sakin.

Ang ganda nga ng entrance ko eh. Lahat nakatingin sakin. So this is what you get when you have a 35-25-36 body.   Joke. Model figure eh? With waving brown hair pa? Uhuh.

Mom: Oh here she is.

Ako: Good evening. I’m so sorry Im late.

Lady: That’s alright hija. Take a seat. Nakapag order na kami.

Ako: Thank you.

Kukunin ko pa sana yung menu eh.

Mom: Mish, meet Mrs. Araneta and  her son Mikel.

Ako: Yeah, please to meet-

Wait! Did I hear her right? Her SON?!

Napatingin ako sa lalaki na nasa harap ko.

Ako: Teka –

Mikel: Teka you’re –

Ako: Diba ikaw yung nasa resto?!

Mikel: Ikaw yung spoiled brat?!

Anak ng tokwa! sa dinami-dami ng condo partner, ba’t siya pa? Bakiiittt siya paaaaa?!

 


Chapter 3

[Mikel]

7:30 na at wala pa yung anak ng Mrs. Monteverde na to. Nakakainis na talaga. May date pa naman ako mamayang 9 pm. Nakakasira ng schedule. Hindi ba niya alam ang meaning ng ‘time is gold’?

Namumutla na talaga ako kanina when Mrs. Monteverde said na nandito na daw ang anak niya.  I was looking outside naman as if na hindi ako interesado. The hell naman kasi e! Why do I have to transfer school pa. Sana siya nalang ang magtransfer. Di na ako.

I heard Mrs. Monteverde introduced us to her. Hindi ko naman ginalaw yung ulo ko para ngumiti sa kanya.

Mom: Hijo?

Siniko ako ni Mommy sa gilid. Ouch. Okay medyo masakit kaya napatingin nalang ako sa babaeng nasa harap ko.

Ako’y napanganga.. nasindak sa aking nakita. Dang!

Ako: You’re the spoiled brat?

Mish: Spoiled brat?! Hindi ako spoiled brat! At ikaw? Ano ka? Siraulo?!

Ako: Siraulo?! Akala mo naman kung sino kang maganda!

Mom: Mikel? (tone of warning)

Tumahimik naman ako at napatingin sa plate na nasa harapan ko.

Mrs. Monteverde: Hahahaha. Tingnan mo nga naman. Nag LQ na kaagad.

Ako & Mish: LQ?!

Mish: Asa!

Ako: Asa ka din!

I looked at her naniningkit ang mata ko. Skyflakes! Brown eyes? Tama ba? Brown eyes or contact lenses? Hindi ko alam. Gusto kong lukitin ang mata niya.

Mish: Tingin mo?

Ako: Hmp!

Tumingin naman kaagd ako sa ibang direksiyon. Kala kung sinong maganda. Eh hindi naman e. Pero oo, maganda siya. Sobra. Kung hindi lang siya yung babae kaninang umaga, masasabi kong laglag ang puso ko sa kanya. Pero hindi e. Kahit gaanu pa siya kaganda, hindi malalaglag puso ko sa kanya!

Kumain kami ng sobrang tahimik. Ayoko ng umimik, baka magkaroon pa ng World War III dito sa mundo. Sa sobrang daldal ng babaeng to, wala na. Talo pa ang M -16 sa bunganga niya. Suko ako! Bwahaha!

Ako: Mom, its 8:30 already. (bulong ko)

Mom: Maghintay ka nga diyan.

Ako: Malilate na ako mamaya.

Mom: Mikel?

Ako: Yeah.

So there. Wala akong lusot. Teka, ano ba to? Get together nilang dalawa? Kasi naman no, enjoy na enjoy yung mga tao dito sa kakausap sa isa’t-isa. Para na akong poste dito na nakaupo. Pero mas ayos na to, kesa makipagtalo sa babaeng nasa harap ko.

Mish: Mom, im getting bored. Let’s go home na.

Bigla nalang siyang siniko ng Mommy niya. Muntikan na nga akong mapatawa e. Nakita niya naman ako, kaya medyo napahiya siya.

Kinabukasan, dumiretso na kami sa condo. Yup, ako yung una na nakakita ng condo. Susunod nalang daw si Miss Monteverde. Ganda nga e. Kung ako lang, hindi ako bibigyan ni Daddy ng condo na ganito kaganda. Dalawa yung bedrooms. Tiningnan ko yung isa, medyo malaki yung cr kaya ibibigay ko na to kay Miss Monteverde. Akin na yung sa kabila. Umupo ako dun sa harap ng tv sa sala.

Ako: Sana di na dumating.

Knock..knock..

