Words – Chapter 21 to Chapter 25

Chapter 21

[Mish]

It’s been 5 months since nagkasama kami ni Mikel. And honestly, kahit pasaway siya at mejo matigas ang ulo, nasasanay narin ang sarili kong kasama siya. And.. well, I found out something.I think I’m starting to like him.

Hindi ko alam kung kelan to nagsimula or bakit ako nagkakagusto sakanya. It’s just that.. well.. hindi ko talaga alam kung bakit. Okay, alam kong may Lindsay siya, pero hello? I’m just liking palang naman him diba? Tsaka wala pa naman akong naaapakang tao e. Hindi naman ako nagfliflirt sakanya or anything. 

Minsan nga, pag kinukulit niya ako, umiiwas na ako. Baka kasi mahalata niya eh. Ayoko lang masira yung friendship namin, yan eh kung meron man.

So there, I spilled the beans. secret nalang natin to ha? Don’t tell Mikee about it. He’s gonna tease me tsaka lalaki ulo niyan tsaka… well, everything will change.

So here we are, magkasamang naglalakad-lakad under the dark sparkling sky – yeah, romantic – not. Alam niyo, mejo masakit rin that you know you’re close to the person you like yet you still feel so far away. [okay, madrama na ako] It’s just that, that’s how I feel around him these past few weeks.

Andito na naman yung mga nonsense na pinag-aawayan namin.

Mikel: See, anak palang pinag-aawayan na natin. We won’t look good together.

He’s right. We won’t look good together. Gosh, Mishie. He’s got Lindsay already. Kaya ano ba? These whole thing’s just a play. Hanggang diyan nalang kayong dalawa. It’s like you’re inside a castle and he’s your prince, but when the glass that protects your castle gets broken, it’s all shattered at dun mo malalamang dreams are meant to be just dreams.

Krriiinngg… krriinnngg…

I stopped walking and looked back at Mikee. He suddenly stopped and I saw his eyes widened. I don’t kknow what, but there’s something wrong.

Mikel: Lindsay?!

Can I say now that my castle started breaking?

I felt my heart beat faster. Medyo nanikip ito sa di ko malamang dahilan. I felt my body shivered – not to the coldness of the wind but to the name he uttered.

I bit my lower lip and started walking to my house. Guess I just have to leave it all behind. Besides, gusto ko lang siya. It’s not like I love him or anything. Diba?

But why do I feel a bit of sadness, a bit of jealousy and a lot of pain?

I don’t know.

I really don’t know.

I never looked back. Papasok na sana ako ng bahay when someone grabbed my by my arm.

Mikel: Guess what?

He said while smiling and catching for his breath. I don’t wanna guess. I’m afraid that I know the answer already. I felt tears started to fill my eyes. Gosh, this isn’t the time for you to be pulled by the gravity, you idiot.

Ako: I dunno. Why?

Mikel: She’s coming back.

Mikel: Yeah, shocking huh? I can’t believe she’s coming back. So, what?

I just looked at him not able to speak a word. I tried to, but no words came out. Ngumiti nalang ako at niyakap siya na parang huling yakap ko yun sa kanya – and also my first.

Ako: Great.

I smiled again and went inside my house. I know he’s somewhat puzzled by the way I acted. Its just that..

*heavy breath*

Just as I closed the gate, gravity started to pull my tears. Why am I crying?!   I’m not affected, right? So why am I crying? I should be happy. The person I really like is happy right now. So, I should be happy, diba? I tried to smile but I couldn’t.

It’s not fair. It’s not fair. It isn’t fair.

Why do I always end up liking the wrong person?

Diba I said, Mikel would be the last guy I’m gonna end up liking in this whole wide world?

And even if he’s the last one, I still wouldn’t?

Then why am I acting like this?

Why do I feel like my heart’s being squeezed by a hand?

Why?

Sabi ni Mommy, una siyang nagkagusto kay Daddy. Then he told Daddy that she likes him so much. And Daddy told her too. Pero something Daddy said made her realized that actions were not really an assurance.

Because Daddy said,

…that actions speaks louder than words, but words can be a great assurance..


Chapter 22

[Mikel]

I don’t know what’s wrong with that girl. Pero yeah, she acted weird awhile ago. I just smiled again thinking that Lindsay will be back just a couple of days already. But somehow, I feel strange. Pakiramdam ko kasi, things won’t be the same again. You know, things with Mish.. things with my friends.. Things with my parents.. And with Linds. I drove my way to the condo building. Mabilis naman akong umakyat at nahiga sa kama. I just couldn’t contain the happiness I’m feeling right now. But there’s really something wrong. Hindi ko talaga maintindihan tong nararamdaman ko.

