Words – Chapter 6 to Chapter 10

Chapter 6

[Mish]

Langya naman! Waah, maiinis ka talaga kung kayo nasa side ko. The room’s full of paper na may mga nakasulat na words. I didn’t bother to take a look at it. At sino namang magaling ang naglagay at nagkalat nito dito? Oh well, tinatanong pa ba yan?

Subukan mo lang umuwi dito at ipapakain ko talaga tong mga papel na to hanggang di na siya makahinga! (naks, ang brutal naman) Grrr, sakit sa ulo nitong si Mikel Araneta! 

Well dahil nga pagod ako sa kakalakad dun sa Mall of Asia, eh ayun, pinabayaan ko nalang yung kalat. Sa katunayan, di naman talaga ako dapat ang maglinis nun eh. Siya no, sino ba yung nagkalat? Diba nga sabi nina Mommy satin, ibalik sa tamang lugar yung bagay kung san mo kinuha? Bahala siya diyan.

Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga. Kinuha ko yung cp ko sa bag at tiningnan kung may reply na. Tinext ko kasi si Karlo kanina, ewan, pero di parin nagpaparamdam. Its been 3 days since we last saw each other. Miss ko na yung lokong yun. Nakatitig parin ako sa cp ko at baka sa anong himala makarinig ako ng totot at makita ko yung pangalang Karlo sa screen ko. Sa sobrang paghihintay ko, di ko namalayang nakatulog na pala ako.

It was past 11 when I heard some ‘kalabog’ outside my room. Kahit medyo tulog mantika ako, mabilis naman akong nakatayo at kinuha ko yung vase na nasa ibabaw ng dresser ko. Abay mahirap na no, alam ko namang hindi tatanggi yung rapist pag nakita ako. Buti na yung may pampalo kahit papano.

Ako: Sino yan?

Walang sagot..

Ako: Try mo lang lumapit sa beauty ko at mamatay ka ng wala sa oras! Malayo pa naman yung hospital dito!

Wala paring sagot.

Ninerbyos na yung beauty ko.

Lalapit na sana ako para I on yung light when someone held my right foot!

Ako: Waaaaaahhh!! Lumayo ka!!!

Ipupugpog ko na sana yung vase pero buti nalang at nakapagsalita siya.

Mikel: Huist.. sandali!

Ako: Mi-mikee?

Mikel: Anong Mikee? Mikel!

Ako: A-anong ginagawa mo diyan sa floor?

Gagi! E kung i-on mo kaya yang lights at tingnan kung anong ginagawa niya? Kaya ayun, I followed the feeling small voice inside me. I turned on the lights at nabigla nalang ako when I saw him lying on the floor. Namumula siya.

Ako: Langya! Lasenggo ka pala e!

Mikel: H-hindi ahh.. nagktuwaan lang..

Ako: Nagkatuwaan! Bahala ka diyan!

Papasok na sana ako sa room ng tumayo siya bigla.

Mikel: Bakit parang naging apat ka na Mish? Teka, ang labo mo Mish!

Ako: Yan.. yan ang epekto ng alcohol! Naduduleng kana! teka, nga Mike.

Hinarap ko siya sakin. Langya! Kahit laseng na nga, mabango parin ang loko! Di amoy alak! Ano ininom niya? Axe?

*Pak* Sapul sa kanang pisngi.

Ako: Ngayon, ilang stars na nakikita mo?

Mikel: Mas lalo ka palang gumaganda no?

Napablush naman yung lola niyo.

Ako: Di mo na kelangang sabihin yan, dati na yan eh.

Mikel: Lasing po ako.. naniwala naman..

Ako: Excuse meee??!

Mikel: Dadaan ka?

Bigla naman siyang pumunta sa gilid na parang inaalok sakin yung way.

Ako: Langya! Wala ka namang kwenta e! Anu ba yan, laseng man o hindi, lang kwenta parin.

Mikel: Gwapo naman..