Langhiya. Malas ko talaga. Di sinasagot mga dasal ko.

Tatayo na sana ako para buksan yung pintuan, nang bumukas naman ito. Kaya napaupo nalang ulit ako. Nakatayo siya dun sa door with a handbag. Wait, yan lang dala niya?

Bigla naman syang umurong sa gilid at sumenyas. 5 malalaking bag. Dang! Dinala niya ba bahay niya?! Sumenyas naman ako para ituro yung kwarto niya. She just looked at me at sumenyas sa isang lalaki na ipasok dun sa kwarto na tinuro ko yung mga bags na dala niya.

Nung lumabas ang lalaki, pumasok siya sa kwarto at lumabas. Umupo sa tabi ko at kinuha yung pillow sa gilid.

Mish: Michelle.

Ako: Mikel.

Mish: Ang baho. Michelle and Mikel? Anu yan?

Ako: Oo nga eh. Ayos na sana yung Mikel lang,  nga lang dinagdagan pa ng pangalan mo e. ^_^

Mish: Anong year ka na?

Ako: 3rd year.

Mish: 2nd year.

Ako: Sinong nagtatanong?

Tiningnan niya ako ng masama habang nakangiti naman ako.

Mish: Hatid mo ko sa mall.

Ako: Ano?

Teka, tama ba ang narinig ko?

Mish: Meron akong cotton bud dito? You want some?

Ako: Magtaxi ka nalang. Malapit lang naman e.

Mish: Your mom told me that I can make you my driver.

Ako: My Mom did, hindi ko sinabi.

Mish: Lang kwenta (bulong niya)

Ako: I heard that.

Mish: Buti naman.

Pumasok ako ng kwarto at nahiga. She just looked at me. Then bigla nalang lumabas.

Bwahahaha!


Chapter 4

[Mish]

That jerk! Grrr.

Ang lapit-lapit ng mall di pa ako mahatid! Bwiset! Ang lakas talaga ng hangin dito sa condo!

Lumabas ako ng condominium at bumaba. Mabilis naman akong nakasakay sa taxi.

Ako: Manong, SM po.

Manong: Di ba hinatid ng bf?

Ako: Ay, busy po.

Oo nga pala, nakalimutan ko si Karlo ah. Heehee.

Manong: Buti naman at understanding ka.

Ngumiti lang ako. Naku, feeling close naman tong driver na to no?

After 25 minutes, nakarating din ako sa mall. Actually, malapit lang naman talaga, pero mauubos lang talaga yung pasensya mo sa trapik eh. Pilipinas nga naman…

Rachelle: Ang tagal mo sis!

Ako: Alam mo namang trapik e.

Rachelle: So tell me bout your partner? Maganda ba ha? Ano? Maarte? Gusto mo sabunutan na natin?

Ako: Rach-

Rachelle: At ano? May mga designer bags ba?

Ako: Rach, hindi sia-

Rachelle: Hindi mabait?

Ako: Rachelle! Will you shut up?!

Rachelle: huh?

Ako: First and foremost, hindi siya babae.

Rach: Ano?! Bakla?!

Ako: He’s a guy. A straight guy.

RAch: Fafable ba?

Ako: Anak ng may-ari ng B Company.

Rach: You mean? Yung model?

Ako: Model ba yun?

Isang batok from Rachelle.

Rach: Anak ka ng isang fashion mag tapos di mo alam kugn sino yun?

Ako: So siguro siya nga. Mikel Araneta?

Rach: Waahh!! Siya nga iyon!! Waaahhh!! Ang swerte mo naman sis.

 

Nagtatatalon ba naman dun sa mall. Nakakahiya na. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. But who cares anyway? Magaganda naman kami e.

Ako: Rachelle to earth? Anong maswerte ako? Ang sabihin mo, malas ako.

RAch: Bakit naman?

Ako: Kung ewan ako, mas ewan yun.

Rach: Edi masaya! Come to think of it o, pareho kayo ng personality? O diba?

Ako: Same poles repel.

Batok from Rachelle.

Ako: Awts! Ano ba?

Rach: Ano naman yang drama mong same poles repel? Eh kung irepel ko mukha mo?

Ako: Ayos lang, mas maganda parin naman ako sa iyo eh.

Rach: Ang kapal!

Ako: Ano pa’t binigyan ako ng magandang mukha diba?

Tumawa nalang kaagad kami habang papasok sa KFC.

Rach: Laway mo tumutulo.

Tiningnan ko naman ng masama si Rachelle.

Ako: Sorry ha, wala kasi nito sa bundok namin e.

RAch: Buti naman at napadpad ka dito sa bundok ko.