I stared at the ceiling at nag-isip-isip. Ever since umalis si Lindsay, mejo naging magulo na yung buhay ko. Idagdag mo pa yang babaeng si Michelle. My life’s in a topsy turvy – pero bakit ayos lang? Nasasanay na nga akong palagi siyang kasama. Kahit mejo makulit, naeenjoy ko na rin. And now that Lindsay’s back, guess, my life’s gonna be okay again.

Next day.

Maaga palang may naririnig na akong mga kalas sa kusina, so I hurriedly went out of my room to check. Only to find out Mish preparing breakfast.

Ako: *breath* Woah.. ikaw lang pala.

Mish: Yeah.

Lumapit ako sa kanya para tingnan siya, there’s something wrong with her voice eh. Yung parang umiyak buong gabi tapos pagkagising, parang walang boses na parang may boses – ano nga ba tawag dun?

Ako: A-ayos ka lang?

I asked na parang takot na takot ako.

Mish: I’m alright.

Mabilis niya namang iniwas yung mukha niya at pumunta sa table para ilagay yung rice.

Ako: No, you’re not. Boses palang, di na ikaw si Mish eh. Waahh! Anong ginawa mo kay Mish ko?

Mish: Batukan kaya kita, gusto mo?

Ako: Ayos lang. Namiss ko na rin yan eh. It’s been a month na rin since last mo akong binatukan.

Mish: Well, kawawa ka naman eh. Isa pa, parating na ang loves mo, baka sabunutan pa ako nun.

Ako: Waahh.. ang sama. Nga pala, sama ka sakin, susunduin ko siya sa airpost next week.

Bigla naman siyang napatigil sa pagkain.

Ako: Mish?

Mish: Sorry.

Bigla siyang tumayo at kumuha ng tubig sa ref, eh meron naman sa harapan niya.

Ako: May tubig na dito ah.

Shinake ko kaagad yung pitsel para marinig niya.

Mish: Ah.. yeah.. sorry.

Okay, this is so confusing na. Napapraning na ata tong babaeng to e.

Ako: Are you really okay, Mish?

Mish: Uhmm.. yeah.

Ako: Hmm.. so back to what I was saying.. sasama ka ba?

Mish: Hmm.. hindi ko alam.. siguro, if I’m not busy. Marami na kasing activities sa school e.

Ako: Sunday naman siya darating eh.

Mish: Oh.. siguro.. hmm.. nasa bahay ako nun.. you know, I’ll visit Mom and Dad.. and..

Ako: Samahan kita.. sa gabi?

Mish: Uh.. hindi na.. uhh..

Ako: Sige na kasi..

Mish: I’m really sorry.

Bigla siyang tumayo at dumiretso sa kwarto niya. I just heard the loud bam of the door. What’s up with her? I stood up at pumunta sa kwarto, took a shower and knocked on her room.

Ako: Tara na, hatid na kita.

Mish: I’ll get a taxi later.

Yup, she’s always like this since last month. Lagi nalang nagtataxi. Ewan ko ba, siguro marami na talaga siyang pera ngayon.

Ako: Sige, una na ako!

Lumabas kaagad ako ng unit at pumunta na sa school. Nga lang, tumawag si Migs at tinanong kung pwede daw silang pumunta sa bahay mamaya dahil namimiss na nila si Mish. Napatawa naman ako.

Ako: Eh si Lindsay, di niyo namimiss?

Migs: Di daw. Medyo di yun nakakasakay samin eh. Kayong dalawa lang naman yung nagkakaintindihan.

Ako: Sama mo, guess what?

Migs: Naglaho na siya?

Ako: Babalik na siya!

Migs: Wow, pare, ang saya namin!   Pero di nga?

Ako: Babalik na nga siya eh!

Migs: Teka, e pano na si Mishie?

Ako: What do you mean?

Migs: Pano na si Mishie? Yung fiance mo?

AKo: I’ll explain it to Lindsay.

Migs: I mean, iiwan mo na siya?

Ako: Oo naman.

Migs: Five months na kayong magksama, pero wala ka bang nararamdaman para sa kanya?

Napatigil ako at napatingin sa kawalan. Nararamdaman – para kay Mish?

Ako: W-wala naman.

Migs: Oh, okay. Sabihin ko nalang kay Joseph, pag bumalik si Linds, pwede niya nang ligawan si Mish. Geh, kitakits nalang.

I put my phone at the dashboard at napaisip.

Ako? Nararamdaman kay mish? Wala naman. Well, masaya ako kapag kasama ko siya, makulit pero ayos lang, mas ayos nga eh, di kami nauubusan ng topic pag nagkwekwentuhan kami. Lagi kaming nag-aaway sa mga walang dahilang bagay, pero ayos lang naman. Tsaka.. well.. ewan ko.

…..wala nga ba?