AKo: Yabang mo..

Mikel: Ano pa’t binigyan ako ng kagwapuhan kung hindi ko naman pag-iyayabang diba?

Ako: Is it the wind or is it just you?

Mikel: Deal.

Ako: No deal.

Mikel: Si # 22 si Charmel.

Ako: Labo mo!

Papasok na sana ako ng kwarto when something he said caught my ears.

Ano?

Umuwi akong lasing na lasing. Haay, naduduleng ako. Pakiramdam ko, tatlo-tatlo yung daan papunta sa unit namin. Buti nalang nakadrive pa ako pauwi.   nang dumating ako, pakiramdam ko umiikot na yung lahat. Pati mukha ni Mish e parang naging bright.

Sinampal pa nga ako e. Pero sa sobrang kalasingan ko, hindi ko na napansin yung sakit ng pagkasampal niya. Hindi ko na alam yung mga pinagsasabi ko. Nakita ko pa nga si Charmel na may hawak na briefcase e. Bwahahaha!

Hindi ko na kaagad napigilan yung mga sumunod na lumabas sa bibig ko.

Ako: L-lindsay.. usap muna tayo.. hindi naman ata okay na bigla mo nalang akong iiwanan diba?!

Napatingin ulit ako kay Mikel. He looks so desperate when he said that. Nakapikit siya while leaning his head on the sofa. Napaupo ulit ako at tiningnan siya.

Ako: Wahahaha! Iniwan siya ng gf!

Tumahimik lang siya. Then I looked at him. Lindsay?

Ako: Seriously.. bakit naman?   (usisera ako eh)

Mikel: She’s going to London. She just got a scholarship.

Ako: Waah! TAlino! And wait – so she’s leaving you?

Tumango siya habang nakapikit yung mata.

Ako: Break na kayo?

Mikel: Obviously.

Ako: hanep no? Kahit laseng ka, nag-eenglish ka parin. Buti di dumudugo ilong mo.

Mikel: I like her alot.

Napatingin ako sa kanya. Naisip ko kaagad, e nandito naman ako, ba’t siya pa hahanapin mo?

Este! Erase! Ano bang iniisip ko?! Duh!!!

Ako: Edi sundan mo.

Mikel: Wala akong pera.

Ako: Loko! Edi magtrabaho ka! Diba part time model ka?

Mikel: Pagod ako!

Ako: Eh loko ka pala e!

Mikel: Sige, masyado nang magulo utak ko. Naloloko na ako, pati ikaw na manequin kinakausap ko.

Isang batok para sa iyo!

Ako: Manequin ka diyan!

Mikel: Tingnan mo nga sarili mo sa salamin! mukha ka naman talagang manequin e!

Ako: Maganda naman.

Mikel: May nakita ka na bang manequin na maganda?

Ako: Oo naman, sa Paris.

Mikel: E dito sa Pinas?

Ako: Wala.

Mikel: Eh nasan ka ngayon?

Ako: Sa Pinas.

Mikel: May nakita ka na bang magndang manequin dito sa Pinas? (tumatawa na)

Isang batok ulit sa kanya!

Mikel: Nakakailan ka na ah!

Ako: Mukha ka nang lelang! Matulog ka na nga!

Mikel: Lelang na gwapo?

Ako: Ang kapal mo!

Mikel: Pakihawak nga ng mukha ko? Kasing kapal ba ng sa iyo?

Ako: Ang sama mo talaga!

Hinagis ko sa kanya yung unan na hinahawakan ko. Sapul naman sa bunganga. Napatawa nalang kaagad ako.

Nauna akong pumasok sa kwarto. Siya naman e papasok na rin daw. Pero nung nakapasok na ako, sinilip ko siya sa labas.  Nabigla nalang ako when he smiled at tumulo ang isang patak ng luha sa mata niya.

He loves that Lindsay so much huh?