Ayun, dahil libre ni Rachelle, siya na ang nagbayad. Bwahaha! Pamatay kagandahan ko e.

Ang sarap talaga ng funshots ng KFC. Hindi ko to ipagpapalit sa kung alinman sa mundo. O diba? Magpapakamatay pa ako para dito eh.

Rach: Nga pala, alam na ba ni Karlo?

Ako: Ay, oo nga pala, muntik ko ng makalimutang may bf ako.

Rach: Lokaret!

Ako: Haha. Npapadalas na yang mga batok mo ah?

Rach: Seriously, alam na ba niya?

Ako: Well, tinawagan ko siya, pero walang sumagot. I texted him, pero walang nagreply. I called their house, pero sabi ni Tita, di daw umuuwi. Tinwagan ko yung condo niya, wala ring sumasagot. Siguro nalunod na yun sa matikilya.

Rach: Ang sama mo. Eh panu na yan?

Ako: Yaan mo siya, magpaparamdam din yan pag na miss niya na beauty ko.

Another batok from Rachelle.

Rach: Kungsabagay, nandiyan naman si fafable Mikel eh.

Ako: Ay wag na! Mag-iipon nalang ako ng asin.

Rach: Loka, kung ayaw mo, akin na lang.

Ako: All yours. No problemo!

Binatukan na naman ako ulit. Hay naku… madeform nga yung pretty head ko, humanda lang tong babaeng to. Bwhahhahaha!

Nung umuwi ako, walang tao yung condo. Kaya dahan-dahan akong pumasok at in-on yung ilaw sa sala.


Chapter 5

[Mikel]

Langya!

Ano na naman ito?!

Nakahiga lang ako sa kama nung lumabas siya. Then bigla kong naisip na ihahatid ko na lang siya.

I mean, sobrang ganda niya at baka kung ano pang mangyari diba?

Este, teka Mikel? Anong iniisip mo?

Anong maganda? Bruhilda nga iyon e.

Hindi yun maganda! Pero in fairness, ang cute niya kanina habang namumula sa galit. Bwahahah!

Pero kahit na, bumaba parin ako. Tumakbo ako at baka maabutan ko pa. Haha. Niloloko ko lang naman siya kanina e. Di ko inaasahan na tototohanin niya.

Ako: Manong? May nakita ka bang babae dito na mahaba ang buhok na-

Guard: Yung maganda?

Napaisip ako. Maganda ba yun? Doink! Siguro nga, kung hindi ako si Mikel magagandahan din ako dun.

Ako: Siguro nga. Yung parang halimaw?

Guard: Anong halimaw? Parang dyosa nga e.

Ako: Manong, kalaki mong tao, nagsisinungaling ka. Wag ka ngang ganyan.

Guard: Kawawa nga eh, pinataxi lang ng boypren.

Ako: Ahh, di naman ganun kaganda para ihatid – teka? Nagtaxi siya?!

Guard: Oo. Nakibonding nga sakin kanina habang naghihintay ng taxi.

Ngiti-ngiti ka pa jan. Sipain kaya kita?  Nakausap mo lang yung maganda ganyan ka na.

Mikel?! Anong maganda!? Hindi nga e! panget yun! Halimaw!! Halimaw! Mamayang gabi, magtatransform yun! Werewolf? Pero magandang werewolf? Waah! Werewolf. As in!

Napaakyat nalang ulit ako sa condo at naupo sa sala. Wala naman akong pupuntahan e. So siguro, magpapaputi nalang ako dito sa loob.

Bigla nalang akong napatalon ng tumunog yung cp ko. Langya! Lakas pala ng volume!

Migs

pare, jammng tau. Nandito si Lindsay. :p

Muntik na akong mapatalon ulit ng nabasa ko yung name na Lindsay. Well, kahit mayaman pamilya ko, laking kalye ako. Hahaha. Ewan ko ba, pero pakiramdam ko, nakabuntot na sakin yang salitang ‘gulo’ e. And then, she came, si lindsay ha, hindi si Michelle, pakiramdam ko…

Mas dumami yung gulo sa paligid ko.

Yeah, Lindsay’s pretty, matalino at mabait. Pero minsan, may pagkakontrabida din e. Minsan, masyadong mahigpit.

So there, dumiretso ako sa tambayan. Bohemian’s. Ganda ng coffee dun. Moreover maraming magaganda.

Pero bago ako umalis may naisip naman akong ikakatuwa ni Mishie. Hehehe.

Lumabas ako ng bahay at bumalik after 15 minutes.

Ewan ko lang kung magustuhan niya talaga..

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s