Chapter 23

[Mish]

Narinig kong lumabas na si Mikel sa door. Mabilis naman akong tumayo at nag-ayos ng sarili. Malilate kasi ako sa school pag di pa ko kumilos.  Embarrassed And isa pa, lagi na akong late simula ng matuto akong sumakay ng taxi. Pero kahit papano, sigurado naman akong may itatagal pa ang buhay ko: slowly but surely. Pag si Mikel kasi ang nagdadrive, pakiramdam ko, huling araw ko na sa mundo.  Boring class. Tinatamad na naman akong makinig. Yung dalawa ko namang katabing babae, nagchichismisan. Eh diba, pag nagchichismisan ang katabi mo, you can’t help but to listen at them? Haha. Kahit nakatingin kapa kung saan-saan, there’s something in you talaga na gustong makinig sa pinag-uusapan nila. At first, wala naman talaga akong pakialam sa pinag-uusapan nila, pero may narinig ako that something caught my attention back at them.

Girl1: Yup, I heard tinapos niya daw yung scholarship niya.

Girl2: Really? Naku, sayang naman. University of Paris pa naman yun.

Girl1: I heard nga babalik na raw dito.

Girl2: San mo nasagap yang balitang yan?

Girl1: Duh, magschoolmates kaya sila ng pinsan ko dun.

Girl2: Sayang talaga. So that means, back to the dati naman sila ni Mikel Araneta?

Girl1: Siguro nga. Pero I heard, diba may fiance na si Mikel?

Girl2: Oo nga diba? Alam na kaya yan ni Lindsay?

Girl1: Siguro naman no. Yung kinatataka ko lang, kung alam niya na, ba’t pa siya babalik dito?

Girl2: Siguro naman di lang si Mikel yung babalikan niya, diba? Malay mo, family problems.

Girl1: Naku sis no, ano kaba? Mayaman naman siya, financially, hindi magkakaproblema yun. So that means, si Mikel talaga siguro ang babalikan dito.

Girl2: Haayy.. ang malas ng fiance ni Mikel, tapos ang swerte naman ni Lindsay.

Tumawa kaagad silang dalawa. Napatigil sila ng tiningnan ko sila ng masama. Suddenly, one of the girls said, “Betch, yan yung fiance ni Mikel.”

I smiled sweetly at napayuko sila ng heads nila. Pero eto na naman yung kirot na nararamdaman ko sa puso ko. Uhm, tanong lang? Kapag ikaw ba’y NAGKAKAGUSTO sa isang lalaki, tapos nalaman mong babalik yung babaeng MAHAL niya talaga, nararamdaman mo rin ba tong kirot na to? Kasi ang alam ko, nararamdaman mo lang to pag MAHAL mo na ang isang tao.

And I definitely don’t love him. Diba?

After the class, dahil mejo masama na ang pakiramdam ko, di na muna ako pumasok sa iba kong klase at tinawagan ko ang mga girls na magkita muna kami. Pero lahat sila may pasok maliban kay Rachelle. Kaya naman nagkita kami sa  cakeshop na lagi namin pinupuntahan noon whenever may mga problems, or just any occasions. Kung naaalala niyo pa, eto rin yung cakeshop na una kaming nagkita ni Mikel.

Naks, who would’ve think na grabe yung putakputak ng bunganga ko nun sa kanya, eh maiinlove pala ako. haha. inlove? scratch that out. magugustuhan ko pala siya.

I sat down at the table malapit sa window, nauna kasi akong dumating kay Rachelle kaya I ordered already a juice at umupo nalang at nag-isip-isip.

Rachelle: Hoy bruha!

Ako: Naman, rach, wag ka ngang ganyan. Muntik na akong mapatalon dun ah. Tsaka di naman ako bruha eh, dyosa po ako for your info noh!

Rach: Ano namang kadramahan yang nakita ko kanina Maria Michelle Monteverde?

Ako: Anong kadramahan yang pinagsasabi mo?

Rach: Hello? Michelle to earth? Ang lalim kaya ng iniisip mo kanina? Uy, nga pala, did you hear the news na?

Ako: What news?

Rach: Mikel’s love of his life will be back na!

Ako: Oh yeah. Yun. Yup.

Rach: At bakit ganyan ang reaction mo?

Ako: Bakit pala? Lagi naman akong maganda ah.

Rach: Meron ba akong hindi alam na gusto mong sabihin?

Ako: Marami kang hindi alam at wala akong planong sabihin yun sa iyo.

Mabilis ko kaagad na iniwas yung mga mata ko sakanya. Rachelle is the type of girl na mabilis na nakakahalata. Just by looking at your eyes, alam niya na kaagad kung anong nasa isip mo at nararamdaman mo. We’ve been friends since God knows when, kaya kilalang-kilala niya na talaga ako – and that makes it her advantage to me.

Rach: OMG! You like him?!

Ako: Hindi.

Rach: Kelan pa?

Ako: Hindi nga sabi eh.