Chapter 7

[Mikel]

Hindi ko alam kung san nanggaling yung mga luhang yun. Honestly, di naman talaga ako nalulungkot na aalis siya e. Siguro dahil yun sa iniinom kani-kanina lang. Langya, may sili ba yung tubig na kinuha ko sa ref?

Kitams niyo naman, kahit laseng ako medjo matino parin utak ko ano? Hahaha! Syempre, sanay sa inuman e. Hindi naman talaga ako lasengo, baka maturn-off pa kayo, naparami lang talaga inom ko nung gabing yun. Siguro nakatulog na rin ako kaagad.

Mish: Mikee!!! Wake up!!! Mikee!!!

I heard her shout. Ang aga-aga nambubulabog. Pinabayaan ko lang siya.

Ako: pshgdskdskdlsjjgg..

Mish: Ano?

Ako: Alis nga.. sakit pa ng ulo ko.. hsdgshgdkkkaljjjs..

Mish: Panget! Gumising ka na!

Balik lang ako sa tulog na parang walang bungangera sa gilid ko. Teka, ba’t ba to pumasok sa kwarto ko?

Mish: Ahh.. hindi ka madadala sa sigaw ha.. wait lang ha..

Naramdaman kong lumabas siya. Bahala ka diyan. Matutulog parin ako.

*splash*

Anak ng tokwa ng baka!

Napatayo naman kaagad ako. Ikaw ba naman?

Ako: Waaahh! Ano iyan?!

Mish: Obvious naman no? Edi tubig!

Ako: I mean, ba’t moko binuhusan?! Alam mo ba kung gano kalamig?!

Mish: Marahil malamig na malamig. Napatalon ka e.

Ako: Ano ba kelangan mo? Tingnan mo nga oh! Its 7 oclock in the morning. (pinakita ko sa kanya yung alarm clock na nasa gilid ko)

Mish: That’s it. First day at the new school?

Oh sh*t! Tama nga pala. Roar!

Mish: Ligo ka na ha! And the breakfast’s on the table na.

Tumalikod lang ako at dumiretso sa banyo. And wait – did she say breakfast’s on the table? so, meaning, she knows how to cook? Aba, may silbi din pala ito bukod sa pagiging maganda.

Pagkatapos kong maligo, dumiretso ako sa labas.

Mish: Bwaaaahhh!

Isusuot ko pa sana yung tshirt ko when she suddenly shouted.

Ako: Ano? What’s the prob?

Tumingin naman siya sakin.

Ako: W-what?

Nakatingin parin siya sakin, when I suddenly scanned myself mentally.

Ako: Mata mo, baka malaglag. Nothing’s wrong?

Bigla naman siyang umiling. Kaya napabalik ako sa kwarto.

Ako: Suot lang ako ng shirt.

After the breakfast, bumaba kaagad ako ng condo.

Mish: Wait, sabay ba tayong papasok?

Ako: Hindi, pede rin namang magjeep ka nalang or magtaxi eh.

Mish: Kala mo kung sinong gwapo!

Ako: gwapo naman talaga eh.

Mish: Hindi ka ba nasasayangan sa beauty ko? Paano kung madiskrasya ako? Edi kokonti na yung-

Ako: Kokonti na yung panget sa mundo, and the world will be a better place to live in.

Bigla naman siyang lumpait sakin at tiningnan ako sa mukha. May muta ba ako? At bago ko pa nalaman..

*pak* sapul ako sa mukha ng malaki niyang libro.

Ako: Sadista ka talaga! Child abuse yan ah!

Mish: Anong childchild ka diyan? ke tanda mo nang tao, childchild ka pa diyan!

Ako: Wag kang sumakay ng kotse ko ha!

Mish: Edi wag! Porket nakaHonda ka lang, ang lakas na ng hangin mo!

Bigla niya namang sinipa yung tire ng kotse ko.

Ako: Huy, dahan-dahan! Mas mahalaga pa ito kesa sa iyo!

Lumakad lang siya palayo. Palabas ng parking lot sa ground floor.

Ako: Bahala ka diyan…

Pinaandar ko yung kotse at umatras. First day sa school ang panget na ng simula? At dahil sa ano? Hindi, dahil kanino? Edi sa babaeng nakakaimbyerna ng tao! I bet walang pumapatol sa kanya, sa sobrang suplada niyan? Who would even give her a secret letter? Nang palabas na ako, I saw her standing sa labas ng lobby ng building. Nakikichika na naman kay guard.

Biglang nagbago ang isip ko.

Guard: O, eto na pala yung boypren mo e.

Bigla namang napatingin sakin si Mish na nasa gilid ko. Hininto ko lang yung car sa harapan niya at hinihintay siyang pumasok.

Guard: Sakay na, baka malate ka pa.

Mish: Bye Manong!

Ang lakas, grabe, di man lang naghiya efek. Binuksan niya yung door at sumakay.

Ako: Seatbelt please.

Mish: Why pa? Mahina ka naman sigurong magdrive diba?

Ako: Seatbelt please.

I glanced at the mirror, tiningnan niya ako ng masama na parang bata na ayaw sundin at napailitan lang sa gusto ko.

Ako: Good.

Then priness ko yung gas, kaya napahawak siya bigla sa gilid at sa seatbelt niya. I looked at my car’s clock. Late na kami, and I really can’t afford to be late. ewan ko ba, it’s just that.. wala.

Mish: Mikee!!! Its red light.. you don’t wanna go straight in there right? (she said shaking)

Ako: yes I do!

Red light, pero I tried na makapasok talaga kami before it turned to red. Tiningnan ko si Michelle na nakaupo dun sa gilid ko. You should’ve seen her face. Namuti ata.

Mish: Loko ka! What if nadisgrasya tayo dun?! Naku.. ang beauty ko..

Ako: No worries. Okay lang naman e, total panget naman.

Mish: Saying that to yourself?

Ako: Hindi, sino ba satin ang panget?

Mish: ikaw.

Ako: Ako nga ba?

Mish: Oo, ikaw.

Ako: Asus, nahiya ka pa. Ayos lang naman sakin kung aaminin mo e.

Mish: Grrr.. magconcentrate ka na nga!

Ang sarap talaga asarin itong si Mishie. Ang daling pikunin. Tapos ang cute niya pa pag nagagalit. Blue skies! Totoo! Now im saying the truth. Hindi naman ako sinungaling eh. Pagdating namin sa school, dumiretso siya sa building niya ako naman e sa building din namin. by noon, dami na akong katropa. Haha! Iba ang dating ko e. ewan ko lang dun sa babaeng yun kung may naging kaibigan nang bruha.

Pagkahapon, hindi ko na siya hinintay. Tinatamad ako kaya dumiretso ako sa Gardo’s. Nandun mga katropa ko ‘talaga’.

Migs: Balita ko may kasama kang babae sa new condo unit mo?

Ako: Wala yun..

Jegs: Ganda ba huh?

Eto pa isa, mga lokoloko.

Ako: Mukhang mangkukulam.

Ed: Di nga?!

Ako: Pramis! Mukha siyang mangkukulam. No, demonyita pala.

Ed: pero sexy?

Isang batok para kay Ed.

Ako: Ogag!

Migs: Daan kami dun minsan ha?

Ako: naku.. wag na! Baka makulam kayo.

Ed: Whaa! Kakaintriga eh. Anong name?

Ako: Michelle.

Jegs: Michelle what?

Ako: Bastah Michelle.

Yeah, Michelle.


Chapter 8

[Mish]

First day in a new school, marami na kaagad akong friends. Hmm, iba talaga yung powers ng mga magaganda no? Si panget kaya? Pakiramdam ko, marami na rin yung mga kaibigan. Yun pa, e, epal din yun eh..