Rach: Naks, di mo man lang sinabi samin at least, sakin nalang sana.

Ako: Ano kaba? Hindi nga eh.

Rach: Pano na yan? Babalik na si lovey dovey niya.

Ako: Rachelle, I don’t like him, okay?

Rach: Puhlease! Kitang-kita naman eh. I know you so well, Michelle. Kaya wag mo ng ideny.

Ako: Okay.. I like him. I don’t know why and when. Basta, I like him.

Rach: Then, bull! Alam mo namang masasaktan ka lang diba? bakit pa?

Ako: I don’t know. I really don’t know.

Bigla ko naman nararamdaman yung warm liquids sa cheeks ko. Sh*t. Now, I’m crying.

Rach: Sorry.. Come here nga.

I leaned my body towards Rachelle and she hugged me.

Rach: Ano nang mangyayari? I mean, masasaktan ka lang talaga sis.

Ako: Ayos lang. I can move on. For now, I have to enjoy the time na magkasama parin kami.

Rach: Oh sis..

*sniff *sniff.

We went shopping nalang and ate ice creams, this time – Rachelle’s treat. Para naman daw mcomfort ako at ito nalang daw magagawa niya for me – except to share her shoulders when I need one.

Then after na, I went back home to rest. I was shocked ng pagkabukas ko ng door ng unit, andun na yung apat na mokong sa living room.

Ako: Hi!

Migs: Si Mishie!!

Jospeh: Hi Mish.

Luke: Waahh, we missed you!

He hugged my legs na parang ewan at gusto pa atang halikan eh. Pero no worries, di naman kamanyakan yun eh. Kaabnormalan lang ni Luke yun. Hinila naman kaagad siya nina Mikel.

Ako: Sorry, guys, I need to sleep. I’m kinda not feeling well today.

Ngumiti ako ng mejo plastic at pumasok sa kwarto. I know they’re puzzled. They somewhat looked like this –> O_O.

Just as I jumped at my bed, I heard some faint knocks on my door. Before I could answer, someone opened it and Mikel came in.

Ako: I’m not feeling well.

Mikel: You’re always like that, what’s wrong with you?

Ako: I don’t know. I’m tired.. sleepy.. and.. just get off my bed.

Mikel: You’re weird.

Ako: Yeah, I am. I’m weird even in liking boys!

Bigla ko kaagad tinakpan yung bunganga ko. Dang, I should’ve not said that.

Mikel: What do you mean? May bago kang gusto ngayong lalaki, and you mean, di mo siya makuha? Hahaha! That’s really weird. Sa ganda mong yan?

Bigla akong napatahimik. I closed my eyes at hinila yung blanket ko para matakpan yung buo kong sarili.

Then I whispered to myself, Yeah, because you’re in love with somebody.


Chapter 24

[Mikel]

..yeah, because you’re inlove with somebody.Nabigla ako sa sinabi niya.   Ano raw? Hindi naman siguro ako yung tinutukoy niya diba? Baka naman iniisip niya lang yung gusto niyang lalaki kaya niya nasabi yun. Binalewala ko nalang at lumabas ako ng kwarto niya since she really looked so tired.

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko namang nakaupo silang tatlo sa floor at nabigla ng binuksan ko ang door. Mga ogag, kala nila di ko alam na nakikinig sila.

Migs: Eherm. May ano kasi.. ano..

Joseph: Dumi.. ayan o..

Bigla namang dinuraan ni Luke at pinunasan ng tshirt niya.

Luke: See? Wala na.

Toink, toink, toinks.

Migs: Lanya! Bat moko binatukan?

Luke: Ba’t mo siya binatukan?

Joseph: Ba’t mo kami binatukan?

Toinks, toinks, toinks.

Ako: Kalalaki niyong tao, mga chismoso kayo!

Luke: Eh ano naman? Basta si Mish ba ang pinag-uusapan eh.

Migs: Sino daw? Pinapahirapan si Mish?

Joseph: Ano? Upakan na natin!

Ako: Mga ogag talaga kayo! Di sinabi eh!

Di ko na sinabi yung mga sinabi ni Mish kanina. I’m sure naman kasi, ibang tao yun eh. Tsaka, she said that she won’t like me kahit ako na yung huling tao dito sa mundo at kahit daw ako na ang huling tao dito, hindi parin siya magkakagusto sakin. And besides, kung ako nga iyon, what? It doesn’t really matter. Uuwi na si Lindsay and everighthing will be back again.  At bakit ko ba iniisip na ako yun? di nga eh!

Luke: Baka ikaw yun!

Migs: Aba’y oo nga noh?!

Joseph: Posible.

Pumunta ako ng kitchen at kumuha ng isang boteng beer. Kumuha din sila ng tag-iisa at naupo kami dun sa kitchen table.

Ako: Hindi ako yun. Tsaka, kung ako nga iyon, ano naman? May gf na ako. At babalik na siya.

Joseph: Teka, teka. Eh diba alam ng lahat na fiance mo siya?

Migs: Oo nga.

Luke: Kung ako ikaw, kay Mish ako pupunta. Mas maganda ata si Mish at mas mabait.

Migs: Oo nga.

Joseph: Mas matalino nga lang si Linds.

Migs: Oo nga naman.

Luke: Teka, teka, san ka ba kumakampi Migs?

Tumawa nalang ako sa kanilang tatlo. Naman e, diba dapat ako ang namumroblema nito?

Joseph: Pano mo sasabihin?

Ako: Basta, bahala na.

Luke: Dang pare! Pilipino ka talaga! ningas kugon eh!

Migs: Lam mo ba kung anong ningas kugon?

Luke: Sapilitang pagtatrabaho!

Toink.

Luke: Ano ba? Tama naman diba Sep?

Joseph: Polo yan!

Luke: Ogag! Polo e yung damit ng lalaki!

Migs: Mas ogag! Bumalik ka sa grade 1!

Ako: Tumahimik nga kayo!

Migs: O ano na?

Ako: Sasabihin ko kay Linds. We’ll explain to our parents and sasabihin sa iba na call off na yung engagement. Simple.

Joseph: Sa tingin ko, may alam ako na hindi mo alam.

Bigla naman kaming napatingin kay Joseph. Anong ibig niyang sabihin?

Joseph: Sigurado akong may masasaktan dito.

Migs: Hindi naman siguro sila magpapatayan dahil lang diyan.

Luke: Oo nga naman.

Tumahimik lang ako at tiningnan si Joseph. Sa tatlo kasi, siya yung mejo may matinong utak. Kaya naman, may sense talaga yung mga sinasabi niya kapag ganyan ang mukha niya.

I was waiting for an answer from him.

Joseph: Not physically, but emotionally.

O_______O

The two looked like that. Mga ewan eh. Ako naman eh I tried to scan my brain kung bakit niya yun nasabi. Pero bago pa kami nakaimik, tumayo siya at dumiretso sa living room. Napasunod naman yung dalawa sa kanya at naiwan akong nakatunganga sa bote ng beer na nasa harap ko.

Parang gets ko yung sinabi niya pero parang ayoko ring sabihin at paniwalaan itong pumapasok sa isip ko.

Medyo imposible naman e. Then bigla ko ulit naisip yung itinanong sakin ni Migs.

“Sigurado kang wala kang nararamdaman para sa kanya?”

Sigurado ako sa pagsagot ko na ‘wala’.

Promise, wala.

Chapter 25

[Mish]

Habang papalapit ang Sunday, nararamdaman kong sobrang pasakit na naman tong haharapin ko. Haayy.. ang tanga tanga mo kasi Michelle e. Marami namang lalaking naghahabol sa iyo, ba’t si Mikel pa. Gago yun eh. Sobrang gago ba’t siya pa? Tsaka.. ang layo niya sa mga lalaking gusto mo noh! oo nga’t gwapo siya, pero ang ugali – grrr… sobrang feeling, tsaka… feeling.. at sobrang feeling. Tanong lang ulit, eh ba’t ko siya nagustuhan? Yan ang di ko alam.

And before I knew it, Sunday na. Maaga pa lang, nagising na ako at lumabas ng bahay. Ayoko namang magmukhang ewan na nakatingin kay Mikel habang nagmamadaling umalis para sunduin yung love of his life niya no! Kaya ayun, dumiretso muna ako sa bahay at doon nagpalipas ng oras. Hindi niya naman ako tinext or tinawagan. Guess nakakalimutan niya talaga ako when it comes to Lindsay.

Mom: Mish, wala ba kayong pupuntahan ni Mikel?

Ako: Wala naman po.

Mom: Eh nasan si Mikel?

Ako: May sinundong kaibigan sa airport.

Mom: Yun ba yung exgf niya?

Nabigla ako sa itinanong ni Mommy at muntik ko na mabitawan yung baso na hinahawakan ko.

Ako: Ah.. eh.. hindi ko po alam.

Mom: Hindi mo pa ba nababasa ang tabloids sa Manila Socialites?

Ako: H-hindi po.

Bigla siyang may kinuhang newspaper sa ilalim ng mesa at tinapon sa gilid ko. Tiningnan ko ito at binasa. Nakalagay na babalik na raw ang EX ni Mikel at ano daw ang magiging epekto nito sa aming dalawa.

Mom: What can you say?

Ako: Well.. well. ano.. hm.. ayos lang. I mean.. I don’t know. No comment?

Mom: Whatever.

Tumayo kaagad si Mommy at pumunta sa garden niya. buong araw akong nakaupo dun sa bahay at I know for sure, nagkita na si Mikel at Lindsay. Oh well. Wala na akong magagawa. Ayoko namang magmukmok habang buhay noh?