Pagkatapos ng class, nagsiuwian na yung mga so-called new friends ko. They said, ‘hey mish, we’ll go ahead na ha? our sundo is here na e.’ Akala siguro nila they’re still in high school na paartehan ng pananalita. They make me sick you know.

So, there, tinext ko na si Mikel na sunduin ako, pero di naman nagrereply. Baka iba naman tong number na nakuha ko? Honestly, ninakaw ko lang to sa cp niya since pakiramdam ko wala siyang plano na ibigay sakin.

Mga 30 minutes na siguro akong nakatayo dun. Some boys offered me a ride. Pero hell-o?! Hindi naman ako yung tipo ng girl na easy-to-get no. So, yun, tumayo parin ako dun. Wala naman akong planong magtaxi kasi nga medjo gagabihin ako ng uwi. Baka machopchop lady pa yung drama ko. Pag magffx ako, hay nako wag na, medjo maiksi skirt ko e.

So there, wala akong choice kundi kontakin yung ever-ewan-bf ko. Habang nagdadial ng number niya, pinepray ko talaga na sana lang man e may sumagot. Sana lang talaga. Sana lang.

After some rings..

Karlo: yeah?

Ako: Gosh, pede bang magpasundo?

Karlo: San ka?

Naks, buti at buhay pa siya no?

Ako: Dito sa bago kong school.

Karlo: Mish, masyado ng out of the way. Pede next time nalang?

Ako: Naman..

Karlo: Sige, bye.

Ako: Ka-

At bago pa ako makatapos, e ayun, binaba na yung phone! Naman.. nangangati na talaga yung mga paa ko sa kakakagat ng mga lamok. Nag-eenjoy ata sila e. Ang sakit sakit narin ng mga paa ko. Mangingiyak-ngiyak na talaga ako habang nakatayo dun. Sana man lang.. sana man lang, may isang tao na nakakaalala pa sakin.

[Mikel]

Pagkatapos naming maglibot-libot, umuwi na rin kaagad ako. Niyaya pa nga ako ng mga friends ko na kumain sa labas, pero since I thought na umuwi na si Mish at nakapagluto, nagbago isip ko. Yeah, she’s good at cooking. Ewan ko ba, pero wala lang. Sa panahon kasi ngayon, medjo mangilan-ngilan nalang yung mga babaeng marunong magluto, so in short – okay, naamaze ako.

It’s just that, with all the tech around, wala lang. Microwave, kasalanan talaga ng microwave! Hahaha.

Nang dumating ako sa bahay, nakalock parin yung pinto. Nabigla ako kasi 8:30 na wala paring tao. Siguro naghappy-happy pa siya with her so called new friends. Then kinapa ko yung cp ko kasi itetext ko nalang siya. Heehee.

I saw her number at my Mom’s cp noon. Kinopya ko lang. Wala lang. Feel ko lang e.

Wala sa pocket ko. Kaya naman mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto para tingnan kung nandun nga! Sh*t. N series pa naman yun. LOL

1 message received

sunduin mo naman ako mmya, pd? mishie

Tiningnan ko yung oras nung sinend niya sakin!

Dang!

6:30 pa ng hapon! Sana nandun pa siya.

Mabilis akong sumakay sa kotse at dumiretso sa school. Ngayon, mapapakinabangan ko na yung ginagawa kong drag racing noon. Pero teka –

Ba’t ba ako nagmamadaling sunduin siya?

Ah bahala na, mamaya ko na yan pag-iisipan ng mabuti. Kaw naman kasi cellphone e, nagpaiwan ka pa sa bahay eh may bulsa naman ako.

Pagdating ko dun, wala ng tao sa waiting area. Nakita ko yung guard na nakatayo dun at nagbabantay.

“Manong, may babae bang naiwan dito na – anu.. hmm.. – ”

“-maganda?”

Tumpak!

“Oo, yung magandang babae.” sabi ko kaagad.

“Hay iho, nauna na. Ikaw kasi e, pinaghintay mo. 2 oras siguro siyang nakatayo dito. Sa susunod wag mong pabayaan gf mo ha?” ng sinabi niya yun, mejo malayo-layo na ako.