Beep. Beep.

I looked at my cellphone at nabigla ako when I saw Mikel’s pic sa screen at may message daw ako from him. Mabilis ko namang binuksan at binasa.

‘panget. kita tayo sa 24. Ngayon na ha.’

Sa Bar 24? Bakit naman?

‘yoko, tinatamad ako.’

Sent.

‘may pakikilala ako sa iyo.’

Pakikilala? No thanks. Kilala ko na yan. At masasaktan lang ako.   Ayoko, pero there’s something in me na gustong pumunta and meet that girl. Gusto ko kasing malaman kung ano yung nagustuhan ni Mikel sa kanya.

‘coming.’

Sent.

‘great, we’ll w8 4 u.’

Leche. Lumabas ako ng bahay at nagpahatid kay Manong. Sabi ni Mommy, regards nalang daw kay son-in-law to be. That’ll never happen, Mom.

Bumaba ako ng car at pumasok sa Bar 24. Mabilis ko namang nakita si Mikel since nakaharap siya sa door. Then napansin ko yung babaeng kasama niya. Pero hindi ko kaagad nakita ang face since nakatalikod sakin.

I went to the table where they were sitting.

Mikel: Here she is. Hmm, Mish, meet Lindsay. Hmm, Lindsay, si Mish.

I smiled and when she faced me, sh*t. Sobrang ganda ng babaeng to. She looks very sophisticated, yung kind of girl na alam mong she can get what she wants. Parang nanliit tuloy ako sa sarili ko.

She smiled at me.

Then umupo kaagad ako sa kabilang side ng table. Nagtransfer naman si Mikel sa tabi niya at ako yung naupo sa opposite nila. Wow naman, kitang-kita ko talaga ang view no?

Mikel: Hmm, she just came back from Paris. Tsaka..

Ako: Paris? Yeah, I heard it. Hmm, diba may scholarship ka dun?

Linds: Yup. And..

Ako: Don’t tell me you gave it up already. Sayang naman kasi.

Linds: Well, I didn’t. I just came here for vacation.

Ako: Oh..

Bigla namang lumapit yung waiter at kinuha yung order namin. Grbe, kahit sa pagkuha ng order, parang memorize niya yung menu. Siguro nga, kakaiba talaga siya.

After that, the conversation went on, and maayos naman yung lahat – the only thing na hindi maayos eh yung nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi kakayanin tong nakikita kong ngiti sa mukha ni Mikel. Kitang-kita mo talaga na masaya siya na makasama ulit si Lindsay.

Mikel: Wait, excuse me, I’ll just go to the comfort room.

Tumayo siya at dumiretso sa comfort room. Kami naman eh naiwang dalawa sa table.

Humarap ulit ako kay Lindsay and this time, may nahalata akong kakaiba sa kanya.

Linds: He told me everighthing about you and the fiance thingy already.

Ako: Oh.. buti naman.

Linds: Look, stay away from him. He’s mine, so back off.

Nabigla ako sa sinabi niya. The girl I admired awhile ago is like turning into a possessive obsessive b*tch right now.

Ako: I beg your pardon?

Linds: I said, stay away from him.

Ugh?! Who does she think she is?! Hoy, bruha ka, mas maganda pa ako sa iyo. Tsaka.. ugh! Kung yang ipamamayabang niya sakin eh yang scholarship niya sa Paris, eh ano?

Ako: You’re not the girl I supposed you were.

Linds: I’m acting like this because Mikel belongs to me – and I won’t allow somebody to just steal him away.

Ako: I’m not. And right, he belongs to you – ano akala mo kay Mikel, aso? If you’re confident and you trust him, you wouldn’t say all of these things to me.

Linds: And what are you trying to say? Na kayang-kaya mo siyang agawin sakin?

Ako: No, ang kitid naman ng ulo mo. What I’m trying to say is, wala ka bang trust kay Mikel? He waited for you. Kaya naman sana wag kang ganyan no.

Linds: Shut the hell up. He’s here.

Bago pa ako nakapagsalita, Mikel sat beside her again and smiled.

Mikel: So, what did you two talk about?

Ako: She –

Linds: She was saying that she wants to eat na.

I glared at her na parang, langya ka. You look like an angel tapos demonyita pala ang ugali. Buti pa ako, mukhang dyosa na nga, maganda pa ang ugali. Package deal no?

Mikel: Hmm, sorry about that. Wait, I’ll just check the counter nala-

Ako: No, don’t bother. I can wait pa naman eh.

Okay, I just don’t want to be left here again with this demonyita.  Then came our orders. Haayy… sa wakas. Buti naman. Kasi kapag nadelayed pa ng 3 minutes or so, kakainin ko na talaga tong Lindsay na to.