“Salamat!” sigaw ko nalang. Naman! Asar!

Ba’t di nalang kasi umuwi ng mas maaga. Hinintay niya ba reply ko? Ano?! Naman e! Tsaka bakit ba ‘maganda’ talaga yung description sa kanya? Hindi naman maganda ah! Naman e! Pag may nangyari sa kanyang masama, marahil, eto na ang katapusan ko. Bakit? Kasi mumultuhin ako nun, magpaparamdam taz sasakalin ako! Naman..

Bumalik ulit ako sa condo at chineck yung bahay, wala paring tao. Nakaoff parin yung mga ilaw. Bumaba ulit ako at naghanap. Bigla ko nalang natanong sa sarili ko, teka? san mo siya hahanapin Mike?

Tango! Bumalik kaagad ako sa condo at naghanap sa phone directory ng number ng kaibigan niya. Yup, naalala ko, nilista niya yun eh, sakaling di daw siya makabalik kung di ko siya ihahatid. Naman!

Ng makita ko yung number ng friend niya, nakalimutan ko kung ano yung name e. So yun nagkausap kami and she said na nakauwi na daw si Mish.

Naman! Hininto ko yung car at nag Uturn na lang. Dali-dali naman kaagad akong umakyat sa condo at binuksan yung ilaw.

“Mish?!” Sigaw ko habang naghahanap sa kusina. Bakit kusina? Mahilig kumain ng adobo sandwich yun e.

Tumakbo naman ako sa room niya. “Mish?! Misshhh??”

Wala paring sagot. No choice but to open the door. So I opened the door and there she is, nakahalatay sa kanyang kama with arms widely open. I looked at her na parang natameme ako. She looked so tired and everighthing. Feeling ko naman parang pinatakbo siya ng ilang kilometro. Pero kahit ganun na, she still looked lovely.

Para siyang angel kapag natutulog. Take note, kapag natutulog. Lumapit ako para tignan siya ng mabuti – like trying to memorize every angle of her face? Nope. Wala lang, trip ko lang.

The suddenly she moved. Bigla naman akong napataranta. But then, before I could move, she hugged me.

“You shtupid.. di moko sinundo.. hate you.. hgdskjdskjskddkdfff…

..Karlo..”


Chapter 9

[Mikel]

Langya!

Karlo ka diyan, ang layo ng Karlo sa Mikel noh! Di hamak na mas maganda naman tong pangalan ko kesa dun! At hoy! mas gwapo siguro ako!

Inalis ko yung kamay niya at tumayo ako. Lumabas ako sa kwarto niya at pumunta sa kwarto ko. Nakakapagod tong araw na to. Ako sa babaeng to, magpaturo na siya ng taekwondo para di na ako mag-aalala kung san man siya mapadpad. Yan kase e, sa sobrang ganda, nininerbiyos ka. Baka masubic rape case II siya.   Wait –  did I say maganda siya?! Of course, alam naman nating sinungaling ako diba?!

So yun, nakatulog na ako kaagad. Buti nalang ten pa ng umaga yung class ko bukas. Ewan ko kung anong oras yung klase niya bukas. Pero promise, susunduin ko na talaga siya at ihahatid na.   Mahirap na at baka ako giyerahin ng Mommy nun.

Early to bed and early to rise..

Makes a handsome boy more handsome and wise..

Hahahaha! Wala lang.. paki niyo kung magrecite ako ng rhyme dito?   Bumangon ako at dumiretso sa salamin. Alam ko, maganda na araw ko.  Ngumiti kaagad ako. Himala ata at walang malamig na tubig ngayon ah?

Lumabas ako ng kwarto at tumingin-tingin.  Smiley Wala naman siya. Baka tulog pa no? Bahala na siya diyan. Nanghilamos ako at naligo na kaagad. Pagkatapos kong maligo, dumiretso ako sa kitchen at naghanap ng pagkain. Lanya.. Walang nag-iinit na pagkain.