After the dinner, nagbayad na si Mikel and kumapit naman kaagad si Lindsay sa kanya. Maraming couples na nandun at lahat nakatingin sa kanilang dalawa. Half of  the boys are looking at Mikel, siguro iniisip na sana sila nalang si Mikel. And half of the girls are looking at Lindsay, iniisip na siguro sana sila nalang si Lindsay, and the rest? Looking at me. Siguro they’re thinking na ang ganda-ganda ko pero wala akong kasama. Haha. Kidding. Siguro iniisip nila kung sino naman ako at naging muchacha ako ng dalawang ito. I just smiled to myself – honestly, ito nalang yung magagawa ko sa sarili ko para di ko masyado mapansin yung sakit na nararamdaman ko ngayon dito. [turo sa puso]

Nung nandun na kami sa parking lot, sabi ko sasakay nalang ako ng taxi kasi baka may gusto pa silang puntahan. Nakakaabala naman. But Mikel insisted. I was about to go at the front seat when Lindsay got hold of the door and went directly inside.

Ako: Oh.

Muntik ko nang makalimutan na dapat si Lindsay pala talaga yung nasa harapan. I smiled again to myself and opened the door sa likod. You’ll have to be okay with this. Dati naman kasi e, nasa harapan ako lagi. Guess, since she’s back, everighthing will be somewhat different.

Maayos naman kaming nakauwi sa bahay. Hindi ko kinain si Lindsay at hindi ko pinukpok ng martilyo si Mikel. They just dropped me off and I went upstairs.

I sat down at the couch feeling alone – and yeah, I’m alone. Suddenly, tears started to stream at my face. Sh*t, why am I crying again? There’s no reason to cry diba? Wala talaga.

I went inside my room, naligo at nahiga na kaagad. Ayoko nang mag-isip. Masasaktan lang naman ako e. Mabuti na to. Idadaan ko nalang sa tulog. Tsaka beauty rest – para matalbugan yung bruhang Lindsay na yun.

Pagkamorning, wala naman masyadong nangyari. He went out with her again at nagshopping akong mag-isa. And.. well.. di na kami masydong nagkikita sa bahay. He’s always with Lindsay tsaka ayoko namang sabihin nila na panira ako sa kanila when we all know na wala kaming relasyon ni Mikel. We’re just plain housemates and.. well… fake engaged.

Noong evening, naunang umuwi si Mikel sakin and he was sitting at the couch when I arrived.

Mikel: Hi Mish!

Nabigla naman ako at napatingin sa kanya. I just smiled. Umupo naman kaagad ako sa couch at tinapon sa gilid yung mga dala kong shopping bags.

Ako: So, how’s it going?

Mikel: What do you mean?

Ako: What’s up with you? I mean, its been one week since di tayo nag-uusap nor nagkikita masyado dito sa bahay.

Mikel: Yeah.

Silence.

Mikel: And I kinda missed you.

I smiled and looked at him.

Ako: I missed you too.

Mikel: Corny! Hahaha. So, kelan ka free?

Ako: Huh?

Mikel: Free? Labas tayo.

Ako: Hmm, bukas, free ako. Bakit?

Mikel: La lang. Diba sabi ko sa iyo dati ililibre kita ng EK pag may time ako?

Ako: Eh si Lindsay?

Mikel: Hmm, tayong dalawa lang. Okay lang naman siguro sa kanya e.

Ako: Hmm, sure!

I smiled again and went inside my room.

OMG!

OMG, dahil ilalabas niya ako sa EK! Excited ko naman no? Parang baliw na nakalabas na ng mental. Well, its just that, sa wakas, tutuparin niya na rin yung promise niya!9:OO AM

I hurriedly woke up at tumakbo sa kwarto niya.   He’s still sleeping, you jerk. Kaya naman I jumped at his bed at tumalon-talon.

Ako: Mikee!!! Mikee!!! Wake up!! We’re going to EK!!

Mikel: Pjsdksjdkjddffftt..

Ako: Ano ba?! Come on!!

Hinila ko pa yung kamay niya para bumangon, pero ayaw parin. Sobra pa ata ito sa mantika matulog eh! Then may napansin ako sa tabi ng lamp niya.

VIDEOCAMERA.

I hurriedly grabbed it and turned it on. Then hinarap ko sa sarili ko yung cam.

Ako:   Hi, I’m Michelle Monteverde.

Tapos hinarap ko naman sa natutulog na Mikel yung cam.

Ako: And this cute little angel here is Mikel Araneta. You heard it right, I said cute little angel. Yan ay pag tulog siya, pero pag gising, nagiging monster yan – bad monster.  Sad

Bigla nalang akong natigilan when I looked at the screen with Mikel’s face on it. Really, mukha nga siyang harmless. And I felt my heart skipped a beat again.