Tiningnan ko yung ref at baka may pwedeng mailagay sa tiyan ko, langya! Wala din? Teka, kakagrocery lang nung babaeng yun ah?

Umupo nalang ako sa living room at nanood ng tv. Palipat-lipat ng channel dahil wala namang magandang panoorin. Nakakabagot.. ayoko ring lumabas, wala akong pera.

Palipat-lipat lang ako ng channel when someone opened the door.

Anak ng tipaklong! Muntik na talaga akong mapatalon.

There she is, nakajogging pants na pink and nakajacket na white. Basang-basa ng pawis at nakaponytail yung hair. Ngiting-ngiti pa siya ah. Pero kahit basang-basa ng pawis at mejo mabaho na tingnan, gnda parin!

Mish: Laglag mata mo!

Binawi ko kaagad yung tingin ko at nanonood ulit ng tv. Pero at the corner of my eye, pinagmamasdan ko kilos niya.

Ako: Where’ve you been?

Mish: Jogging.

Ako: Obviously.

Mish: Obvious naman pala e, itatanong pa..

Woke up at the wrong side of the bed?

Ako: Mish…

Mish: Ano?

Ako: Favor naman o..

Mish: Favor?

Ako: Yeah?

Mish: What?

Ako: Hmmm, kasi ano e..

Mish: Ano?!

Ako: I’m so hungry na, can you cook something?


Chapter 10

[Mish]

Nabigla ako dun sa ikinilos ni Mikee na. Haha, kala ko kung ano na, edi sana yun na nga, babaeng nabibihag lamang ng kagwapuhan niya. Bleh.

Hinampas ko siya ng mahina at dumiretso naman ako sa kwarto.

Mikel:Uy, sige na kasi.. magluto ka na..

Aba, sinundan pa talaga ako no?

Binuksan ko yung closet ko at kumuha ng towel. I looked at him.

Mikel: Oh yeah, maliligo ka nga pala..

Dahan-dahan naman siyang naglakad papunta sa door.

Aww, he looks like a dog. Alam niyo yun? yung mukha ng aso kapag nagugutom and waiting for his food? Haha.

When he stopped suddenly at tumingin sa dresser ko. He looked at it na parang may magnet yun at minamagnet yung mata niya. I followed his gaze at nabigla ako.

He looked at me like he’s saying who’s-the-guy?

I ran at the dresser at kinuha yung photo frame.

Me: He’s-..he’s..

Mikel: I’ll wait for you outside… Panget ka rin!

Ugh!? Panget daw ako? Baka siya yun! Loko.. I looked at the photo na hinahawakan ko. Couldn’t help to sigh. Inayos ko nalang ulit at dumiretso na kaagad sa banyo.

Nung lumabas ako, nakaupo na siya dun sa harap ng tv.

Ako: Anong gusto mo?

Hindi naman sumagot. I looked at him, nakatingin siya sa tv pero parang sa kawalan naman talaga e.

Ako: Pangeett?? Heyy??

I waved my hand at his face.

Bigla naman siyang bumalik sa earth. Buti naman no?

Ako: How’s pluto?

Mikel: S-sorry.

What’s wrong with him?

Ako: So.. anong gusto mong kainin?

Ginawa pa akong yaya no?

Mikel: A-anything..

Ako: Ang weird mo..

I said at dumiretso sa kusina. Hinugasan ko yung mga lulutuin ko at nagprepare. He suddenly sat at the table.

Mikel: Boyfriend mo yun?

Muntik ko ng mabitawan yung baso when he asked me.

Ako:Well.. [tumingin ako sa kanya.] Last time I checked, yes.

Tumahimik siya at napatingin sakin.

Mikel: Meaning?

Ako: I don’t know.

I said at tumalikod na ulit.

Mikel: He’s so stupid if he lets you go.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s