Ako: Pero kahit ganyan yan, mahal ko yan.

Suddenly, Mikel opened his left eye. Sh*t.

Mikel: Ano na naman yan?

I hurriedly pushed the delete button and smiled at Mikel.

Ako: Yah! Get up! You promised me to go to EK right now! Kaya bilis! Maligo kana!

I pulled his hands at tumayo naman siya. He smiled pa nga eh na parang gustong-gusto niya talaga akong nakikita naaasar. I sticked out my tongue at him and kicked his legs. Pero mahina lang ha.

Then pinalabas niya ako kasi virgin pa daw yung body niya from me. Eh loko pala to eh! Ilang ulit ko na kaya yan na nakita!

Then after some few minutes, lumabas siya sa room niya and goshie! He looks so hot. Nakawhite polo siya na mejo open yung butones sa itaas and he was wearing a white pants too. Basta he looks so neat and nakagel yung hair.. like, my heart skipped a beat again.

Mikel: What?

Ako: Wala naman. Let’s go?

Mikel: Sure.

Kaya ayun, we went downstairs at dumiretso na sa EK. Siya pa talaga nagbayad ng fees. Bigla naman akong tumakbo sa isang rides doon and after it, sunod-sunod na at halos lahat ata eh natry na namin. Nung lunchtime, kumain lang kami ng burger and we went on again. Tuwang-tuwa talaga ako.

Ako: Mikel, you look like you’re going to throw up!

Mikel: Di ah! Dun naman tayo!

Hinila niya naman kaagad ako and sumakay na naman kami sa rollercoaster. Pero halatang-halata na kay Mikel na gusto niya na talagang tumigil.

Ako: Okay, let’s rest for awhile.

Mikel: Huh? Don’t tell me, masusuka ka na?

Ako: Baka ikaw! naaawa lang ako sa iyo noh!

Mikel: Hala, di noh!

Then nung lumingon ako sa gilid, I saw a photo booth. Hinila ko naman si Mikel at dumiretso kami dun.

Mikel: Ano yan?

Ako: Photo booth to Mike. Wala ba to sa bundok niyo?

Mikel: I mean, anong gagawin natin to?

Ako: Naman Mike. Ano bang ginagawa sa photo booth?

Mikel: Yoko nga magpapic kasama ka! Maya niyan, masira pa yang machine eh.

Ako: Batukan kaya kita no?

Mikel: Oo nga eh, papic tayo.

Kaya ayun, smile-smile na kaming dalawa. Then after a minute or so, I got the pics already. Tag-iisang copy kami. Then it was evening na nung napagod na ako. Pero grabe parin yung explore namin sa EK. Pumasok pa kami sa Horror House at syempre, panay yung batok ko kay Mikel at sa mga mumu.

Then hanggang naging 10 oclock na nang gabi. Gusto ko nang umuwi pero ayaw pa ni Mikel. may surprise pa daw siya eh.

Mikel: Wait lang kasi. Let’s just sit here.

Umupo kami sa isang bench at ayun, naghintay. Then suddenly, fireworks came flashing in at the sky. Napatayo ako at napatingin sa fireworks. So this is what he’s saying na dapat akong maghintay. And I think its worth waitin for. Grabe, ang ganda-ganda.

Ako: Woah.. its beautiful.

Mikel: Yeah, beautiful.

Then suddenly, I looked at him. I was surprised na nakatingin siya sakin. Then suddenly, he looked at the sky and smiled.

Did he really mean that?

I looked at the sky again where different lights are still flashin before my eyes. Then suddenly, Mikel went talking.

Mikel: I’m leaving.

He said in a very low and serious voice. I suddenly faced him in shock.

Mikel: I’m leaving for Paris. I’ve.. I’ve been working on a scholarship and they granted it already last Wednesday.. I’m going to Paris with Lindsay and..

I couldn’t breathe and my tears started filling my eyes. I looked up at nothingness. Wala akong makita. Naririnig ko  lang ang boses niya and pakiramdam ko, nag-eecho ito na nag-eecho sa tenga ko. I felt like there was just me and him sitting and.. and..

Mikel: Mish..

He looked at me and I can see his eyes at the corner of my eye. I breathe again and wiped the tears in my eyes.

Ako: I’m so happy for you.

I turned to look at him. Bahala na, kahit makita niya ang mga luha ko, bahala na!

Ako: So, this is all about it. Right? You’re keeping your promise to me because.. because.. you’re leaving.. and..   and.. I don’t know what to say.

My tears were flowing unstoppably and I can feel my heart tearing apart. Pakiramdam ko, hindi ako makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa puso ko ngayon.

Mikel: Mish.. this is what i’ve wanted ever since she went away from me.. and..

Ako: I told you, I’m so happy for you.

I forced a smile.

I stood up and started to walk.

I’m so happy for you.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s